Skip to playerSkip to main content
Inaantabayanan ang paglalabas ng arrest warrant laban kay Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa kaniya. Nag-ugat ang asunto sa pagtanggap umano niya ng P75 million mula sa private donors noong congressman pa siya. May report si Joseph Morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Naantabayanan ang paglilabas ng arrest warrant laban kay Sen. Rodante Marcoleta
00:04sa kasong plunder na inihain ang ombudsman sa Sandigan Bayan laban sa kanya.
00:10Nagugat ang asunto sa pagtanggap umano niya ng 75 million pesos
00:13mula sa private donors noong congressman pa siya.
00:17Very poor si Joseph Moro.
00:20Sen. Marcoleta, definitely, for resolution, we're about to file it already.
00:28Matapos ang anunsyong iyan ni ombudsman Jesus Crispin Rimulian itong lunes,
00:34inihain ng ombudsman sa Sandigan Bayan ngayong araw ang kasong plunder o pandarambong
00:39laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
00:42Isinamparin ang kasong paglabag sa Presidential Decree 46 o batas
00:46laban sa pagtanggap ng mga regalo ng mga nasa gobyerno.
00:50Nagugat ang kaso sa pagtanggap ni Marcoleta ng 75 million pesos noong kongresista pa siya
00:55at bago ang campaign period sa pagkasenado noong eleksyon 2025.
00:59Kinasuhan din ang mga nagbigay ng pera na sinadating congressman Mike Defensor,
01:04Joseph Espiritu at Aristotel Viray.
01:06Punto ng ombudsman, sa laki ng 75 million pesos,
01:10hindi na ito maituturing ng ordinaryong kagandahang loob,
01:13kundi katiwalian para makakuha ng pabor mula kay Marcoleta.
01:17Hindi rin daw maalimbali walain na lamang ebidensya ng 75 million pesos
01:21na hindi idineklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o Salen
01:26at Statement of Campaign Contributions and Expenditures o SOSE.
01:30Mismong si Marcoleta rin daw ang nagsabing utang na loob ang kanyang tinanggap na pondo.
01:35Guit ng ombudsman, ang isang nagsisilbi sa gobyerno ay hindi dapat magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino.
01:42May tutuling pa rin daw na plunder kahit galing sa pribadong individual ang mga pondo.
01:48Hinihingan pa namin ng pahayag si Senador Marcoleta at iba pang mga kinasuhan.
01:52Bagamat dati ng sinabi ni Marcoleta na gawagawa lamang at imbento ang mga asunto para patahimikin siya.
01:59Si Defensor sinabing handa niyang harapin ang asunto pero iginiit na walang batayan ang kaso.
02:05Ang kanya raw donasyon at pribadong pera may deed of donation at may binayarang donor's tax.
02:11Persecution. Persecution to. Gusto na lang pagigipit, gusto na lang tumahimik.
02:16Lahat ng mga tumitira doon sa nangyayari ngayon na sinasabi wala pa rin nakikitang ustisya.
02:22Na yung ninakaw na pondo ng bansa, ayaw niyong imbestigahan.
02:26Nais daw siyang patahimikin dahil sa kanyang pagsalita at panawagan para sa imbestigasyon sa mga paratang ng korupsyon.
02:33May kumausap pa raw sa kanya para tumahimik pero hindi niya sinabi kung sino ito.
02:38Dalawa-tatlong beses yan na may mga kaibigan.
02:41Alam mo naman, marami akong kaibigan din sa nakaupo sa administrasyon na tumahimik ka lang, wala na itong mga kaso.
02:46Sinusubukan namin kunan ang pahayag ang ombudsman.
02:51Naruffle na ang mga kaso ni Marcoleta.
02:53Napunta sa 3rd Division ang pagdinig sa kasong plunder na non-bailable o walang piyansa.
02:59Diringgi naman sa 1st, 4th at 6th Divisions ang mga reklamang paglabag sa Presidential Decree No. 46.
03:06Ang mga mahistrado ng mga dibisyon na may hawak ng kaso ang magdedesisyon kung kailan maglalabas ng arrest warrant laban
03:15kay Sen. Rodante Marcoleta at tatlong iba pa.
03:20Sabi ng PNP, may nakalatag na silang protokol para sa pagdakip kina Marcoleta o sa ilabas ang arrest warrant.
03:27Kung sakaling sa Senado mangyayari ang pag-aresto, ay makikipag-coordinate daw muna sila sa Senate leadership.
03:33Patuloy pang sinusubukang makunan ang reaksyon ng liderato ng Senado sa kaso ni Marcoleta.
03:38Joseph Morong, GME News.
Comments

Recommended