Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 30, 2026


- Daloy ng trapiko sa EDSA-White Plains, apektado ng mga nagtitipon sa EDSA People power Monument

- Liwasang Bonifacio, dinagsa rin ng maraming tao ngayong umaga; mga kalahok, hindi nagbigay ng detalye kaugnay sa pagtitipon

- Paniningil ng GEA-ALL ngayong July at August billing periods, sinuspinde ng Energy Regulatory Commission

- Impact-based forecasting system, ilulunsad ng PAGASA ngayong Hulyo para palakasin ang paghahanda sa bagyo


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00To be continued...
00:3260 ka na sa dami ang mga taong nagtitipon ngayon sa may Edsa People Power Monument sa Quezon City.
00:39Apektado na ang daloy ng trafikat live mula roon. May unang balita si EJ Gomez.
00:44EJ, good morning.
00:49Marius, good morning. Nagtitipon-tipon nga ngayon dito sa People Power Monument.
00:54Dito sa Edsa, Quezon City, ang grupo ng mga tao at sa mga puntong ito, halos mapununan ang mga sasakyan
01:01at tao ang kahabaan ng White Plains Avenue.
01:06Alas dos ng madaling araw nang magsimulang dumami ang mga sasakyan sa kahabaan ng White Plains Avenue.
01:13Kasama na dito ang mga bus na pumarada sa gilid ng kalsada.
01:17Dito yan sa may People Power Monument sa Quezon City.
01:19Wala pa tayo makausap na leader ng mga nagtitipon dito pero nakikita natin na ilan sa kanila ay nakasuot ng
01:26puting t-shirt na may nakasulat ng mga salitang transparency at accountability.
01:31Wala pa rin pahayag sa mga oras na ito ang pulisya.
01:34Kanina, nag-ikot si Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Randy Glenn Silvio sa ilang bahagi ng Rally
01:41Point.
01:41Mahigpit ang siguridad sa paligid ng White Plains Avenue.
01:45Nag-formation din kanina ang ilang pulis sa harap mismo ng People Power Monument.
01:49Sa lagay naman ng traffic, pasado alas 4 kanina, hindi na madaanan ng mga motorista ang White Plains.
01:55Hindi na makapasok at makalabas ang mga motorista ng EDSA.
02:00May anunsyo na rin sa Facebook post ang MMDA sa mga motorista bago mag-alas 4 ng umaga.
02:06Nasa 500 tao raw ang naglalakad sa northbound ng EDSA Corinthian Gardens papuntang White Plains
02:12at asahan na raw ang mabagal na galaw ng traffic sa lugar
02:17kaya pinapayuhan ng mga motorista na maghanap ng alternate routes.
02:22Maris, yung nakikita natin ngayon, yan yung ilan sa mga sinasabi nating bus na pumarada na dito
02:27sa gitna ng White Plains Avenue.
02:30Ilang bus yan at kanikanina lang ay bumuhos yung ulan kaya nagpulasan yung mga rallyista.
02:36Yung iba sa kanila, kanya-kanyang payong, kanya-kanyang silong at may iba naman
02:40na bumalik dun sa sinasakyan nilang service vehicle na bus.
02:44At sa mga puntong ito, mas dumami na ang bilang ng mga rallyista.
02:48Yan muna ang latest mula po dito sa Quezon City.
02:51EJ Gomez, GMA News.
02:55Silipin naman natin ang sitwasyon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila
02:58kung saan may nagaganap ding pagtitipon.
03:00At may unang balita live si James Agustin.
03:03James, good morning!
03:08Maris, good morning!
03:10Marami-arami na rin yung mga tao nagtitipon-tipon dito sa Liwasang Bonifacio
03:13sa Longsod ng Maynila ngayong umaga.
03:17Bago magalauna na madaling araw na magsimula magsidatinga ng mga tao
03:20rito sa Liwasang Bonifacio.
03:22Ang iba, dito na naglatag na mahihigaan.
03:25May mga nagdala rin ng upuan.
03:26Marami rin na nagdala ng kanilang mga sasakyan.
03:28Sinubukan natin makipag-usap sa mga narito
03:31pero mailap silang magbigay ng detalye.
03:33Hindi rin nila sinasabi kung anong grupo
03:35ang kanilang kinabibilangan.
03:36Nagtatayo na rin ngayon ng isang stage
03:38at nakikita natin, Maris, na meron na rin dalawang LED screen
03:41na nakatayo dito sa lugar.
03:43Nagpapatunlog na ng kanta na may temang panawagan
03:46sa mga namumuno ng pagkakaisa,
03:48paglalantad ng katotohanan,
03:50at huwag umanong pagbali sa hostesya.
03:52Samantala, Maris, kani-kanina ay nakaranas
03:54ng mahinang pagulan dito sa lugar
03:56pero ngayon po ay pagambun na lamang yan.
03:58Kaya sumilong na rin yung mga tao
03:59na nagtitipon-tipon dito.
04:01At patuloy yung pakipag-ugnayan natin
04:03sa Manila Police District
04:04kaugnay doon sa seguridad na inilatag nila.
04:06Though ang sabi sa atin
04:07ng tagapagsalita ng MPD na si Police Major
04:10Philip Ines
04:10ay Freedom Park,
04:12itong liwasang Bonifacio.
04:14Para naman sa mga kapuso natin
04:15na patungo po sa area
04:17ng Manila City Hall
04:18ay hindi naman po apektado
04:19yung daloy ng trafico
04:20dahil po yung mga tao
04:22na nagtitipon-tipon dito
04:24ay nandito lamang po ngayon
04:25sa area ng liwasang Bonifacio.
04:28Yan mo na ilitas
04:28mula po rito sa lungsod ng Manila.
04:30James Agustin, GMA News.
04:33Pinalawig ng Energy Regulatory Commission
04:35ng dalawang buwan ng suspensyon
04:37sa pangungulekta ng Green Energy Auction Allowance
04:39o JEA-OL
04:41sa electricity consumers.
04:43Ay sa ERC,
04:44hindi muna sisinginin
04:45ng halos 4 centavos per kilowatt hour
04:48na JEA-OL
04:49sa bill
04:50ngayong Hulyo
04:51at sa Agosto.
04:53Ito'y para mainsan
04:54ang pasanin ng mga consumers
04:55sa gitna ng mga hamon
04:56sa ekonomiya.
04:57Sakop na ang suspensyon
04:59ng Distribution Utilities
05:00Retail Electricity Suppliers
05:02at National Grid Corporation
05:04of the Philippines.
05:06Ang JEA-OL
05:07ay ginagamit
05:07para suportahan
05:08ng mga renewable energy projects
05:10sa bansa.
05:11Unang sinuspindi ng ERC
05:13ang pangungulekta ng JEA-OL
05:14noong May at June
05:16billing period.
05:21Samantala,
05:21ilulunsag po ng pag-asa
05:23ngayong Hulyo
05:23ang tinatawag nitong
05:24Intact Base Forecasting
05:26o IBF system
05:27bilang tulong sa ating mga kaubayan
05:29sa paghahanda
05:29tuwing may parating na bagyo.
05:31Ayon sa pag-asa,
05:32tatlong araw
05:33bago ang landfall
05:34ng isang bagyo,
05:35maglalabas sila
05:36ng abiso
05:36o babala
05:37tukol sa inaasahang pinsala nito.
05:39Gaya na posibing lakas
05:40ng hangin,
05:41pagbaha,
05:42storm surge
05:42o daluyong,
05:43pagguo ng lupa,
05:45pati ang mga paghahandang
05:46dapat gawin.
05:47May apat na kalesifikasyon
05:49ang nilalabas na abiso.
05:50Red para sa severe impact,
05:53orange naman para sa significant,
05:55yellow naman para sa minor impact,
05:57at green para sa minimal impact.
05:59Kasama rin ang posibleng epekto sa ekonomiya,
06:02mga bahay at gusali,
06:03agriculture at fisheries,
06:05transportasyon,
06:06health at safety,
06:08at lifelines at utilities.
06:09Makatatanggap ng IBF
06:11ang mga national government agency
06:13at mga lokal na pamahalaan.
06:15Layon itong palakasin
06:16ang paghahanda
06:17para sa posibleng epekto
06:19ng bagyo.
06:20Paalala po mga kapuso,
06:21stay safe
06:22and stay updated.
06:23Ako po si Anjo Pertiera.
06:25Know the weather
06:26before you go.
06:27Pero mark safe lagi.
06:28Mga kapuso.
Comments

Recommended