00:00Sa ibang balita, nasa 10 bilyong pisong halaga ng hinihinalang Shabu ang nasabat sa karagatan ng Zambales.
00:07Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:11Naharang ng mga tauha ng Northern Luzon Naval Command ng Philippine Navy
00:15ang isa't kalahating tonelada ng hinihinalang Shabu kaninang madaling araw.
00:19Ayon sa commander ng Northern Luzon Naval Command na si Commodore Edward Ike de Sagon,
00:23tinatayang aabot sa 10 bilyong piso ang state value ng nasabat na Shabu.
00:27Katuwang ng Navy sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency.
00:31Natuntun ang sasakyang pangisda sa layong 15 nautical miles mula sa katubigang sakop ng Zambales.
00:38Sakay ng fishing vessel ang nasabing mga kontrabando na may sakay na isang foreign national.
00:43We observe this vessel, particular vessel, that it is by itself operating far from other vessels or fishing vessel.
00:53And then fishing vessels normally magkakadikit yan kasi pag may nahuli yung isa, maraming isda dun, magkakadikit yan talaga.
01:02And this particular vessel was very far off so it made us think that there must be something wrong or it became suspicious.
01:13Ayon kay De Sagon, mula sa malaking fishing vessel ang mga kontrabando na inilipat sa mga maliliit na fishing vessel.
01:21Ito na ang isa sa pinakamalaking nasabat ng Philippine Navy sa kasaysayan bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.
01:29Dadalhin sa Naval Operating Base sa Subic ang nasabat na droga para sa dokumentasyon at saka ito turnover sa mga otoridad.
01:36Nakatakda rin isa lang sa interrogation ang mga sakay ng nasabing fishing vessel.
01:40Nangako ang Northern Luzon Naval Command na ipagpapatuloy ang kanilang mahigpit na pagpapatrolya sa mga katubigan na sakop nito.
01:48Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.