Skip to playerSkip to main content
  • 21 minutes ago
House Prosecution Panel, iginiit na walang halong pulitika ang impeachment trial vs. VP Duterte; kahandaan ng prosecution panel sa trial, muling tiniyak | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang halong politika.
00:02Ito ang iginit ng House Prosecution Panel sa kabila ng patuloy na pagkwestiyon
00:08sa motibo ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:13Dagdag pa ng prosekusyon, malakas ang mga ebidensya
00:16at may mga testigong handang humarap sa investigasyon.
00:19Si Sheila Natividad sa Sentro ng Balita.
00:23Kung makikita naman ang mga tao na malakas talagang ebidensya,
00:27then yan ang magiging ultimate proof na hindi ito politically motivated.
00:33Yan ang iginiit ni House Prosecution Panel legal spokesperson
00:37at isa sa mga private prosecutors na si Atty. Benjamin J. Tolosa Jr.
00:41matapos muling makwestiyon ang motibo sa likod ng impeachment case
00:45laban kay Vice President Sara Duterte.
00:48Taliwas ito sa sinasabi ni Sen. Rodante Marcoleta
00:51na nasasangkot ngayon sa kasong plunder
00:53kaugnay ng undeclared campaign contributions noong nakaraang eleksyon
00:57na ang pagkakasuan niya sa kanya ay para pigilan siya sa pakikilahok sa impeachment trial.
01:02Giit ni Tolosa, inaasahan na ng prosecution panel
01:05ang mga posibleng teknik ng defense team
01:08katulad ng pagkwestiyon nila sa proseso ng impeachment trial
01:11na ginagawa na nila buhat noon.
01:13Well, we're anticipating just what they've, similar to what they've done from the start
01:20is they will try to raise procedural matters and technicalities
01:27to try to prevent us from presenting evidence.
01:33We're ready to counter any arguments that may be raised.
01:37Bilang bahagi rin ang private prosecutors na tutulong sa House Prosecution Panel
01:42para sa paglilitis, binigyang diin niya na madaragdagan pa ang kanilang bilang sa mga susunod na araw.
01:47Kinakailangan din niya ang pagtutulong-tulong ng prosekusyon
01:50dahil mas efficient ang nila ito.
01:53Bunso din kasi ito ng dami ng mga ebidensya
01:55at testigong ipipresenta ng magkabilang panig.
01:58Maganda naman po dito, lahat po ng pagdinig na mangyari
02:03ay mapapanood po natin ito ng sabay-sabay.
02:06So, at the end of the day, tulad po nang nasabi ko kanina,
02:10ang importante po dito, hindi po yung mga opinion
02:13at kuro-kuro ng mga, kung sino pong mga observers, no?
02:18And of course, other interested parties,
02:21ang mahalaga po dito, sarin po natin pare-pareho.
02:24Yung ebidensya na malalatag, hindi lang namin, no?
02:29To be fair, pati nung kabilang panig, no?
02:32Para makita natin kung talaga bang may matibay na basihan
02:39itong mga charges na ito, no?
02:41Bagamat hindi pa matalakay ng prosecution panel
02:44ang merito ng kaso, hinggil sa isasagawang paglilitis
02:47sa vice-presidente, naghihintay din sila
02:50sa pag-aproba ng Senate's Impeachment Court
02:52sa mga nakabimbinilang manifestations.
02:55Kabilang ang paggamit ng English at Filipino language
02:57na pinahintulutan na ng Impeachment Court
03:00ayon sa legal spokesperson ng prosecution panel.
03:03Hinihintay pa nila ang pag-aproba sa iba pang manifestations.
03:07Partikular ang pag-presenta ng Green Bureau of Internal Revenue
03:11o BIR Box na naglalaman ng mga tax records
03:14at iba pang mga dokumento ng vice-presidente
03:16na maaaring maging mahalaga para sa paglilitis.
03:20Pagdating naman sa kailangang bilang ng boto
03:23para sa posibleng conviction,
03:25sinabi ni Tulosa na nasa mga senador bilang mga hukom
03:28ang pagpapasya at nananatili ang kanilang paninindigan
03:31na sundin ang itinatakda ng saligang batas
03:34na two-thirds vote o labing-anim na boto
03:37ng mga senator judges.
03:39Mapapanood naman ang livestream ng impeachment trial
03:41ni VP Sara Duterte simula July 6
03:44kung saan ang publiko mismo ang makakakita
03:47sa mga ebidensyang ihaharap ng magkabilang panig.
03:51Shilan Natividad para sa Bayan.
Comments

Recommended