- 2 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Ginulat ng kilus protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo
00:09ang bahagi ng EDSA na layong tutulan ng pagsasampa ng kasong plunder
00:15laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
00:18Ang mga aralingistang nagsimulang magtipon dakong alas 2 ng madaling araw
00:21umabot na sa mayigit 15,000 katao ngayong alas 6 ng gabi.
00:26Base po yan sa tala ng Philippine National Police.
00:28Pero dahil nasakop ang ilang lay ng EDSA, katakot-takot na traffic ang idinulot niya.
00:35Magkaroon pa ng giraan sa pulisya. Nakatutok si EJ Gomez.
00:56Naggagit-gitan.
01:00At nagkatulakan.
01:06Ang mga aralingista at mga pulis, pasado alas 8 ng umaga kanina sa EDSA People Power Monument.
01:12May punto pang nanuntok ng pulis ang isang aralingista.
01:16Meron ding nang bato ng sapatos at sinelas sa pulis.
01:20Nagpatuloy ang hatakan at sakita ng dalawang panig.
01:23We are one!
01:25We are one!
01:26We are one!
01:27Nagsimula ang gulo ng umabante palabas ng EDSA hanggang sa busway ang isang service bus na mga aralingista.
01:34Sinundan ito ng isa pang bus.
01:35Kaya may pulis na naipit.
01:41Itong busway, nag-flow-flow.
01:43Pero itong bus, inabante niya, binarahan niya.
01:46Sa pag-atrasabante niya, kasi may cement barrier, may naipit na pulis.
01:51So doon, doon nagkagirian.
01:53Of course, we have to react.
01:54Kasi may nasakta na kami ng pulisan.
01:56Doon po nagkaroon ng komosyon kanina.
01:58Logic dictates na pag-inalangan mo para matigil yung flow ng EDSA.
02:03Inaresto ang itinuturong nag-atrasabante ng bus, pati ilang ralyista na nanakit ng pulis.
02:09Maximum tolerance, always maximum tolerance.
02:12But of course, kagaya ng sinabi ko kanina, pag sinasapak o sinasaktan na yung pulis natin, hindi naman tayo basta
02:18nakatayo na lang dyan.
02:20May hinimatay rin dahil nahirapang huminga.
02:23Pinagtulungan siyang paypayan at painumin ng tubig na mga ralyista para mahimas-masan.
02:28Mag-aalas dos ng madaling araw nang dumating at pumarada,
02:31ang mga sasakyang ito sa kahabaan ng White Plains Avenue.
02:35Sakay nito, ang mga ralyistang miyembro umano ng Iglesia ni Cristo o INC.
02:41Ang ilan sa kanila, nakasuot ng puting t-shirt at may nakasulot na mga salitang transparency at accountability.
02:48Noong una, hindi malinaw kung ano ang pakay ng pagtitipon.
02:51Pero habang lumiliwanag, unti-unting dumarami ang mga ralyista na nagpapakita ng suporta kay Sen. Rodante Marcoleta.
03:00Sa placard, idinaan ang ilang nagrarali ang pagpuna sa planong paghahain ng ombudsman ng kasong plunder laban kay Marcoleta.
03:07Dahil sa dami ng tao na sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan,
03:13nagkabuhul-buhol ang traffic papuntang EDSA White Plains sa gitna ng morning rush hour.
03:19Sabi ni NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, walang permit ang pagtitipon.
03:25One thing for sure, grupo po ng iglesia ni Cristo po ito.
03:28Wala pong prior coordination and we believe sa pakikipanayam natin tanina sa kanilang mga leader ay wala po silang may
03:37pakitang permit.
03:38Kanina may kausap po tayo na pinaka-pinuno po nila at grupo nga po ng iglesia ni Cristo po ito.
03:47Malinaw po na INC po ito.
03:48Bago mag-alas 12 ng tanghali, tinatayang aabot sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga raliyista.
03:56We are one! We are one!
03:59E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
04:03Hindi umano makatarungan kaya nila tinututulan ang pagsasampan ng kasong plunder laban sa miyembro ng iglesia ni Cristo na si
04:13Senador Rodante Marcoleta.
04:15Sabi yan ang tagapagsalita ng iglesia ni Cristo, ang kanilang pagkwestyon sa nakaambang paghahain ng kaso ng ombudsman dahil sa
04:24pagtanggap umano ni Senador Marcoleta ng 75 milyon pesos habang nakaupong kongresista sa pagtutok ni John Konsulta.
04:34We are one! We are one!
04:38Ang malaking rally ng mga member ng iglesia ni Cristo o INC para tao sa transparency, accountability, justice and peace.
04:45Ang tinututulan nila ang nakambang paghahain ng kasong plunder laban sa miyembro nilang si Senador Rodante Marcoleta.
04:52Gusto naming ipaalam sa kanila na isang injustice ang selective justice at hindi kami mananahimik sa harap nitong napakalaking pagyurak
05:06sa katarungan na hinihingi ng ating mga kababayan.
05:11Ang isasampang plunder case, kaugnay ng pagtanggap ni Marcoleta ng 75 milyon pesos mula sa tatlong individual noong January 2025,
05:21panahon nakaupo siyang kongresista.
05:23Ang sabi ng ombudsman, hindi tamang tumatanggap ng ganong kalaking halaga ang isang opisyal ng gobyerno.
05:29Pero tanong ni INC spokesperson Brother Edwin Zabala, hindi naman galing sa kaban ng bayan ang tinanggap na pera ng
05:36Senador, kaya bakit kasong plunder na walang piyasa ang isasampang kaso?
05:41Paanong naging plunder ang pagtanggap ng campaign donation o campaign contribution?
05:48Hindi naman galing sa kabangyaman ng Pilipinas ang tinanggap niyang donation.
05:53Hinihinga namin ang reaksyon dito ang Office of the Ombudsman, pero dati nang sinabi ng tanggapan na sa ilalim ng
05:59batas, hindi kailangan galing sa kaban ng bayan ang perang tinanggap para ituring itong plunder.
06:04Tanong pa ng INC, bakit si Sen. Marcoleta na isa sa mga nagsiwalat ng katiwalian ang nakatakdang kasuhan?
06:12Si Sen. Dante Marcoleta ay nanguna sa pag-iimbestiga sa isa sa pinakamalaking pandarambong na naganap sa ating kasaysayan.
06:23Bakit siya na nagsusulong sa pag-expose ng mga sangkot sa napakalaking pagnanakaw sa Pilipinas ang kakasuhan at ipakukulong sa
06:35halip na ang mga na-expose?
06:38The meeting is now called to order.
06:42Matatandaang ng maupong chairman noon ng Senate Blue Ribbon Committee, pinangunahan ni Marcoleta ang pag-iimbestiga sa umunoy pangomisyon ng
06:49mga opisyal sa mga flood control projects.
06:52Nais namin iparinig sa mga kinauukulan na kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta ay hindi kami titigil sa paghingi ng
07:07katarungan para sa mga kababayan natin na ninakawan.
07:12Binalikan din sa pahayag ng INC ang pag-abswelto ng Commission on Elections kay Marcoleta tungkol sa tinanggap na perang
07:19itinuri noong campaign contribution.
07:22Mismong ang Comilec ay naglabas na ng desisyon na walang krimen na naganap sa pagtanggap niya ng campaign donation.
07:33Sinusuportahan ng Iglesia ni Cristo ang itinataguyod ni Sen. Marcoleta dahil ito rin ang posisyon namin.
07:43Hinihinga namin ang pahayag ang Comilec. Pero dati na nitong sinabing bagamat na kumpirmang tumanggap si Marcoleta ng pinansyal na
07:50kontribisyong nagkakahalaga ng 75 milyon pesos,
07:53nangyari ito bago ang simula ng campaign period kung kailan hindi pa may dituring na kandidato si Marcoleta.
07:59Kaya ang non-declaration ay hindi may dituring na election offense.
08:03Pero paglilinaw ng Comilec, maaaring may iba pang batas na nakakasakop dito. Paglilinaw rin ang INC.
08:10Hindi tutol ang Iglesia ni Cristo sa pagpapatupad ng batas. Pero tutol kami sa pagbaluktot sa batas. Lalo na kung
08:24ang layunin ay para pagtakpan ang katiwalian.
08:28John Consulta, nakatutok 24 aras.
08:32Aminadong nabulaga ang polisya kaya hindi na paghandaan ang epekto sa trapiko ng rally ng Iglesia ni Cristo.
08:40Na posibleng tumagal hanggang bukas.
08:43Kamustay na po natin kung traffic pa ba sa EDSA sa live na pagtutok doon ni Jun Camerasio.
08:49Jun!
08:53Vicky, kahit walang permit to rally at kahit umuulan ay nagpapatuloy pa rin ang kilus protesta labas sa katiwalian ng
09:03Iglesia ni Cristo dito sa EDSA,
09:05White Plains, Quezon City. Aminado ang NCR Police Office na marami na ang nabeperwisyo pero wala raw gagawing dispersal dahil
09:14gulo lang ang maaaring maging risulta nito.
09:21Madaling araw nang biglang dumagsal sa People Power Monument sa EDSA, White Plains ang mga nagpakilalang miyembro ng Iglesia ni
09:28Cristo.
09:29Protestaan nila ito sa katiwalian at pagkundina sa panggigipit umano sa kapwa nila INC na si Sen. Rodante Marculeta.
09:36Bandang alas 3 ng hapon, umabot sa 13,000 ang crowd estimate sa pagtitipon na wala palang permit to rally.
09:45Merong intelligence report ang NCR Police Office tungkol sa rally pero aminado itong nabulaga sila.
09:51Nagkaroon po kasi tayo ng gulatan, hindi po natin alam na magkakaroon sila ng pagtitipon na ganito kung kaya wala
09:56tayong preparasyon regarding sa traffic.
10:00Since wala po silang permit, wala po tayong preparation para sa kanilang pagtitipon.
10:05Binarahan ang EDSA ng mga sasakyan, kabilang ang ibinalandra ng mga bus na may nakalagay na pangalan ng Universidad na
10:12Pag-aari ng INC.
10:13Ang risulta, nagbistulang parking lot ang bahagi ng EDSA, White Plains.
10:17Kinailangang alisin ang concrete barrier sa bahagi ng busway para lumuwag maski pa paano ang traffic.
10:23Nakainis.
10:25Nakainis. Pero biyay po. Wala na, logi.
10:28Walang magagawa. Eh, nandiyan na eh. Okay na lang.
10:31Pag-unawa naman ang apela ng mga nakiisa sa rally.
10:35At sa mga tao naman po na perwisyo po dahil po sa naging traffic po, humihingi po kami ng pamanhin.
10:41At sana po maunawaan niyo po na yung laban po na ito na gusto po namin ipanawagan sa pamahala, sa
10:47pamahala na tubyero ng Pilipinas.
10:49Hindi lamang po laban po namin, kundi laban po natin itong lahat.
10:52Sa gitna ng rally, inilagay sa full alert status ang buong Philippine National Police o PNP.
10:58Sabi ni NCR Police Office Chief Major General Anthony Aberin, nag-a-apply na ng permit to rally ang INC
11:05sa Quezon City Hall.
11:07Pinag-ahandaan na nila ang posibilidad na abutin pa hanggang bukas ang rally.
11:11Sabi ni Aberin, wala siyang ibinigay the special treatment sa mga rallyista, kahit siya mismo ay kasapin ang INC.
11:18Although INC po tayo, we will abide by the constitution, we are for the duly constituted authorities. Doon po tayo
11:26sa nakakarami.
11:27Sabi ni Department of Interior and Local Government o DILG, igagalang nila ang karabatan ng bawat Pilipinong magtipon at magpahayag
11:35ng kanilang saluobin.
11:37Patuloy naman nakikipag-coordinate ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa PNP para sa monitoring ng sitwasyon.
11:43Umaapila ang AFP sa mga rally organizer na tiyaking hindi lubusang mapiperwisyo ang publiko.
11:53VK, kapapasok na ng balita ay naprubahan na ng Quezon City Government ang request para sa permit rally ng Iglesia
12:01Ni Cristo.
12:01Ito ay para bukas mula 8am hanggang 8pm. Yan ay gagawin sa White Plains Avenue hanggang Temple Drive.
12:09Pero kahit wala pa ngang, o para bukas pa ang permit rally, sabi ng NCR Police Office, particular na kanilang
12:15jefe, si Major General Anthony Abilin, ay meron ng mga ralistang dito na magpapalipas ng gabi.
12:22VK.
12:23Maraming salamat sa iyo, June Veneracion.
12:26Inisi naman ni Sen. Rodante Marcoleta si Ombudsman Jesus Crispin Remulia para saan niya'y planadong blunder case laban sa
12:33kanya.
12:33Nah, layon o manon itong makulong siya para pigilan ng investigasyon sa blood control scam at para hindi siya makalahok
12:41sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
12:45Nakatutok si Jonathan Andal.
12:49Alam kong kan-aarestuhin nila ko. Alam kong ikukulong nila ko. Wala na po tayong kakampi.
12:56Ang kasalanan ko lamang po yung paglingkuran kayo. Kung kasalanan pong matatawag yan.
13:02Yan ang sagot ni Sen. Rodante Marcoleta sa anunsyo ng Ombudsman na sasampahan siya ng reklamang plunder o pandarambong.
13:09Dahil sa hindi niya idineklarang 75 million pesos na natanggap na regalo o donasyon,
13:14sabi ni Marcoleta gusto lang siyang ipakulong para pigilan ang investigasyon niya sa flood control scandal.
13:20At para hindi na siya makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula na sa lunes.
13:26Ang isa pa pong inaasahan nila ay hindi na po ako makakasali doon sa impeachment proceedings na nakatakda pong magsimula
13:34sa susunod na linggo.
13:36Sa mga tweed, dalawang ibon sa isang putok mga kababayan.
13:39Panong ni Marcoleta, bakit siya ang inuuna at hindi ang mga taong nasa likod anya ng nakawan?
13:45Yung taong nasa likod ng lahat ng kasalanan ito ng pagnanakaw, hanggang ngayon ay wala pa po silang ginagawang pag
13:52-uusig.
13:53Meron na pong isang demanda kay Martin Romualdez na nakabimbin pa April 2026.
14:02Yung isa na inakusahan na dating kalihim ng DPWH ay kanilang kinasangkapan upang siya din ay maging state witness.
14:17Ang sinisisi rito ni Marcoleta si Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
14:21Alam ko po ang promotor nito ay ang ating Ombudsman sapagkat noong kami po ay nagtatalo-talo sa bulwagan ng
14:30Senado,
14:31isa sa amin ang nagsabi na sometimes we have to bend the law.
14:36At sumagot po ang Ombudsman nang tinanong siya kung tama ang kanyang sinabi.
14:42Alam na po ninyo kung yung sinagot niya. Yes sir.
14:45Ang tinutukoy ni Marcoleta ay itong September 23 Blue Ribbon Hearing tungkol sa flood control scandal.
14:52DOJ's Sekretary pa noon si Remulia.
14:54Sometimes you have to bend the law to be able to please the people.
15:01Mas mataas po ang taong bayan sa matas. Am I right, Sekretary Remulia?
15:06Yes sir.
15:09Sa budget hearing ng Ombudsman noon, nagbigay ng paglilinaw ukol dyan si Remulia
15:13sa pamamagitan ng budget sponsor na si Senador Sherwin Gatchalian.
15:17He is expressing to this August body that he will abide by the rule of law and he will not
15:24bend the law.
15:25Pintang ngayon ni Marcoleta, planado ang plunder case laban sa kanya.
15:30Kasi dalawang linggo bago nagpahayag ang ating Ombudsman,
15:34sinabi na rin ni Ping Lakson na tila siyem pa na Senador ang makukulong.
15:41Parang alam na niya ang mangyayari.
15:43Well, taagad ni Lakson, nang gagaslight o nanlilin lang na naman si Marcoleta.
15:48Hypothetical o halimbawa lang daw ang sinabi niya noon tungkol sa siyem na Senador na posibleng maaresto.
15:55Kinocompute niya kasi noon kung ilan ang matitirang aktibong Senador
15:58at ilan ang kailangang two-thirds na boto para makapag-convict sa impeachment trial.
16:03Samantala, no comment daw muna si Senate President Sherwin Gatchalian
16:07sa nakambang pagsasampan ng kaso laban kay Marcoleta.
16:10Pero paano kung manghingi si Marcoleta ng protective custody sa Senado?
16:23Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
16:27Ilang kilalang personalidad ang dumating din sa rally ng Iglesia ni Cristo sa EDSA.
16:33Ang latest noon sa live na pagtutok ni Marisol Apto naman.
16:37Marisol?
16:44Transparency at accountability.
16:45Ito nga ang panawagan, Mel, ng mga relaysa na nagtitipon-tipon ngayon dito sa EDSA People Power Monuments.
16:51At karamihan, Mel, ng mga nandito ngayon ay mga membro ng Iglesia ni Cristo.
17:00Sa mga suot nilang t-shirt at hawak na placards, ipinarating ng mga nagpakilalang miyembro ng Iglesia ni Cristo
17:07ang panawagang panagutin ang mga sangkot sa katiwalian.
17:10Kanya-kanyang pwesto ang mga nagprotesta.
17:12Ang iba nga ay pami-pamilya pa.
17:15Gaya ng pamilya ni Rosemary Lalamunan na galing pang kabite.
17:19Ano may picnic dahil may bitbi pang sapin at baon.
17:22Para masaya lang po.
17:24Kasama na po kami.
17:26Kaya pa na ready-ready dito, may pagkara?
17:28Yes.
17:29May termos pa.
17:30Andito po kami para hindi lang po sa aming ipaglaban yung katotohanan.
17:35May mga sudyante rin sumuong umano sa mahabang biyahe.
17:39Dahil sa traffic, malayo raw ang nilakan makarating lang dito.
17:43Naglakad pa po kami dito ng higit isang oras po para lang po makarating dito.
17:48Bilang pakikiisa po, ayaw po.
17:50Tapos isa pa din po sa ano is para po mapanagot po yung dapat pong managot.
17:56Ang grupong ito naman, lubimban sa kanilang mga trabaho para dumalo sa rally.
18:01Sobrang na yung pangigipit ng gobyerno sa mamayang Pilipino.
18:07Nakikiisa kami sa gawain ng Iglesia Ni Cristo.
18:10Gusto po namin na magiging transparent po yung gobyerno na yung batas po na huwag pong baluktutin po yung batas.
18:18Para po amin pong ipadama sa aming kapatid na si Dante Marcoleta na hindi lang po siya nag-iisa na
18:27lumalaban
18:27sa hamon ng buhay o sa ganitong mga pangyayari.
18:31May mga pumeso sa ilalim ng puno.
18:34Ang iba nakatulog na at karamihan dito na inabot ng gutom.
18:39Bago magalasdos ng hapon ng magkagulo sa southbound lane.
18:47As of 3pm naman, umabot na sa 13,000 ang bilang ng mga relihista na inukopan na ang buong White
18:54Plains hanggang sa EDSA.
18:56Kaya isang lane lang ang nakabukas sa southbound at northbound lane ng EDSA.
19:01Misulang parking lot na ang bahagi ito ng EDSA dahil halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan pa southbound.
19:07Ilang personalidad naman ang nakiisa sa rally, gaya ni nadating congressman Mike Defensor na sinagot ang balak na sampahan din
19:15siya
19:15ng kasong plunder ng ombudsman kasama ni Marcoleta.
19:19Hindi ako magtatago. Noon pa hindi ako magtatago at sinasabi ko siya nila.
19:22Hindi sila mananalo. Pwede lang ako makulong, hindi ako magtatago.
19:26Lalaban ako at kung kaya ko pa magsalita na magsalita, magsasalita ako laban dito.
19:30Dumating din sa pagditipong sinasenador Alan Peter Cayetano at congressman Leandro Leviste.
19:37Minsan paulit-ulit na ang pagnanakaw, okay din lang.
19:42Sobra na po ang ginagawa, tingisin na lang natin.
19:48Ako'y naniniwala po na kailangan hate is challenge with love.
19:56Make no mistake po.
20:06Hanggang sa mga oras neto, may nagpapatuloy pa rin ang programa ng Iglesia ni Cristo.
20:12At sa kabila ng masamang panahon, lalo pang dumami ang kanilang bilang.
20:15At sa 6pm ayon si NCRPO, umaabot na sa 15,500 ang mga nandito ngayon si Edsa People Power Monument.
20:23At hanggang ngayon, hindi pa rin masabi ng NCRPO kung hanggang kailan sila mananatili dito.
20:29Samantala, ngayong gabi dumating din dito si dating Ilokosur Gov. Chavit Simpson.
20:33At nakikisa daw siya at nagbibigay suporta dito nga sa sinasagawang pag-iloss ng INC.
20:39Mel, update namang tayo dito sa sitwasyon sa Edsa.
20:42Kung ikukumpara kanina, Mel, dalawang lane ang nakabukas.
20:44Dahil bukod doon sa carousel bus, naka-open na rin ang isang lane dito sa northbound.
20:51Pero sobrang napaka-traffic na rin dahil syempre I suspected rush hour na.
20:55So hopefully, Mel, sana maya-maya ay maibsan at gumaganda naman na ang dala ng mga sasakyan dito sa ating
21:01kinaroroonan.
21:01Mel.
21:03Maraming salamat sa iyo, Marisol Abduraman.
21:06Nanindigan si Ombudsman Jesus Crispin Remulia na hindi niya iniutos.
21:11Nakanapan ng kaso si Sen. Rodante Marcoleta.
21:13Kasunod ng puna ng mga taga-suporta nito.
21:17Pinabulaanan din ni Remulia na pinag-iinitan si Marcoleta.
21:20Nakatutok si Joseph Moro.
21:25Sa harap ng kilos protesta ng grupong Iglesia ni Cristo o INC bilang pag-suporta
21:30kay Sen. Rodante Marcoleta na sabi ng Ombudsman ay kakasuhan ng plunder
21:34ngayong linggo.
21:36Pagdidiin, Ombudsman Jesus Crispin Remulia, hindi nila pinag-iinitan si Marcoleta.
21:40Today, there's a big rally or commotion in EDSA.
21:47And of course, our friends from the INC are the ones who instigated it
21:55due to a feeling that they have that Rodante Marcoleta was being singled out among other people.
22:06And we all know that that is not true.
22:08Hindi daw niya iniutos na hanapan ng kaso ang senador.
22:13Matatandaang lumutang ang pagtanggap ni Marcoleta ng P75 million pesos
22:17sa investigasyon ng Commission on Elections to Comenic
22:20na hindi niya idineklara ang donasyon o regalo sa kanya
22:23noong kongresista siya at bago siya tumakbo bilang senador sa eleksyon 2025.
22:28I never instructed anybody to conduct that investigation.
22:32It was brought up by, I don't know what team, and the work was good.
22:37So, I said, we will find the case.
22:41Tama naman, di ba?
22:42When the evidence presents itself in front of you, you might as well bring it to court.
22:47Lalong-lalong na, ito yung example na gusto ng tao,
22:52mataas man o mababa, katanaan sa atin pag mali ang ginawa.
22:57Nagdag pa ng ombudsman, hindi rin daw totoo na namimili sila ng kakasuhan.
23:02Dahil sa kasulukuyan, may ginagawa silang preliminary investigation
23:05laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
23:08Yung kaso po ni former Speaker Martin Romualdez is getting stronger by the day.
23:13Ayon sa ombudsman, tuloy pa rin ang pagsampan nila ng kaso ngayong linggo
23:17na mismong kay Marcoleta daw nang galing ang ebidensya
23:20dahil inamin ito na tumanggap nga siya ng P75 million pesos.
23:25Kung ang pinaglalaban po ng mga taga-INC ngayon sa EDSA
23:29ay transparency and accountability, yun din ang pinaglalaban ng Office of the Ombudsman.
23:34It's hard to see kung saan po nanggagaling si Senator Marcoleta dito
23:38dahil yung kaso mismo ay yung ebidensya mismo na ginamit ng ating mga investigador
23:45ay nanggaling din po sa kanya.
23:47It is our mandate to investigate and prosecute cases.
23:51And once the evidence is there, and in this case the evidence was amply supplied
23:56by the respondents themselves, our hands are quite tied here.
24:01Muling inulit ng ombudsman ng paliwanag kung bakit plunder
24:05ang ikakaso nila laban kay Sen. Rodante Marcoleta
24:08kayong sabi na mga taga-suporta ng Senador,
24:10hindi naman pera ng gobyerno ang P75 million pesos na tinanggap nito.
24:14Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hindi lamang pera ng gobyerno
24:19ang pwedeng sangkot sa kaso ng plunder base na rin sa nakasaad
24:22sa Republic Act 7080 o batas kontra sa plunder.
24:26Alangan naman po yung gift ay galing din sa public funds.
24:29So ang definition po ng plunder also includes private funds.
24:35Katulad din daw ito ng kaso noon ng plunder
24:38laban kay dating Pangulong Joseph Estrada
24:40dahil umano sa pagkamal niya ng yaman galing sa wedding money.
24:44Same.
24:45Circumstances?
24:45Yes, opo.
24:46Naiintindihan ho namin yung argument na yun na kailangan public funds.
24:51Ngunit pag binasa mo talaga yung batas,
24:55nandyan ho yan na kahit private funds po pwede.
24:59It's just that kadalasan ang nafafile ho yung public funds.
25:04Sa rekomendasyon ng fact-finding panel na kasuhan si Marco Leta,
25:07sinabi nito na sa laki daw ng P75 million pesos,
25:11hindi na raw ito may tuturing na ordinaryong kagandahang loob,
25:14kundi corruption na para makakuha ng pabor muna kay Marco Leta.
25:18Hindi rin daw dapat ito itinuturing na normal para sa mga pampublikong opisyal
25:22porkit walang sinabing hinihinging kapalit.
25:25Umabot ho ng P75 million pesos ang kabuoan ng mga supposedly donations sa kanya.
25:32Bawal tumanggap ng ganun kalaking kahalaga ng pera.
25:36Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras
25:44Good evening mga kapuso!
25:46Instant hit ang fictional P-pop girl group na Yumi
25:49sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine.
25:52E game kayang members kung gawing real life ang grupo?
25:56Makichika kay Aubrey Caramper.
25:59Yumi!
26:01Unstoppable na ang pagsikat at ang influence ng fictional P-pop girl group na Yumi
26:07sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine.
26:11Bukod sa development ng kanilang performance skills,
26:14mas nakikilala rao ni na Zephanie, Olive May,
26:17Mitzi Josh, Gaya Misha at Naya Amby ang isa't isa
26:21sa dami ng pinagsamahan nilang trainings at tapings.
26:25Super po na-enjoy po talaga namin kasi ako I really love to perform po
26:30and yung ibang girls din, yun talaga yung passion nila.
26:32Dahil sa natatanggap na overflowing support,
26:35magsasama-sama ang Yumiets soon.
26:38At may isa pang handog ang Yumi sa fans.
26:42Parang grand fan meet talaga.
26:44Wow!
26:45Na-official for our kapuso
26:47and sa mga Yumiets siya na nanonood talaga ng Born to Shine soon this July
26:53and meron din po kaming album na i-release yung volume 2
26:58ng official soundtracks ng Born to Shine.
27:00Sa kabila niyan, aminado ang girls na hindi birong maging miyembro ng P-pop groups.
27:06Doon namin na-realize kung gano'n din ka-hardworking talaga yung mga P-pop artists natin
27:11kasi it's not easy singing and dancing sa buong kanta.
27:15Pero game kaya sila kung gawing real life ang kanilang grupo?
27:20Tatanong ko din sila, sabi ko, like, ano gusto niya ba talaga?
27:24Oo, open talaga sila.
27:26Kailangan talaga committed tayo if ever magiging real man.
27:29Kasi grabe yan, dapat training kayo.
27:31Kasi ang dami ng P-pop dito sa Pilipinas.
27:34We feel like it's fun to actually explore that field
27:38pero alam din namin yung challenges.
27:40So I think pwede naman po.
27:42Athena Imperial updated sa showbiz happening!
Comments