00:00At the end of the day, Mr. Ferdinand R. Marcos Jr. at Sulu at Sambuanga,
00:05Pagka-impondo ng bawat barangay at pagsisiguro ng edukasyon ng mga kabataan,
00:09Ang handog ng Pangulo sa Sulu, sa Sambuanga naman,
00:12Ay pinangunahan ng Presidente ang pagbubukas ng bawat bayan makikinabang program.
00:17Ang detalya sa report ni Clazel Ferdilia.
00:22Namahagi ng tulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lalawigan ng Sulu,
00:27na isa sa pinakatimog kanuran at malayong bahagi ng Pilipinas.
00:32Dinayo ng Presidente ang probinsya para mamigay ng libreng bigas
00:37sa ilalim ng bawat bayan makikinabang program.
00:41Nakatanggap ng tigsampung kilong bigas ang nasa tatlong libong beneficaryo.
00:46Ito ang mga ating beneficaryo ay ang mga poor at saka near poor.
00:51Yung sinasabi, kung hindi natin tulungan, ay bababa sa poverty line.
00:57Sabi ko, yun ang nilalabanan natin na hindi sila bumaba.
01:01Bago pa mangyari yan, unahan na natin.
01:04Kaya yan po ang ating ginawa.
01:06Kaya ito, meron tayong tigsasampung kilong sako ng bigas para sa ating mga beneficaryo.
01:12Nag-abot din ang kabuang 82 milyong pisong tulong sa probinsya ng Sulu
01:18o tig-200,000 pisong pondo sa bawat barangay.
01:22Kalahati ng budget, inilaan sa Presidential Scholarship Program.
01:26Limang estudyante sa bawat barangay na malapit ang magtapos sa kolehyo
01:31ang binigyan ng tig-20,000 pisong halaga ng pinansyal na tulong.
01:36Para sa akin, ito ang pinakamahalaga na maibibigay ng pamahalaan para sa ating mga kabataan.
01:43Ang edukasyon ay hindi ito pribilehyo.
01:49Ang edukasyon ay karapatan ng ating mga kabataan.
01:55Higit apat na raang barangay naman ang makikinabang sa tig-100,000 pisong Social Civics Project Fund
02:02mula sa Presidente.
02:03Para ito sa paggawa ng mga health center, tulay, pagbili ng service vehicle
02:09at iba pang proyekto na pinakakinakailangan sa kanilang lugar.
02:14Naipakita ninyo sa aming lalawigan ang mga tausog ng aming probinsya
02:19ay kailanman hindi napapabayaan at napag-iiwanan.
02:23Sinaksihan ni Pangulong Marcos ang pagsuko ng halos 200 iligal na armas
02:29mula sa mga sibilyan sa iba't ibang bayan sa Sulu.
02:32Layo nitong matiyak ang seguridad sa lalawigan mula sa mga hindi-lisensyadong armas.
02:39Mula Sulu, diretso agad ang Pangulo sa Zamboanga.
02:43Pinangunahan ng Presidente ang paglulunsad ng bawat bayan makikinabang program.
02:49Nakatanggap din ng tig-200,000 pisong pondo ang bawat barangay
02:53o katumbas ng 370,000 pisong pondo para sa Zamboanga Peninsula.
03:01Gagamitin ito sa scholarship at iba pang proyekto na magpapaunad sa kanilang komunidad.
03:07Layo nitong palakasin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan
03:11na nakapronta at tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
03:17Pag maging maganda ang takbo ng programang ito at yung programa doon sa LGSF,
03:24kung maganda yan, titiyakin ko sa budget ng 2027, palakim pa natin yung bibigay natin.
03:33Binuksan din ni Pangulong Marcos sa Zamboanga City
03:36ang walang gutom kitchen ng Department of Social Welfare and Development.
03:40Ito ang pinakaunang walang gutom kitchen sa Mindanao at ikatlo sa buong bansa
03:46na layong bigyan ng libreng pagkain ang pinakamahirap na Pilipino.
03:51Target ng programa na mabawasan ang insidente ng kagutuman at malnutrisyon sa bansa.
03:58Klaizal Pardilia para sa Bayan.
Comments