00:00Mabenta ngayon ang mga balde at drum sa gitna ng paghahanda sa Super El Niño.
00:05Mungkahi nga mismo ng Pangulo, mag-ipon ng mga yan.
00:08Pero balde-balde rin ang mga puna sa kanya, kaya dumipensa ang palasyo.
00:13May report si Ivan Mayrina.
00:17Sa mga nagdang araw, tila tumabo sa takilya sa iba't ibang tindahan ng mga timba at drum.
00:23Nagmahal nga yan sa taas ang demand.
00:25Ang supply po ay kinakapos na. Wala na po makita na mabilis ang mga kumpanya.
00:30Tinataas na po nila yung presyo. Kapag wala na po supply sa mga kumpanya, sa mga dealer na po kukuha.
00:36So yung dealer po, mataas ang presyo nun. Magtataas pa rin po kami.
00:40Ang tila panic buying ngayon ng ilan sa mga timba at drum.
00:43Bunsod ang pangambang kakaposin tayo ng tubig dahil sa banta ng Super El Niño.
00:48Ang Pangulo nga mismo, may payo sa publiko tungkol sa mga balde.
00:53Part of that public service and those public service messages will be collect, bumili na kayo ng balde.
00:58Para pag umulan, maka-collectan na ninyo lahat.
01:02Tuturoan namin kayo na we'll give you how to feel yung gamot para maging malinis.
01:07We'll give you the filter.
01:08Kasi yung sinabi nga na magkakaroon tayo ng shortage sa El Niño.
01:15Nag-prepare lang kami.
01:17Para daw po sa baka maubusan na tubig.
01:20Opo, naghahanda lang po.
01:22Galawa po muna. Ilang kasya na budget.
01:24Halos two weeks na po kami. Napakarami po. Dinadagsa po ng tao.
01:28Dahil sinasabi po ng Super El Niño po. Yung mga tao po, kung baga sa ano, naghahanda na po.
01:33Sa social media, meron mga meme at komento na bumabatikos at sumusuporta sa mungkahin ng Pangulo.
01:40Si Vice President Sara Duterte, hindi direktang nagkomento ukol dito.
01:44Ang tangin na sabi niya.
01:46Wala naman tag-aasahan sa Pangulo natin. Alam naman natin yun.
01:50Hindi naman natutuwa ang grupong August 21 Movement o Atom.
01:54Hanggang gano'n na lang daw ba ang kayang solusyon ng Malacanang para sa kinakalta sa buwis sa mga mamamayan?
02:00Gastusin pa rin daw ba sa balde ang solusyon ng gobyerno habang wala na halos mapigas sa mga mamamayan dahil
02:06sa pagmahal ng mga bilihin?
02:08Seryoso rin daw ang pahayag na yan ng Pangulo na ngayon ay ginagawang katatawalan ng ilan.
02:14Isa lamang naman daw kasi yan sa marami pang mga hakbang na binanggit ng Pangulo para paghandaan ang Super El
02:20Niño.
02:21Pagtatanggol ni Palace Press Officer Claire Castro hindi lang balde ang mungkahin ng Pangulo.
02:25May iba namang planong binanggit tulad ng cloud seeding at green revolution o pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran.
02:32Sa mga obstructionist, kung pwede lang bumili ng balding utak para maibigay sa inyo.
02:39Sa ngayon nagpupulo ang mga opisyal ng gobyerno para sa gagawing paghahanda para sa Super El Niño.
02:44Sineseryoso rin daw ito ng pamahalaan, lalo na ang epekto nito sa supply ng tubig at sa irigasyon.
02:50Ivan Mayrina, GMA News.