Skip to playerSkip to main content
Delubyo ang sinuong ng mga taga-Zambales sa buhos ng ulan na dala ng habagat nitong weekend.


Dalawa ang namatay sa soil erosion sa Subic Bay Freeport.


Iyan ang report ni Darlene Cay.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Delubyo ang sinuong ng mga taga-zambales sa buhos ng ulan na dala ng habagat itong weekend.
00:07Dalawang namatay sa soul erosion sa Subic Bay Freeport.
00:10Ang mga binahan naman sa Olongapo sinisisi ang tinayong solar plant sa Kabundukan.
00:15Yan ang report ni Darlene Kair.
00:21Ikinasindak ng mga nasa Subic Freeport zone ang pagbuho ng lupa sa Tipo High Tech Eco Park
00:26nang bumigay ang retaining barrier doon itong weekend.
00:31Isang truck ang tinamaan ng dumausdos na lupa, sugatan at nabalian ng tadyang ang 22 anos na pahinanting ito.
00:39Nasa ospital pa siya. Isa pang trabahador ang sugatan pero naka-uwi na.
00:43Pero ang truck driver, dead on arrival sa ospital at nakaburol na sa Bulacan.
00:48Isang Chinese sa tauhan ng kumpanyang nakabase sa Freeport ang namatay rin.
00:52Off limits na ang lugar dahil sa clearing operations at banta ng soil erosion.
00:57Ang Safe Subic Bay Coalition humihingi ng independent investigation.
01:02Nais nilang matiyak na nasunod ang lahat ng batas at tamang proseso gaya ng kinakailangang engineering at environmental studies.
01:09We acknowledge naman po talaga yung mga concerns po ng Safe Subic Bay Coalition and we thank them.
01:15Kung merong hindi na po siya adapted na kailangan na i-improve, gagawin po natin yan, i-overhaul po natin
01:21yan.
01:22Bukod sa Subic Bay Freeport, pinirwisyo rin ang habagat ang katabing Olongapo City.
01:27Maraming bahay ang nalubog sa kulay putik na baha.
01:33Tila rumaragas ang ilog ang baha sa ilang lugar.
01:36Matapos ang maulang weekend, wala na ang baha pero nag-iwan ito ng mga problema.
01:41Tila walang katapusan ang paglilinis ng mga naiwang putik.
01:45Delikado at takaw disgrasya pa.
01:48Yun yung nervyos kami, lalo na pag andyan ang baha, nag-iisa lang, nag-iisa lang po yung anong hirap.
01:53Pag-akit ng gamit po, hirap po talaga.
01:56Naiiyak po kasi ako. Mahirap po, nalubo.
02:02Dalo lang wala kami trabaho mag-asawa, anak ko lang po. Mahirap po talaga.
02:07Sabi ng ilang residente, dati na silang binabaha pero kakaiba raw ngayon.
02:12Nilubog po kami noong pinakamalaking baha ng 2013 at 2018.
02:16Tapos naulit na naman po yan. Siguro po yung ulit po ngayon,
02:19kasi po siguro dahil sa ginagawa nilang mga solar sa bundok.
02:23Ngayon lang ito nangyari. Dati wala naman eh. Pagmulaan ka yung solar na yan.
02:28Ang solar na ikinapupundi ng mga residente ay ang phase 1 ng solar farm project
02:33na itinayo sa bundok sa lawak na 284 hectares.
02:372022 nang aprobahan ito ng DNR. December 2025 ito natapos.
02:42Proyekto ito ng AP Renewable Energy Corporation na pag-aari ng Aboytis Renewables Incorporated.
02:48Kung noong 2023, luntian pa ang bundok batay sa satellite images.
02:52Ngayon, kulay lupa na ang malaking bahagi nito na natatakpa ng mga solar panel.
02:57Sabi ng grupong PROPEL o Pro People Engineers and Leaders,
03:01libong mga puno ang pinutol para sa proyekto.
03:04Kaya hindi rong malayong maging sanhi ito ng pagbaha.
03:11Dahil hindi na-absorbed, so ito na, pag malalakas ang ulan,
03:15ito na ngayon yung nalalaglag sa halupaan.
03:19Kaya nagkakaroon na mas baha kung panahon ng tag-ulan.
03:25Kung panahon naman ng tag-araw, natutuyo naman dahil wala namang,
03:30hindi na re-recharge yung ating groundwater.
03:33Nag-iimbisigang DNR Region 3.
03:36Aminado ang kagawaran na nakita nga sa Environmental Impact Assessment
03:40ang posibleng ragasan ng tubig mula sa bundok.
03:43Downstream kasi o nasa ibaba ng solar farm ang barangay Santa Rita na isa sa mga binaha.
03:47Kayon man, ang pag-aproba sa proyekto ay bungsod down ng kondisyong
03:51may mga engineering measure na sasalag sa pagbabaha.
03:55Nung dumaan ho ito sa proseso ng aplikasyon,
03:59nakita ho na mayroong potential impact ho ito sa volume din ho ng tubig
04:04na maaaring makadagdag sa mga kaya po meron pa yung mga kondisyon na sinipunsan.
04:10For the proponent to address yung flood concern,
04:13katulad ho yung paglalagay nila ng floodwater drainage,
04:18yung pagkatanim ho nila ng mga pulong kahoy.
04:22Itinadahilan din ng DNR at ng Olonga po LGU
04:25ang anilay pampihirang dami ng ulan itong weekend.
04:28If you see the map, yung farm is here.
04:34So, kaya po medyo nakakonfirm po namin na yung rainfall talaga yung problema.
04:38I mean, hindi po siya talaga yung issue kasi yung speed,
04:41yung volume po ng tubig na buwa ba from here
04:44is same as yung buwa ba po sa part na ito.
04:47So, parang dapat kung ito po yung dahilan,
04:51dapat makiiba po sila ng, dapat makiiba yung volume,
04:54makiiba rin yung speed.
04:56Yung mga interventions po na ginagawa ng city,
05:00dati po sapat eh.
05:01Balik po kami sa pagpa-plano po,
05:03dinitindang po namin kung meron pa po kami pwedeng idagdag na mga outfalls,
05:07mga containment impounding areas,
05:10kung kaya na pa po namin ayusin yung mga snow protections.
05:13May phase 2 pa ang proyekto na kakain ng mahigit 228 hectares sa kabundukan pa rin.
05:18Sana matigil na rin po yung ginagawa nila na yan para po sana din hindi na mahirapan yung tao.
05:23Kasi kung wala po yan, hindi naman po rin siguro magkakaganito eh.
05:26Tiniyak naman ang aboitis renewables na dinisenyo ang Olongapo Solar Power Plant
05:31para hindi makadagdag sa problema sa bha.
05:34Sinunod nila ang hugis ng lupa,
05:36pinanatili raw ang vegetation sa lugar,
05:38at naglatag ng mga sistema para sa drainage at slope protection.
05:42Batay raw sa independent third party study,
05:45hindi pinalalala ng kanilang planta ang pagbaha sa mga komunidad sa paanan ng bundok.
05:51Sinusubukan namin kunan ang pahayag ang Department of Energy.
05:55Darlene Cai, GMA News.

Recommended