Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 29, 2026


- Mga commuter, naperwisyo ng ulan ngayong umaga

- Panukala ng ilang grupo, isama sa income tax exemption ang mga kumikita ng P500,000 kada taon | Nasa P50B ang posibleng mawala sa kita ng gobyerno kapag nilawakan ang tax exemption, batay sa tantiya ng Dept. of Finance | Mga reporma sa buwis, target maipasa ng House Committee on Ways and Means sa Agosto

- Rep. Martin Romualdez, pinasasagot ng Ombudsman kaugnay sa rekomendasyong kasuhan siya kaugnay sa flood control scandal

- VP Duterte: Huwag na kayong umasa na makukulong si dating House Speaker Martin Romualdez o sinumang kongresista



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00To be continued...
00:33Maulang panahon ng sumalubong sa mga commuter ngayong umaga.
00:37Kumustayin natin ang sitwasyon sa Caso City sa unang balita live ni James Agustin.
00:43James!
00:47Ikang good morning, pahirapan ng pagsakay na maraming pasahero rito sa Commonwealth Avenue sa area ng Litex ngayong maulang umaga.
00:55Mag-aalas 5 ng umaga kanina na maranasan ang mahina hanggang katamtamang pagulan dito sa Quezon City.
01:01Sa Elliptical Road, nagmenor ang ilang sasakyan. Ganyan din ang sitwasyon sa Commonwealth Avenue.
01:06Sa Litex, maagang naibon ang mga pasahero dahil maulan, mas naging pahirapan ng kanilang pagsakay.
01:12Punuan na rin kasi ang maraming mga pampublikong sasakyan.
01:15Silipin naman po natin yung sitwasyon dito sa area ng Litex.
01:19Kung kanina po ay marami-rami mga pasahero yung nandito.
01:21Ngayon ay may mga pasahero pa rin na naghihintay na masasakyan.
01:25Yung iba naman ay nandoon sa designated na PUV stop.
01:28Dahil may mga taguuhan ng MMDA na nagpapaalala sa kanila na doon ang tamang sakayan.
01:33Patuloy po na nararanasan yung mahina hanggang sa katamtamang pagulan sa bagay ito ng Quezon City.
01:39Silipin naman po natin yung lagay ng trapeko.
01:41Ang nakikita nyo po ngayon mga kapuso ay westbound lane nitong Commonwealth Avenue.
01:46Lane na patungo sa area ng Elliptical Road.
01:48Hindi pa naman po ganun ba-traffic.
01:50At mas maluwag yung traffic situation sa eastbound lane nitong Commonwealth Avenue ngayong umaga.
01:56Yung muna ilitas mula po rito sa Quezon City.
01:58James Agustin, JMA News.
02:03Nasa 50 bilyong piso, tinatayang mawawala sa kita ng gobyerno
02:08kapag ipinatupad ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na lawakan ang income tax exemption.
02:14At para mapunan yan, panukalan ng isang mga babatas na taasan ng buwis sa vape,
02:20gayon din sa ilang inumin, heated tobacco at mga single-use plastic.
02:26May unang balita si Jonathan Andal.
02:32Sa ikalimang State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos,
02:36isa sa mga hiniling niya sa Kongreso,
02:37ang pagpasa ng batas na magpapalawak sa exemption sa income tax.
02:42Isasama na natin ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa 350,000 pesos kada taon.
02:49Mula yan sa kasalukuyang 250,000 pesos pero nakukulangan dito ang makabayan block.
02:55Sana raw ay tinaas na lang ito sa 500,000 pesos o yung mga nasa mahigit 41,000 pesos ang
03:01buwan ng sweldo.
03:02Kailangan-kailangan ito dahil nga itong hinain ng lower and middle income earners
03:09na kapag krisis may ayuda para sa mga mahirap pero yung mga mababa ang kita,
03:18lalong bumababa because of inflation pero wala namang relief na nakukuha mula sa gobyerno.
03:24Para naman kikabataan ang Portuguese Representative Rene Coe,
03:27dapat ang mga bilyonaryo at malalaking korporasyon ang taasan ng buwis.
03:31Dapat din daw tanggalin ang excise tax at VAT sa mga pangunahing bilihin.
03:35Kasama dyan yung fuel, yung pagkain, yung ibang-ibang bahagi nito, etc.
03:38Iyon po ang nagpapahirap sa mga mayang Pilipino.
03:41Para naman sa Trade Union Congress of the Philippines o TUCP,
03:44dapat exempted na sa tax sa mga kumikita ng hindi higit sa 50,000 piso kada buwan o 600,000
03:52piso kada taon.
03:53Ibasura na rin ang 12% VAT sa kuryente at magpatupad ng 200 peso daily minimum wage increase.
04:00Pero ang pagbabawas ng buwis may kaakibat na nababawas sa revenue o kita ng gobyerno
04:06na ginagamit sa iba't ibang proyekto.
04:08Saan kukunin ang gobyerno? Ang pantapat.
04:12Merong income loss ka doon.
04:15Revenue loss.
04:17Pero saan mo kukunin? Mangungutang na naman ba tayo?
04:20Ang laki na ng utang natin.
04:22Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Miro Kimbo,
04:25nasa 50 bilyong piso ang posibleng mawala sa kita ng gobyerno kapag itinaas ang tax exemption.
04:32Base yan sa taya ng Finance Department.
04:34Para mapunan yan, ipinapanukalang itaas ang buwis sa vape at sweetened beverages.
04:38Ang recovery natin dito ay manggagaling sa health measures actually.
04:43Ang una ay pagdating sa vape. It is currently at 6 pesos per ml na isa sa pinakamababa sa buong
04:50mundo.
04:50Plano rin magpataw ng buwis sa heated tobacco.
04:53Pati raw ang ilang single-use plastics, papatawa na rin ng buwis.
04:57Meron din tayo on plastics. Ito ang isang mga pangunahing cost ng baha.
05:02Itong mga sachets, lahat. Dati ang panukala ay ang mga sandubag lamang na nasa palengke ang ating bubuwisan.
05:10Pero nakita po natin na hindi lang ito ang nagiging cost ng baha.
05:15Kailangan po din po natin ito mapatawan ng karampatang buwis.
05:20Target ng House Committee on Ways and Means na sa Agosto, maipasa na sa Kamara ang mga reforma sa buwis.
05:26Bukod sa 350,000 personal income tax exemption, kabilang din sa reforma ang pagtataas ng 13-month pay tax exemption.
05:34Mula sa 90,000 pesos ngayon, plano na rin itong gawing 120,000 pesos.
05:40Kung total bonuses, wala po kayong babayaran buwis dyan.
05:44So kung anuman pong sobra dyan, ina-add together yan at hinahanap kung nasa ang bracket kayo.
05:49If all of that, hindi ka pa rin kayo lalagpas ng 350, you are going to be tax exempt entirely.
05:57Para sa unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
06:02Pinasasagot ng Ombudsman sa dating House Speaker Martin Romualdez sa rekomendasyon ng Special Panel of Investigators.
06:09Nakasuhan siya ng plunder, graft, direct at indirect bribery at money laundering kaugnay sa questionabling flood control projects.
06:16Labing limang araw ang binigay kay Romualdez at sa iba pang respondents para magsumite ng counter affidavit.
06:21Pagkatapos niyan, magpapas siya ang Ombudsman kung may sapat na ebidensya para magsampan ng mga kaso sa Sandigan Bayan.
06:29Ang pagsasampan ng kaso laban kay Romualdez ay binanggit ng Pangulo sa kanyang State of the Nation address nitong lunes.
06:35Sagot dyan ni Romualdez, wala siyang ginawang anuman labag sa batas at handa raw siyang patunayan nito.
06:44Para kay Vice President Sara Duterte, huwag nang umasang makukulong.
06:49Si dating House Speaker Martin Romualdez o sino mang kongresista kugnay sa flood control scandal.
06:56Di ba yan din yung sinabi niya last year, bago mag-December may makukulong na.
07:01So meron bang makulong bago mag-Christmas?
07:04Wala. So huwag nyo na-expect na makukulong niyang dating Speaker o mga member siya, House of Representatives.
07:16Sabi ni Vice President Duterte, katulad lang ito ng 20 pesos na bigas na pangako ni Pangulong Bombong Marcos na
07:23hindi naman anihan natupad.
07:25Hindi rin daw pwedeng ilayo ng Pangulo ang kanyang sarili sa issue ng katiwalian dahil pinirmahan niya ang national budget
07:31na maraming insertions.
07:33Susubukan namin kuna ng pahayagang malakanyang dito.
07:36Ng itong lunes, sa ikalimang State of the Nation address ni Pangulong Marcos, kung saan hindi dumalo ang vice,
07:41binanggit ng Pangulo na malapit ng kasuhan ng ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na kanyang pinsan.
Comments

Recommended