Skip to playerSkip to main content
Kinasuhan ng Plunder at Graft ng Ombudsman si Senador Jinggoy Estrada. Para 'yan sa pagtanggap umano ng mahigit kalahating bilyong pisong kickback mula sa iba't ibang proyekto ng DPWH. Pinuna naman ng senador ang aniya'y mabilis na pag-usad ng kaso na kinasasangkutan ng mga miyembro ng mayorya. May report si Joseph Morong.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kinasuhan ng plunder at graft ng Ombudsman si Sen. Gingoy Estrada
00:03para yan sa pagtanggap umano ng mahigit kalahating milyong pisong kickback
00:08mula sa iba't ibang proyekto ng DPWH.
00:11Pino na naman ng Senador ang anya yung mabilis na pag-usad ang kaso
00:14na kinasasangkutan ng mga miyembro ng mayorya.
00:17May report si Joseph Moro.
00:22Taong 2001, ang sampahan ng kasong pandarambong o plunder
00:25si Sen. Gingoy Estrada matapos siyang madawit sa wedding.
00:29Acquitted siya dito.
00:302014, muli siyang nakasuhan ng plunder, graft, direct at indirect bribery
00:35para sa umano'y hindi tamang paggamit sa 183 milyon pesos niyang
00:39Priority Development Assistance Fund of PDAF.
00:42Naacquit siya sa plunder, direct at indirect bribery.
00:45Out on bail ngayon si Estrada habang dinidinig pa rin
00:48ang kasong graft sa Sandigan Bayan.
00:50Labindalawang taon ang lumipas muling nahaharap sa mga kasong plunder
00:54at dalawang counts ng graft si Estrada.
00:56Dahil naman sa pagtanggap umano ng P573 milyon pesos na kickback
01:02mula sa iba't ibang infrastructure projects ng DPWH.
01:05Our evaluation shows that substantial public funds
01:09were deliberately funneled into designated infrastructure projects
01:14in exchange for predetermined commission fees or kickbacks
01:18which were systematically delivered to the Principal Respondent,
01:22Sen. Gingoy Estrada.
01:23Nangyari daw ang pangulimbat sa pamamagitan ng insertion sa budget
01:27at paglalagay ng alokasyon sa mga piniling proyekto ng DPWH
01:31para sa taon 2025.
01:34Dati nang sinabi ni Estrada, walang record ang Senado
01:37na meron siyang insertion.
01:38Sagot dyan ng ombudsman,
01:40This certificate does not capture all stages of the budgetary process
01:44wherein insertions may be made in a layered method.
01:47Kasamang kinasuhan ng mga umunoy kasabot ni Estrada
01:50na sinadating DPWH Secretary Manuel Bonoan,
01:54Assistant District Engineers Denriel Cesar Cortuna
01:57ng DPWH NCR
01:58at District Engineers Manny Bulusan at Arturo Gonzales Jr.
02:03Hindi naman kinasuhan ng mga state witness
02:05sa sinadating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
02:08NCR Regional Director Gerard Opulencia
02:11at dating Balacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
02:14No bail o walang bail na nirekomenda ang ombudsman sa Sandigan Bayan
02:18laban kina Senador Estrada.
02:20Ang sunod na proseso nito,
02:21ang paglalabas ng arrest warrant ng Sandigan Bayan.
02:25Nai-ruffle na ng Sandigan Bayan ang kaso
02:27at napunta sa 2nd Division ang isang kaso ng graft.
02:315th Division naman ang didinig ng kasong plunder
02:33at isa pang kaso ng graft.
02:35Ayon kay Estrada, gagawin niya ang lahat ng legal remedy sa kaso.
02:39Inayahanda raw ng kanyang mga abogado
02:41ang mga hakbang para maipakita
02:43ang mga irregularidad sa naging proseso
02:45at ebidensyang hindi raw binigyan ng timbang.
02:48Pero mas kapansin-pansin daw
02:50na mula na magpalit ang liderato ng Senado,
02:52tila naging mabilis
02:53ang pag-usap ng mga kasong kinasasangkota
02:56ng ilang miyembro ng mayorya.
02:57Dati na iyang itinanggi ng ombudsman,
03:00hinihingan pa namin ng pahayag si Bonoan
03:02at iba pang kinasuhan.
03:03Joseph Morong, GMA News.
03:05Pag-usap ng mga kasong kinasasangkota
03:06Pag-usap ng mga kasong kinasasangkota
03:11Pag-usap ng mga kasong kinasasangkota
Comments

Recommended