00:00Sa Balita Abroad, patay ang 14 sa paguho ng bubong ng isang tutoring center sa Pakistan.
00:066 naman ang patay sa sunog sa Belgium.
00:08Nakatutok si EJ Gomez.
00:14Nagtulong-tulong ang mga rescuer para mailigtas ang mga natabunan
00:18matapos gumuho ang bubong ng isang tutoring center sa Lahore District sa Pakistan.
00:24Ayon sa mga otoridad, hindi bababa sa 14 na bata ang nasawi
00:28na may edad 5 hanggang 16 na taon.
00:31Nailigtas ang iba pang bata at isang guro.
00:33Ayon sa Punjab Information Minister,
00:36hindi rehistrado ang tutoring center na nag-ooperate
00:39sa isang pribadong gusali na may sirasirang bubong.
00:42Tiniyak din niya na kung makitaan ito ng paglabag sa batas,
00:45ay mananagot ang responsable rito.
00:48Nailibing na ang mga nasawi sa guho.
00:50Nagpaabot na ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi
00:53si President Asif Ali Zardari.
00:57Umusok ang isang apartment na may sampung palapag sa Antwerp, Belgium,
01:01kasunod ng sumiklab na sunog doon.
01:03Rumisponde ang mga bombero pati emergency responders.
01:07Ayon sa mga polis, nasa anim ang nasawi sa sunog.
01:10Tinatayang nasa dalawang daan ang mga nakatira sa apartment.
01:13Patuloy ang imbestigasyon sa sanhinang apoy.
01:17EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
01:26Nowy, Matthew 19, doctors at Sisow Ali Zardari,
01:26Kit Excel Michaela.
01:26Nakatutok 23 Horas.
01:26Aminal
Comments