- 1 hour ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong July 2, 2026
-Ilang nagkilos-protesta sa People Power Monument, lumipat sa Liwasang Bonifacio
-Lalaking senior citizen na wanted sa kasong pagpatay sa dati niyang amo noong 2001, arestado
-PAGASA: Habagat, magpapaulan pa rin sa ilang panig ng bansa kahit wala na sa PAR ang Bagyong Henry
-Dating Vice Mayor ng Abuyog, Leyte na si James Bohol at anak niya, natagpuang patay
-15-anyos na Grade 10 student, nakuhanan ng baril sa loob ng paaralan
-9-anyos na bata, patay matapos malunod sa Pasig River
-PBBM, First Lady Liza Marcos at ilang miyembro ng gabinete, dumating na sa Canada para sa official visit
-PBBM, kinontra ang sinabi ni INC Spokesperson Edwil Zabala na may "selective justice" ang kanyang administrasyon
-Ilang raliyista na nagpalipas ng magdamag sa Liwasang Bonifacio, nagkaroon ng komosyon
-Traffic enforcer, sugatan matapos mabundol at muntik magulungan ng SUV sa Brgy. Capitol Site
-Pamilya ng mga nasawing estudyante sa pamamaril sa San Jose Nat'l HS, nananawagan ng hustisya
-Impeachment trial, itinuturing na "sui generis" o "a class of its own"
-Rocco Nacino, puspusan ang paghahanda bilang kontrabida sa upcoming GMA Prime series na "Hari ng Tondo;"
-INTERVIEW: PMAJ PHILIPP INES, SPOKESPERSON AND CHIEF PIO, MPD
-Pasahero, nahulog mula sa umaandar na jeep na biglang kumabig
-8,000 ang nasa rally sa EDSA PPM, ayon sa mga awtoridad (as of 6:30pm kagabi)
-Isang alkalde, nagpakasal sa isang hayop na kaanak ng mga buwaya bilang bahagi ng ritwal
-Pampasaherong bus, pinagbabaril ng riding-in-tandem; 7 sakay, ligtas
-Misa, dinaluhan ng ilang miyembro ng House Prosecutors ilang araw bago ang impeachment trial ni VPSD
-Ilang raliyista, nagpalipas ng magdamag sa Liwasang Bonifacio
-Kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez, iginiit na hindi suportado ng ebidensya ang pagdawit sa kongresista sa flood control projects scandal
-NCRPO: 500 pulis, naka-deploy sa Liwasang Bonifacio; mas marami ang nagbabantay sa paligid ng Malacañang
CBB: Jillian Ward, may patikim sa production number para sa kanyang upcoming concert
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
-Ilang nagkilos-protesta sa People Power Monument, lumipat sa Liwasang Bonifacio
-Lalaking senior citizen na wanted sa kasong pagpatay sa dati niyang amo noong 2001, arestado
-PAGASA: Habagat, magpapaulan pa rin sa ilang panig ng bansa kahit wala na sa PAR ang Bagyong Henry
-Dating Vice Mayor ng Abuyog, Leyte na si James Bohol at anak niya, natagpuang patay
-15-anyos na Grade 10 student, nakuhanan ng baril sa loob ng paaralan
-9-anyos na bata, patay matapos malunod sa Pasig River
-PBBM, First Lady Liza Marcos at ilang miyembro ng gabinete, dumating na sa Canada para sa official visit
-PBBM, kinontra ang sinabi ni INC Spokesperson Edwil Zabala na may "selective justice" ang kanyang administrasyon
-Ilang raliyista na nagpalipas ng magdamag sa Liwasang Bonifacio, nagkaroon ng komosyon
-Traffic enforcer, sugatan matapos mabundol at muntik magulungan ng SUV sa Brgy. Capitol Site
-Pamilya ng mga nasawing estudyante sa pamamaril sa San Jose Nat'l HS, nananawagan ng hustisya
-Impeachment trial, itinuturing na "sui generis" o "a class of its own"
-Rocco Nacino, puspusan ang paghahanda bilang kontrabida sa upcoming GMA Prime series na "Hari ng Tondo;"
-INTERVIEW: PMAJ PHILIPP INES, SPOKESPERSON AND CHIEF PIO, MPD
-Pasahero, nahulog mula sa umaandar na jeep na biglang kumabig
-8,000 ang nasa rally sa EDSA PPM, ayon sa mga awtoridad (as of 6:30pm kagabi)
-Isang alkalde, nagpakasal sa isang hayop na kaanak ng mga buwaya bilang bahagi ng ritwal
-Pampasaherong bus, pinagbabaril ng riding-in-tandem; 7 sakay, ligtas
-Misa, dinaluhan ng ilang miyembro ng House Prosecutors ilang araw bago ang impeachment trial ni VPSD
-Ilang raliyista, nagpalipas ng magdamag sa Liwasang Bonifacio
-Kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez, iginiit na hindi suportado ng ebidensya ang pagdawit sa kongresista sa flood control projects scandal
-NCRPO: 500 pulis, naka-deploy sa Liwasang Bonifacio; mas marami ang nagbabantay sa paligid ng Malacañang
CBB: Jillian Ward, may patikim sa production number para sa kanyang upcoming concert
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:07It's time for the hot news!
00:30Live na kuha yan sa Liwasang Bonifacio sa Maynila,
00:34lumipat po dyan ng ilan sa mga naghilos potesta sa People Power Monument sa Quezon City
00:38nang bawiin ang QCLGU ang rally permit sa EDSA.
00:42As of 10am, nasa isang libo ang tao sa Liwasang Bonifacio ayon sa Manila Public Information Office.
00:49Naka-resto sa Valenzuela ang isang lalaking senior citizen na pumatay sa kanyang amo noong 2001
00:55matapos ang halos 25 taong pagtatago.
00:58Aminado ang akusado sa pagpatay na nagawa niya raw matapos maggalit ang biktima sa kanyang anak.
01:05Balita natin ni Gabriel Gonzalez, Exclusive.
01:14Sa hudyat ng tawag ng operatiba, agad sumugod ang mga pulis sa isang bahay sa bypass road,
01:20Marangay Bignay, Valenzuela, kahapon.
01:23Natunto ng mga otoridad ang lalaking senior citizen na subject ng bitbit nilang
01:28Warrant of Arrest dahil sa kasong pagpatay sa kanyang amo noong pang 2001.
01:34Ayon sa pulisya, halos 25 taong na nagtago ang akusado.
01:39Nirevive ng court natin.
01:41So last month, nag-issue sila uli ng Warrant of Arrest.
01:44June 23, nagsimula na yung surveillance namin doon sa address na nakalagay doon sa
01:50kung saan nahuli yung isa sa mga suspect.
01:53Kaya namin natuntun yung suspect ngayon sa murder incident noong 2001.
01:58Ayon sa pulisya, sa biktimang negosyante kumukuha ng panindang binatog ang akusado at kanyang anak.
02:05Simpleng away magkapitbahay raw ang pinagmula ng krimen.
02:09Kinumpronta raw ng nooy 44-anyos na biktima ang lalaki at tatlong iba pa dahil sa hinalang sila ang pumatay
02:17sa aso niya.
02:18Pinuntahan pa umano ng biktima ang akusado sa kanyang bahay para kumprontahin.
02:23At doon na raw humantong sa pananaksak ang kanilang away.
02:28Nung paalis na yung victim natin during the confrontation, pagtalikod niya, ayun, hinabol ng mga suspects natin ng stab.
02:37Ayon sa akusado, nagawa niya ang krimen para sa kanyang anak na nauna raw na pinagbunto na ng galit ng
02:43biktima.
03:02Ang asawa naman ng biktima tila na bunutan daw ng tinik sa dibdib nang maaresto ang pumatay sa kanyang asawa.
03:10Sobra hirap namin, sir, kasi maliliit pa yung mga anak ko. Nag-aaral pa sila.
03:17Ngayon naaresto na po yung suspect. Makakamit na namin ang justisya.
03:24Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga polis po na nag-tungulong po sa amin.
03:30Nakakulong na sa San Jose del Monte Police Station ang akusado na naharap sa kasong murder.
03:36Na ibalik na rin sa Malolo sa RTC ang kanyang warrant at hinihintay na lang ang commitment order.
03:42Tinutugis pa ng pulisya ang dalawa pang subject din ng warrant of arrest.
03:48Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
03:54Nakalabas na kagabi sa Philippine Area for Responsibility ang Tropical Depression, Henry.
03:59Huling namata ng pag-asa ang bagyo, 760 kilometers, kanlura ng Baknotan, La Union.
04:03Sa kabila ng paglayo sa bansa, hahatakin pa rin ang Bagyong Henry ang hanging habagat.
04:09Magpapaulan ng habagat sa Palawan, Occidental Mindoro, Sambuanga Peninsula, Basilan, Tawi-Tawi at Antique.
04:17Muli namang nagbabalik ang Easterly sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at Quezon Province.
04:24Ang mga nasabing lugar ay magkakaroon ng mainit na temperatura pero posibli pa rin ang mga panandali ang ulan.
04:30Mas maka-aasa sa maayos na panahon dito sa Metro Manila at ilan pang panig ng bansa.
04:36Maging alerto lang sa mga posibling local thunderstorm.
04:45Patay na ng matagpuan sa Silago Southern Leyte ang dinukot na dating Vice Mayor ng Abuyog Leyte at kanyang anak.
04:53Natuntun ang mag-amang James at Carlo James Bohol sa tulong ng GPS system na nakakabit sa nirentahang getaway car
05:01na mga dumukot sa kanila.
05:02Batay sa imbisigasyon, dinukot ang mag-ama sa kanilang opisina at warehouse sa Mayorga Leyte noong June 27.
05:12Nadakip po ang tatlong sospek sa Pasay City kahapon.
05:15Ayon sa pulisya, umamin ang mga sospek sa krimen.
05:18Matagal na raw magkakilala at magkasosyo sa negosyo ang mga sospek at biktima.
05:24Utang sa negosyo ang isa sa mga tinitignang motibo sa krimen.
05:28Itinuturin ng itong case closed ng pulisya.
05:31Hindi nagpaunlak ng panayam ang pamilya ng mga biktima.
05:36Nakuhanan ng baril sa loob ng paaralan ng isang grade 10 student sa Barotac Nuevo, Iloilo.
05:44Ayon sa pulisya, rumisponde sila sa paaralan matapos humingi ng tulong ang pamunuan nito dahil sa dalang armas ng binatili
05:52yung 15 anyos.
05:53Kwento ng ina, posibleng nakuha ng anak ang baril mula sa kanyang ama na nasa Mindanao.
05:59Sampung taon na raw silang hiwalay ng kanyang mister na sangkot daw sa iligal na droga at iba pang iligal
06:06na aktibidad.
06:07Kwento ng ina ng nahuling estudyante, nabanggit ng anak na may nambugbog siya kanya dati.
06:13Hindi nagbigay ng pahayag ang prinsipal ng paaralan.
06:15Hawak ngayon ang Department of Social Welfare and Development ang binatili.
06:23Patayang isang batang siyam na taong gulang matapos malunod sa bahagi ng Pasig River na sakop ng Mandaluyong.
06:30Nagkayayaan lang daw ang biktima at ilang kaibigan ng maligo sa ulan at sa ilog.
06:35Balita ng atid ni EJ Gomez.
06:39Nagtitipon-tipon ang ilang residente sa gilid ng ilog Pasig sa bahagi ng barangay Barangka Itaas, Mandaluyong City, hapon itong
06:47Martes.
06:48Nakaabang sila sa rescue operations ng Philippine Coast Guard at Mandaluyong CDRRMO Fire and Rescue sa isang batang lalaki na
06:57nalunod-umano sa ilog.
06:59Nagtulungan din ang ilang residente na hanapin ang nawawalang bata sa malalim na bahagi ng ilog ayon sa barangay.
07:06Medyo maitim, maburak, mahina yung karint o yung daloy.
07:11And mababaw sa una, may mga bato. Pero pag mga siguro dalawang hakbang, biglang lalim na siya. Ang gandib-dib
07:18niya.
07:18Tumagal daw ng mahigit kalahating oras bago nakita ang siyam na taong gulang na lalaki.
07:33Pinagtulungan siyang buhatin para i-revive.
07:37Lumaban ka! Lumaban ka!
07:40Yung katuang po ng bata, bloated na po yung tiyan niya. Tapos yung bibig niya po, medyo maputla na talaga.
07:46Wala na po siyang breathing. Wala na po ang pulse po.
07:49Yung CPR po ma'am, diretsyo po namin ginagawa agang makarating po sa Mandalu yung hospital po.
07:55Dead on arrival sa ospital ang biktima.
07:58Tumangging humarap sa kamera ang mga magulang ng bata,
08:01pero kwento nila galing daw sa eskwelahan ng kanilang anak
08:05at nagkayayaan sila ng kanyang mga kaibigan na maligo sa ulan at sa ilog.
08:10Nalaman na lang daw nilang nalulunod na ang kanilang anak nang tawagin sila ng ilang residente.
08:15Ayon sa barangay, maraming insidente ng pagkalunod ang naitatala sa lugar.
08:20Pinapayuhan nila ang mga residente na huwag nang maligo sa ilog, lalo na ngayong tag-ulan.
08:27EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
08:32Mga usapin sa seguridad at depensa, kooperasyon at pagpapahigting sa relasyon ng Pilipinas at Canada
08:38ang inaasang matatalakay sa official visit doon ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:43Mula sa Vancouver, Canada, may ulat on the spot si Ivan Mayrina.
08:47Ivan!
08:53Magandang gabi, Rafi, mula dito sa Vancouver, Canada, kung saan dumating si Pangulong Bongbong Marcos dito
08:59para sa apat na araw na official visit.
09:03Lumupag ang aeroplanong lulan ang Philippine delegation.
09:064.46 ng hapon ng July 1, oras dito sa Vancouver, 7.46 sa umaga, oras dyan sa Pilipinas.
09:13Kasama ng Pangulo si First Lady Lisa Araneta Marcos at ilang miembro ng kanyang gabinete.
09:18Ang official visit na ito, Rafi, ay basis sa paanyayan ni Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney.
09:24Magkakaroon ng one-on-one meeting ang Pangulo at si Carney para pag-usapan ng kooperasyon sa larangan ng seguridad
09:28at depensa
09:29at pagpapalawak ng kalakalan at people-to-people exchange at sa pakalahatan ay ang pagsusulong pa
09:35na magandang relasyon ng Pilipinas at ng Canada.
09:38Sa larangan ng kalakalan, makakausap ng Pangulo sa mga roundtable meetings
09:42ang mga pribado negosyante rito para sa supply chain at investment sa mga critical minerals,
09:47mga produktong agrikultural at ganyan din sa information and communications technology at business process management.
09:54Nitong 2025, $3.4 billion ang halaga ng naging kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
10:01Isa sa mga pinaplansya sa ngayon ay ang isang free trade agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
10:07Ang Canada ang isa sa may pinakamalaking migrant population ng mga Pilipino sa mundo.
10:11May nasa isang milyong Pilipino ang naririto na naninirahan o nagtatrabaho,
10:16particular sa healthcare, hospitality and services at sa trade and agriculture.
10:20Dado lang ang Pangulo sa pagtitipon ng Pilipino community dito sa Canada sa araw ng biyernes.
10:26Sa ngayon, Rafi ay wala pang engagement ng Pangulo,
10:29pero bukas magaganap na ang pulong nila ni Prime Minister Carney
10:32at sabay nilang ia-anunsyo ang mga kasunduang kanilang mapipirmahan sa pagitan ng dalawang bansa.
10:39At live mula sa Vancouver, Canada, Ivan Mayrina, GMA News. Malik sa'yo, Rafi.
10:45Maraming salamat, Ivan Mayrina.
10:48Bago umalis papuntang Canada, sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos
10:52ang sinabi ni Iglesia Ni Criso spokesperson Edwil Zabala
10:55na may selective justice ang kanyang administrasyon.
11:01Sir, and your reaction to their allegation that your administration has been having a selective kind of justice daw po?
11:18Sabi ng INC, kawala ng justisya ang anilay selective justice kaugnay sa planong pagsasampan ng kasong plunder
11:24laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
11:27Bagay na tinututulan ng INC kaya nagsasagawa sila ng rally.
11:31Sabi ni Pangulong Marcos Jr., nire-respeto niya ang karapatan ng INC na magsagawa ng rally.
11:37Pakiusap lang niya, wala sanang manggulo para walang masaktan.
11:43Nagkaroon ng komosyon ng ilang rallyista sa liwasang Bonifacio kaninang madaling araw.
11:48Hinuli ang isang senior citizen na lalaki matapos sa reklamo na nanghawak kumano sa binti ng isang babae
11:53na nagpalipas ng gabi sa lugar.
11:56Sugatan ang senior citizen matapos habulin ng ilang naroon.
12:00Hindi na siya sinampahan ng reklamo at ng biktima at pinagsabihan na lang.
12:04Kanina, pumila ang mga rallyista ang nagpalipas din ang gabi sa liwasan
12:07para sa libreng agahan mula sa lungsod ng Maynila.
12:11Nananatiling mahigpit ang seguridad ng mga polis sa lugar.
12:14Nang mag-umaga, dumating doon si Congressman Leandro Liviste ng 1st District ng Batangas
12:18para kamustahin ang kanyang mga constituent.
12:21Ayon kay Liviste, Iglesia Ni Cristo ang namumuno ng programa ngayong araw.
12:26Sinusubukan pang kuhanan ng pahiyag ang namumuno sa programa.
12:29Dahil sa pagkitipon, sinuspindi ni Manila Mayor Isko Moreno ang klase
12:32sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod.
12:41Pinahinto ng traffic enforcer na yan ang mga sasakyan sa isang intersection
12:44sa barangay Capital 7 sa Cebu City o Capital Sites sa Cebu City.
12:48Tumigil saglit ang puting SUV pero bigla itong umabante at nabangga ang enforcer.
12:54Sa halit na tumigil, nagderederecho ang sasakyan.
12:57Mabuti na lang at nakaiwas agad ang biktima.
13:00Nasugatan siya sa kamay at ibang parte ng katawan.
13:02Ayon sa enforcer, dahil sa volume ng sasakyan,
13:05pinatigil niya muna ang iba pa para hindi maharangan ang intersection.
13:09Isang lalaking bystander naman ang humabol sa driver ng SUV kaya napahinto ito.
13:14Sa investigasyon ng Cebu City Transportation Office,
13:17iginit daw ng SUV driver na hindi niya nakita ang traffic enforcer.
13:22Disidido silang sampahan ng reklamo ang driver.
13:25Sinubukan ng GMA Regional TV na kuhanan ng pahiyag
13:28pero hindi pumayag ang Traffic Enforcer Unit na ipakiusap sa media ang driver
13:32habang gumugulong ang investigasyon.
13:38Isinusulong sa Senado na magkaroon ng hiwalay na pasilidad
13:40na hindi sa bahay pag-asa
13:42ang mga minorde-edad na may karumaldumal na krimen.
13:46Pabor dyan ang ina ng isa sa mga nasawing estudyante
13:49sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban.
13:52Balitang hati ed, Divon Aquino.
13:58Bumumos ang emosyon sa paghahatid sa huling hantungan sa 14 anyos na si Ayesa Nicole Dazo.
14:04I love you, Rebs! I love you!
14:07Bahaan ka na amin!
14:09Nailibig na rin ng 15 anyos na si Chris Lawrence Pabian.
14:13Ang tanging sigaw ng kanila mga pamilya,
14:15Pustisya!
14:16Pustisya po! Pustisya!
14:19Mr. President!
14:21Para naman po!
14:22Tumulong naman po kayo para pustisya po sa mga bata!
14:26Sina Ayesa at Chris Lawrence ang dalawa sa tatlong nasawi
14:30sa walang habas na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong June 22.
14:36Krimeng gumimbal sa buong bansa,
14:38lalot ang mga namaril, mga estudyante rin na edad 14 at 15 lang.
14:43Pumarap sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality
14:48ang ina ng isa pang nasawi na si Joanne C. Separa.
14:52Hiling niya, pabaan ang edad ng kriminal na pananagutan
14:56at sana raw, mapatawa ng mas mabigat na parusa.
15:00Eh yung bata na yan, nakamatay yan eh! Nakamatay yan!
15:04Nakamatay yan ang tao! So ano? Ibababahay pag-asa lang yun? Ha?
15:09Sa ilalim ng batas, ang 14 anyos noong namaril na si Alias Nash,
15:14walang pananagutang kriminal base na rin sa kanyang edad.
15:17So paano yan? Isa sa, ano lang yan sa bahay?
15:22Pag-asa? Pwede naman siguro. I agree.
15:27Yung sinabi ni Tolfo.
15:30I agree po. Yung sinabi niya, pwede naman siyang makulong
15:35doon sa ibang pasilidad na pwede sa kanilang edad
15:39para di nila maramdaman yung sakit, yung parusa na karapat-dapat sa kanila eh.
15:47Disiplinahin din sila.
15:49Ang tinutukoy ng ina ni Joyan C. ay ang panukala ni Sen. Rafi Tulfo
15:54na amyendahan ng batas para magkaroon ng hiwalay na pasilidad
15:57para sa mga menor de edad na nakagawa ng karumaldumal na krimen.
16:02Bagamat hindi sila dapat isama sa regular na kulungan,
16:06hindi rin daw sila dapat nakahalo sa ibang bata sa bahay pag-asa.
16:09What I saw in the U.S., juvenile detention center na talagang kulungan.
16:16May mga selda. Bawat bata pagdating sa gabi, nandun sila sa kanilang selda
16:20to make them feel na sila ay nasa facility na para
16:28gampanan yung parusa na ipinataw sa kanila.
16:31Sa unang pagkakataon, humarap sa publiko ang tiyahing pulis ni Alias Nash.
16:35Siya ang may-ari ng pistol na pinaputok ni Alias Nash na mahigit tatlumpong beses ayon sa mga polis.
16:42Ayon sa kanyang tiyahin, kinuha raw ni Nash ang baril ng walang paalam sa nakakandadong taguan niya.
16:48Dumaan daw si Nash sa bintana para mapasok ang nakalakdaw niyang bahay.
16:52Nash unlawfully entered my own house. It's not a room po. It's my own house.
17:00It's a house.
17:01Yes po.
17:03He forcibly damaged my locker. It was locked.
17:10And my house was locked as well po, ma'am.
17:15Pero yung locker ay plastic locker.
17:17Plastic locker and my firearm was inside a gun box.
17:21The locker was as well locked po.
17:24And I'm only the one who had possession of the keys to my house.
17:30Tinanong din siya tungkol sa napabalitang dinala niya sa firing range ang batang pamangkin.
17:35I only bring him once.
17:39You brought him just once?
17:40Just once.
17:41Bakit? Anong reason? Ba't niyo siya dinala sa firing range para turuan na mag-firing? Anong dahilan?
17:50He usually told me that he wanted to be a police officer like me.
17:57He looked up on me.
17:59Yun po. He wanted to be a police officer and he was asking if I could bring him sa firing
18:09range.
18:10Ayon pa sa tiyahing police, napansin daw niyang nag-iba ang kanyang pamangkin nang magbinatana.
18:16Yung napapansin ko po kay Nash is masyadong haba ang oras niya sa cellphone.
18:22He is introvert more or most of the time hindi siya nakikipag-usap.
18:28Gusto lang niyang mapag-isa.
18:30Noong siguro nag-pu-puberty na po siya, doon siya nag-start na magkaroon ng sarili niyang mundo.
18:36Nasampahan na naman ang reklamong murder ang isa pang menor de edad na si alias Rod, 15 anos.
18:42Sinubukan daw ng Senate Committee na imbitahan din ang kanyang pamilya sa pagdinig pero hindi sila matuntun.
18:48Kumarap din sa komite ang ilan pang magulang at kaanak na mga namatay at nasugatan sa pamamaril.
18:53Ang isa raw sa mga binaril ni Nash, kanyang best friend na sugatan din at nasa ospital pa.
18:59Si Nash nasa likod na pala ng classroom nila. Papatayo pa lang siya. Binaril siya. Doon siya binaril. Nakatalikod siya.
19:07Ayon kay Committee Chair Risa Honteveros, layo ng pagdinig na makahanap ng solusyon para hindi na maulit ang nangyari sa
19:14takloban.
19:15Paglilinaw niya, hindi siya tutol sa online o video games.
19:18Malinaw po sa akin, hindi games o gaming community ang kalaban.
19:25Tungkol ito sa mga panganib na pwedeng kaharapin ng mga bata habang naglalaro at nakikipag-usap online.
19:36Nagbabala si Honteveros at ang mga eksperto tungkol sa 764, isang international network na nagsusulong umano ng karahasan at extremism
19:45sa social media at gaming platforms.
19:47Pusibling na-influensyahan daw nito ang mga menor de edad.
19:50May indikasyon din daw na may adult groomer ang mga menor de edad.
19:54Base sa pagsusuri sa Facebook account na pinaniniwalaan kay alias Nash.
19:58Pakay ng mga groomer na makuha ang loob ng mga bata online para ma-manipulate sila.
20:03Pagkatapos ng barilan, nagpost ng comments sa page na ito, ang tila mga miyembro ng parehong grupo.
20:13Makikita ang sinasabi ng mga miyembro ng grupo na sumosuporta sa ginagawa niya.
20:20Sa comment ng isang Cedic Riazanov, sinabi, na-edit na kita boy sa TikTok, make sure na delete mo ang
20:34Discord, Reddit, Telegram para walang evidence mahanap.
20:41Itong Cedic Riazanov rin ang pinaghihinalaang adult groomer ng mga batang ito.
20:50Ayon sa ilang eksperto at advocates, may palatandaang may mga dayuhan na nagpapakalat sa Pilipinas ng nihilistic violent extremism
20:58o yung galit sa lipunan, nagtutulak ng pagsasagawa ng kaguluhan at iba pa.
21:03Nagiging daan daw ang online games at social media para makarecruit sila ng kabataan.
21:09Pagkumpirma ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC Undersecretary Aboy Paraiso,
21:15ilang insidente ng karahasan sa paaralan ay konektado sa nihilistic violent extremist groups.
21:22Pero ayon sa DOJ,
21:33Nasa pagdinig din ang kinatawa ng Meta na nakiramay sa mga biktima ng Tacloban school shooting
21:38at sinabi makikipagtulungan sila sa mga otoridad sa investigasyon.
21:41Please rest assured that protecting young people alive is not just a policy position for Meta,
21:48but it is a responsibility that Meta take it seriously.
21:52Sabi naman ang kinatawa ng TikTok, zero tolerance sila pagdating sa violent extremism, youth exploitation at child abuse.
22:00We completely ban violent and hateful organizations or individuals, including UN-designated violent extremists,
22:08to prevent our platform from being used to glorify violence or inspire copycat actions.
22:13O na kino nagbabalita para sa GMA News.
22:24Sa mata ng batas, hindi pang karaniwang paglilitis ang impeachment trial.
22:28Sugeneris nga raw ito, o a class of its own.
22:31Pero tulad ng kahit anong paglilitis, may prosekusyon at depensa.
22:36Sa panig ni Vice President Sara Duterte, labing-anin na abogado ang bahagi ng kanyang depensa.
22:41Karamihan ay mula sa Fortune, Narvaza, and Salazar Law Firm.
22:45Batay po yan sa isinumiting sagot ng depensa sa Senate Impeachment Court nitong Mayo.
22:54Pangungunahan ni Atty. Sheila Sison ang defense team.
22:57Si Atty. Michael Powa naman ang tagapagsalita.
23:01Kabilang din si Powa sa mga pinatitistigo ng prosekusyon.
23:04Parte rin ng Duterte team si Atty. Philip Sigfried Fortun na naging bahagi noon
23:08ng defense team sa impeachment trial kay dating President Joseph Estrada.
23:13Labing-isang kongresista naman ang magsisilbing public prosecutors sa Senate Impeachment Court.
23:18Pangungunahan ng House Prosecution Panel ni Rep. Jervil Luistro.
23:23Hinati sa iba pang miyembro ng prosekusyon ang apat na Articles of Impeachment laban kay Duterte.
23:29Si Rep. Joel Chua ang mangunguna sa Article 1 na Misuse and Misappropriation of Confidential Funds.
23:35Si Rep. Terry Rido naman sa Article 2 na Unexplained Wealth umano ng Bise.
23:41Ang Article 3 na Bribery and Corruption sa DepEd ay pangungunahan ni Rep. Jonathan Keith Flores.
23:48At ang Article 4, kagdaiso umano yung assassination plot at great threats,
23:53ay pangungunahan ni Rep. Lawrence Defensor.
23:57Tatlong iba pang kongresista ang itinalaga bilang mga tagapagsalita ng prosecution team.
24:01May makakatuang din ang prosecution ng private prosecutors.
24:05Sa ngayon, labing lima na ang ipinakilalang private prosecutors na mula sa PECA Bar, Kapunan and Castillo at sa legal
24:12law firms.
24:13Mayroon din mula sa Free Legal Assistance Group, Tolosa, Lim and Chua, Chan Robles & Associates at Coman Nazario Velasco,
24:21Catera and Divinagracia Law Offices.
24:24Pro bono raw o libre ng servisyo at tulong nila sa public prosecutors.
24:34Thursday latest, getting ready na si Kapuso actor Rocco Nasino to embrace his Contra Vida era to the fullest
24:42para sa upcoming Kapuso action drama series na Hari ng Tondo.
24:48Chika ni Rocco isa raw sa defining moments ng serye ang pagpasok ng kanyang karakter na si Rafael Salud.
24:55Si Rafael ang magpapahirap sa karakter ng mga bidang sina Kapuso drama king Dennis Trillo at Kapuso primetime action hero
25:03Ruru Madren.
25:04Ito, dorawang paghahandaan ni Rocco.
25:09Pagpasok ng karakter ko ay sa isang defining moment ng week one.
25:14Kaya pinaghandaan pa.
25:16Iyakap ko talagang Contra Vida era ko.
25:19Pangingit-ngit ng mga viewers sa karakter na to.
25:21Bukod sa hari ng Tondo, bibida rin si Rocco sa 2026 Cinemalaya Film Entry na T-Rick.
25:28Pinost mismo ng direktor ng pelikula na si Mayie Guia Padilla ang wrap-up ng kanilang production.
25:35Mapanood yan at iba pang Cinemalaya Entries next month.
25:42Update po tayo sa pagpapatuloy ng rally sa Liwasang Bonifacio.
25:47Kausapin po natin si Manila Police District PIO Chief at Spokesperson, Police Major Philip Ines.
25:54Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hallie, sir.
26:00Yes, Ma'am Connie, isang mapagpala at kalmadong umaga po.
26:04Ganon din po sa mga nakatugay guys sa inyong programa.
26:06Sir, ilan na ho ba ang latest crowd estimate dyan sa Liwasang Bonifacio?
26:15Yes, Ma'am Connie. As we speak, Ma'am Connie, meron na tayong crowd estimate dito ng mga more or
26:20less mga 1,500.
26:22At hanggang kailan papayagan ang mga ralisa na magsagawa po ng aktividad dyan sa Liwasang Bonifacio?
26:27I know, hindi kailangan po ng permit dyan.
26:30Pero meron ho bang naibigay na sa inyong detalye yung organizer?
26:38Ma'am Connie, ito pong Liwasang Bonifacio ay freedom park po ito ng Maynila.
26:45Hindi po kailangan kumuha sila ng permit at nagkaroon na rin po ng announcement yung ating ama ng lunsod ng
26:53Maynila tungkol po dyan.
26:54At dito naman po ang polis natin dito ay nandito lamang po para bantayan lang po yung kaayusan, kataymingan at
27:02katatagan po ng lugar.
27:04At sya ka siyempre po yung daloy ng trapiko.
27:07At kagabi pa po, Ma'am Connie, meron na po tayong public advisory para po dun sa ating mga kapatid
27:13na INC.
27:14Yung mga sasakyan po nila, meron po tayong mga designated na parking area para po magamit nila.
27:21Ito po yung Quirino Grandstand.
27:22At kung sakali naman po na mapupuno yun, meron pa tayong mga alternatibong pwedeng pagparadahan para po yung daloy ng
27:31trapiko dito sa lugar na ito ay hindi naman po maihimpil o maapektuhan.
27:36Okay, sa ngayon po, ilan po ang nakadeploy na kapulisan po kung pa pwedeng malaman?
27:45Ma'am Connie, hindi lamang po dito sa Liwasang Bonipaso ang binabantayan po ng ating mga kapulisan.
27:51Sapat po yung ating bilang dito, Ma'am Connie.
27:53At sabi ko nga, hindi po natin binibigay yung ating number ng personnel natin na nakadeploy dito.
27:59Pero meron po tayong mga katulong galing po ng Region 3 at Region 4A.
28:05At paano po ang gagawin natin kung sakasakali magka-spill over yung mga ralisa sa kalsada na hindi po sakop
28:12ng Freedom Park?
28:17Ma'am Connie, palagi po natin sinasabi na wala naman po bagay na hindi napag-uusapan sa bukas na kaisipan.
28:24Bukod po dito sa Liwasang Bonipaso, meron pa tayong tatlo pa po ng Freedom Parks dito.
28:30Yung Plaza Miranda po, Plaza Dilaw at Plaza Moriones, pwede po tayo dyan.
28:35Okay, may mga pag-uusap na ho ba na naganap sa pagitan po ng MPD at kinatawan po ng INC
28:40sa mga posibleng mangyayari at inaasahan
28:42ng bilang po ng lalahok sa rally ngayong araw?
28:50We presume po nagkaroon na po sila ng inisyal na pag-uusap kung saan nga po katulad po na nabanggit
28:55ko sa inyo kanina.
28:56Kagabi pa po nagkaroon tayo ng emergency meeting sa pangunguna po ng aming district director
29:01at naglatag na po tayo ng ating mga security plan.
29:05At nagkaroon na rin po tayo ng public advisory para po maging gabay ng ating mga kababayan.
29:10Kanina pa rin po umaga, nagkaroon na po ng maagang announcement ang ating ama ng Lunsod ng Maynila
29:16na wala na pong pasok ang mga estudyante dito po sa Lunsod para hindi na po maapektuhan ng bigat ng
29:22daloy ng trapiko.
29:23Okay, so as we speak, wala pa po tayong idea kung ilan po ang lalahok na mga taga-INC.
29:34Tama po kayo, Ma'am Coney, pero ganun pa man po, handang-handa po ang Philippine National Police,
29:39handang-handa po ang Manila Police District sa mga ganito pong mga pagkilos at mga pagtitipon po.
29:45Alright, marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin sa Balitang Hallie, sir.
29:53Maraming salamat, Ma'am Coney, at mabuhay po kaya.
29:56Yan po naman si Manila Police District PIO Chief at Spokesperson Police Major Philip Ines.
30:04Nahulog at gumulong mula sa umaandar na jeep ang pasaherong iyan sa bahagi ng Aurora Boulevard sa Quezon City.
30:10Ang pampasaherong jeep, nahulikam na biglang kumabig para mag-overtake sa isa pang jeep.
30:15Sa halit na tumigil para tulungan ng kanyang pasahero, nagdere-derecho lang ang jeep.
30:21Nakarating na sa Land Transportation Office ang insidente.
30:24Pinagpapaliwanag nila ang driver na siyam na pong araw nang suspendido ang lisensya.
30:29Ipinatawag din ang rehistradong may-ari o operator ng jeep.
30:33Wala pa raw informasyon ng LTO kung ano ang lagay ng biktimang pasahero.
30:39Handa raw si Senador Rodante Marcoleta na makulong para sa kasong plunder kung ito raw ang magiging kapalit para ipagtanggol
30:47ang katarungan.
30:48Sinabi niya yan sa pakikiisa sa rally ng mga miyembro ng Inglesya ni Cristo sa EDSA People Power Monument kagabi.
30:54Balitang hatid ni Mariz Omali.
30:58Numating si NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin sa People Power Monument.
31:04Agad niyang pinuntahan ang isang bus na nakapwesto pa rin sa isang linya sa EDSA.
31:09May permit tayo eh. Kasama sa kondisyones ng permit.
31:14Okay na po yung usapan. Hinihintay na lang po yung may hawak ng susit.
31:17Kasi nga, diba, hinalis yung susit kinuha.
31:20So, hintayin natin. At pag hindi inaalis, then we will talk again with them.
31:29Kung ayaw talaga, then that's the time siguro na maghatak tayo.
31:36Maghalas 8.30 na nang tuluyan itong inalis at inatras sa White Plains Avenue.
31:41Dahil dito, tatlong linya na ang nadaana ng mga motorista.
31:44Ang iba pang nakaharang na bus, natanggal din sa pagkakabalandra bagamat nagkagulo muli bago ito may alis.
31:51May konting komosyon because yung mga nasa baba po na mga kapatiran ay ayaw pong pagalaw yung bus.
31:59Although nakalagay po sa permit na dapat, walang nakabalagbag po dyan ng mga sasakyan.
32:05So we ask the attention ng mga leaders nila para pumunta mismo doon para sabihan yung mga kasapi po.
32:12Pinalipat na rin ang iba pang mga bus na nakaparada sa White Plains.
32:17Mayari ng motor, abulin nyo na. Pag naigarga na po yan, tapos na po yan.
32:22At ang abisong ito-tow ang mga nakaparada pa rin sa EDSA, tinutoo sa mga hindi sumunod.
32:27Ayon sa MMDA, hindi na nila pinilit-alisin ang mga sasakyan na kahambalang doon para maiwasan ang tensyon.
32:33Pero pinatawa nila ng multa ang mga ito.
32:36Una-una yung illegal parking. In fact, hindi kami nag-tow pero nag-issue po tayo ng mga citation tickets
32:44under the no-contact apprehension policy.
32:48Dahil bawal po mag-park dyan sa EDSA.
32:51Ngayon, dahil meron silang permit na in-issue ng Quezon City Government, limited po yung parking na inalat.
32:58Nasa 3,000 polis mula sa NCRPO at Regional Mobile Force Battalion ang nineploy para magbantay sa paligid ng People
33:05Power Monument.
33:06May command post at first aid station din doon.
33:09Sa kabila ng matinding sikat ng araw, nagpatuloy ang programa ng mga rallyista para sa panawagan nilang transparency at accountability.
33:17Ipinakita nila ang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta na nakatakdang kasuhan ng plunder, personal na nagpuntang senador sa rally.
33:25Nakahanda po akong magpakulong.
33:31Kung kinakailangang ma-aresto po ako, wala pong problema.
33:38Kung ito po ang kabayarang hinihingi para ipagtanggol ko ang katarungan.
33:44Nasa 8,000 ang dumalo sa rally.
33:46Kinansila o nirevoke naman ang permit nila ngayong ayon kay Elmo San Diego ng Quezon City Department of Public Order
33:52and Safety.
33:53Pinalaya naman ang apat na inaresto dahil sa pananakit umano sa mga polis.
33:57Yung bus driver po natin is hinayaan na lamang po ng ating polis since part naman po ng trabaho daw
34:03niya yung nangyari.
34:05So pinatawad na po niya. Yung naman pong nanapak is ina-identify pa po ng ating polis kung yun po
34:11talaga yung nanapak sa kanya.
34:12For further investigation pa po kaya na-release itong apat nating mga na-aresto.
34:16May mga namonitor din umano ang NCRPO na may ibang grupong nakisali sa mga miyembro ng INC.
34:22May namonitor po tayo na ibang grupo, hindi kasabi po ng Iglesia ni Kristo.
34:27But our intel operative po ay tinututukan po yung mga individual po na yan.
34:33Iginiit naman ang PNP na hindi nagkaroon ng failure of intelligence.
34:36We have monitored already that this thing will happen. The only problem is hindi natin ma-pinpoint yung exact day.
34:45But just the same, before the rally, bago sila pumunta rito, nakapag-deploy na tayo.
34:51The only problem is hindi natin in-expect na ganun kakadkarami.
34:56Ayon naman sa Malacanang,
34:57Naniniwala po ang Pangulo sa liderato ng INC na sila ay nagkaroon ng rally o sinasabing protesta para itaguyod ang
35:07transparency, accountability.
35:10Iginagalang natin ang liderato ng INC at hindi tayo naniniwala na sila ang magiging nasa likod ng destabilisasyon.
35:19Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.
35:28Isang alkalde sa Mexico ang nagpakasal sa isang hayop na kaanap ng mga buwaya.
35:35Meet our lovely bride, ang Cayman na pinangalanang Ana Cintia Ramirez Ahumada.
35:41Nag-i-do sa kanyang isang mayor sa Oaxaca bilang bahagi ng isang ritual na ilang siglo nang ginagawa ng
35:48mga katutubong Chantal at Juave.
35:50Paniwala kasi roon isang deity o diosang reptile na Cayman na kumakatawan sa inang kalikasan.
35:57Pinaniniwala ang magdudulot ang kasal ng kasaganahan at magandang ani.
36:02Ipinagdiwang niya ng mga residente sa pamamagitan ng masayang tugtugan at sayawan.
36:13Binaril ng riding in tandem ang isang pampasaherong bus sa Amadeo, Cavite.
36:17Nangyari ang insidente habang bumibiyahay ang bus sa barangay Banay-Banay.
36:22Batay sa embisigasyon, tinapatan ang motorsiklo ang bus at pinagbabaril ito ng nakaangkas.
36:28Iligtas ang driver, dalawang kunduktor at apat na pasahero.
36:32Pinaghanap pa ang mga salarin at inaalam ang kanilang motibo.
36:36Wala pang pahayag ang kumpanyang may-ari ng bus.
36:48Apat na araw bago ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
36:52isang misa ang isinagawa sa Quezon City ng mga nagsusulong ng Anilay Truth, Justice at Accountability.
36:59May ulat on the spot si Tina Panganiban Perez. Tina?
37:03Pony isang Mass for Truth, Justice and Accountability ang itinaos ngayong umaga
37:08sa Chapel of the Nativity sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City.
37:13Itinaos ito apat na araw bago magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa lunes, July 6.
37:20Binaluhan nito ng ilang membro ng House Prosecution Panel
37:24sa paunguna ni Lead Prosecutor Rep. Jervie Luistro.
37:28Nasa misa rin si na Prosecutor Rep. Laila de Lima, Rep. Isabel Maria Zamora,
37:33Rep. Joel Chua, Rep. Lawrence Defensor, at Rep. Sakag-Ao.
37:39Asama nila si na Private Prosecutor Atty. Lorna Capunan at Atty. Mar Forst Pua.
37:44Sa homily ni Monsenor Mel David, pinayuhan niya ang mga prosecutor
37:48na humugot ng lakas at tapang sa Panginoon at hingin ng gabay ng Holy Spirit.
37:54Ayon kay Father Joselito Sarabia, main celebrant ng misa kanina at isa sa mga impeachment complainant.
38:00Bagamat alam niyang matatapang ang mga prosecutor, may mga ordinaryong mamamayan daw na nangangapa
38:06dahil baka may pressure mula sa ilang sektor.
38:09Pero tiwala si Father Sarabia na malakas ang ebidensya laban sa dice at makakondik siya.
38:15Nanawagan naman si Rep. Luis Tro sa publiko na patuloy na magdasal para lukuban sa katotohan.
38:21Connie?
38:21Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
38:26Tahimik ang pagtitipon ngayon sa Liwasang Bonifacio ayon sa Manila Police District.
38:31Buha tayo ng update doon sa ulat on the spot ni John Consulta.
38:35John?
38:39Rapi tuloy-tuloy ang pagdating ng mga tao dito sa may bahagi ng Liwasang Bonifacio dito sa Manila
38:44para sa pagpatuloy ng pagitipon ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw.
38:51Maya ang dating ng mga tao dito sa Liwasang Bonifacio sa Manila para makiisa sa magiging aktibidad ng Iglesia Ni
38:57Cristo.
38:58Ang ilang nagpalipas na magdamag, inabutan namin nakapila para kumuha ng dalawang piraso ng itlog kada tao
39:04para itagdag sa kanilang almasahal.
39:06Kanya-kanya naman ang pwesto sa ilalim ng puno ang mga naunang dumating sa gitna ng mainit na panahon.
39:12Ayon kay Police Brigadier General Arnold Santiago, District Director ng Manila Police District,
39:17nananatiling matahimik daw ang pagitipon ng mga tao rito.
39:20At dahil isang Freedom Park ang Liwasang Bonifacio, malaya makapagsama-sama mga tao rito
39:25at di na kailangan kumuha pa ng permit sa LGU.
39:28Pero ayon kay Batangas First District Representative Leandro Liviste,
39:32aabot na sa 4,000 ang nandito sa Liwasang Bonifacio.
39:36500 rito raw ay kanyang mga kamabayan na galing pa sa Batangas.
39:41Ayon kay Liviste, nananatiling buo ang kanilang panawagan sa gobyerno
39:45na itigil na ang umuloy selective justice kaugnay sa embisikasyon sa flood control project.
39:51Narito, Rafi, ang magkasunod na pahayag ni Police Brigadier General Arnold Santiago
39:55at Congressman Leandro Liviste.
39:59Sikapin po ng inyong Manila Police at ng suporta galing sa National at NCRPO
40:06na maging tuloy-tuloy pa kami po ang dalaw na trafiko ang bilin po sa atin.
40:10Huwag ma-black ang mga kalsada, hindi baling bumagal ng kaunti yung takbo, ng mga sakyan.
40:16Masa tuloy-tuloy na nakakabiyahe yung ating mga kababayan.
40:20Matunog ang salitang selective justice na nakikita nila na ang ilan ang sinasabing sasampahan ng kaso
40:28ngunit ang iba naman ay hindi man lang pinai-investiga.
40:32Maganda kung ipakita ng gobyerno na pati ang mga tao na may mataas na responsibility
40:44and role sa mga flood control projects ay pananagutin din.
40:54As of 10 a.m., Rafi ay aabot na raw sa 1,200 ang bilang ng mga tao na nandito
41:00sa Liwasang Bonifacio
41:01ayon sa MPD, yun yung latest figure nila, Rafi.
41:05Pero inaasahan pa mamayang hapon magkisimula ang kanilang mga programa
41:08habang patuloy nilang inaasahan ang kanilang pagditingpan ng kanilang mga kasamahan
41:12na galing sa iba pang probinsya.
41:14Yan ang latest muna rin sa Liwasang Bonifacio.
41:16Palay sa iyo, Rafi.
41:17Maraming salamat, John Konsulta.
41:21Gitang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez
41:24hindi suportado ng ebidensya ang pagdadawit sa kanya sa flood control project scandal.
41:29Sabi ng tagapagsalita ni Romualdez na si Atty. Elaine Atienza,
41:32maging si dating BPWS Sekretary Manuel Bonoan
41:35ay hindi idiniin ang dating House Speaker sa flood control issue
41:38kahit may pagkakataon siya magsalita sa mga nakarang hearing at investigasyon.
41:43Gagawing state witness ng Office of the Ombudsman si Bonoan
41:46para sa binubuong kaso laban kay Romualdez tungkol sa 2025 budget.
41:50Ayon sa kampo ni Romualdez,
41:53hindi kontrolado ng iisang tao ang national budget process kahit pa ang House Speaker.
41:58Hindi na kaya utusan ng House Speaker ang DPWH Sekretary
42:01na nangangasiwa sa mga proyekto ng kagawaran,
42:04pati ang BBM na naghahanda sa panukalang national budget
42:08at ang Senado na kasama sa mga nagbubusisi sa budget.
42:12Dagdag ng kampo ni Romualdez dapat panagutin ang mga nagkasalan sa flood control scandal,
42:18pero hindi raw dapat gawing shortcut ang pagdidiin sa isang may malaking pangalan
42:22gaya ni Romualdez para lang may maipakita sa publiko.
42:27May mga saradong kalsada at mahigpit ang seguridad ngayon
42:31sa ilang bahagi po ng lungsod ng Maynila kasabay ng rally sa Liwasang Bonifacio.
42:35May rot on the spot si Mariz Umani.
42:37May rot on the spot si Mariz Umani.
43:07Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Police Major General Anthony Abirin,
43:11nakatoon ang deployment nila sa pagpapanatili ng seguridad at pagmamatsyag sa parking area
43:17dahil wala namang mga malalaking kalsadang kailangang bantayan sa lugar di tulad sa EDSA.
43:21Mas malaking pwersa ang nakatalaga sa Menjola at paligid ng Malacanang
43:25na tinatayan na sa 2,500 na polis para mapigilan ng mga rallyista na makalapit sa official residence ng Pangulo.
43:31Ayon kay Abirin, may nakarating na informasyon na posibleng may naging paglabag sa mga kondisyon ng permit
43:36o may natanggap na reklamo mula sa mga residente sa White Plains kaya di na na-extend ang permit doon.
43:42Pero nilinaw ni Abirin na wala pa siyang formal na kumpirmasyon ukol dito.
43:45Binigyan din din ni Abirin na hahayaan ng mga polis sa mga rallyista na magprotesta sa liwasang Bonifacio na isang
43:51Freedom Park
43:52hanggat mapayapa ang pagkilos at walang nangyayaring kaguluhan.
43:55Sa posibilidad naman ng pag-apaw ng mga rallyista sa mga kalapit na kalsada,
43:59sinabi niya na papayuhan lamang sila ng mga otoridad na lumipat sa mga lugar na hindi makakaabala sa trapiko.
44:04At sabi rin ni Abirin, ang ilang pagsasara ng mga kalsada at plaza
44:07ay hiniling mismo ng pamalaang lunsod na Maynila bilang bahagi ng hakbang sa siguridad.
44:12Situasyon tayo ng trapiko dito sa Maylotto na Connie.
44:15Makikita po ninyo na medyo kumakapal na rin po yung volume ng mga sasakyan at may build-up na.
44:20Pero makikita pa rin natin na tuloy-tuloy naman ang daloy ng mga sasakyan sa mga sandaling ito.
44:25At narito rin po yung Manila Park and Traffic Bureau para magmando sa trapiko dito sa lugar na ito.
44:30Connie?
44:30Maraming salamat, Mariz Umali.
44:33At yan ang may irit na balita ngayong tanghali. Ako po si Connie Sison.
44:37Grafi Timo po.
44:38Saman nyo rin po ako, Aubrey Carampe.
44:39Ito po ang GMA News. Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
44:43Noon at ngayon, serbisyong totoo.