Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 6, 2026


- Mga residente, nangangamba sa epekto ng malalanghap na abo mula sa Bulkang Mayon | Food packs at non-food items, patuloy na ipinamamahagi ng DSWD sa mga apektadong residente | Mga magsasaka, nanghihinayang sa kanilang mga pananim na hindi na mapapakinabangan dahil nabalot ng ashfall | 200 magsasaka sa Brgy. Sua, posibleng maapektuhan kung palalawigin ang danger zone ng Bulkang Mayon

- ERC: Hindi muna puputulan ng kuryente ang mga hindi makakabayad mula May-July 2026 | Sinisingil na FIT-All at GEA-All, pinasususpinde ng grupong Kuryente.org sa ERC

- LTO, government agency na pinaka-inireklamo nitong Marso, ayon sa Anti-Red Tape Authority

- Mga tanim na repolyo, hindi na aanihin ng ilang magsasaka; mas malaki pa raw ang gastos nila kaysa sa mapagbebentahan nito | Sen. Imee Marcos: Sobra ang supply ng repolyo dahil sa pag-aangkat ng Dept. of Agriculture | Dept. of Agriculture, itinangging nag-aangkat ito ng repolyo, ayon sa Malacañang



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).



For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

🗞
News
Transcript
00:12Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:28Transcription by CastingWords
01:30Transcription by CastingWords
02:10Transcription by CastingWords
02:14Transcription by CastingWords
02:44Patuloy naman ang pamahagi ng Department of Social Welfare and Development
02:48ng food packs at non-food items gaya ng face mask sa mga apektadong residente.
02:53Nagmistulang disyerto itong taniman sa barangay Swakamalig, Albay, matapos matabunan ng napakakapal na abo dahil sa pag-alboroto ng Mayon
03:02Volcano.
03:02Nakapanghihinayang para sa mga magsasaka dahil marami raw sa mga pananim nilang gulay hindi na mapakikinabangan.
03:09Mangihihina ka talaga. Parang gusto ko yung mag-iiyak na ganun na yung nakita namin. Kasi wala talaga kami pagkukunan.
03:19Sayang din kasi ma'am yung pagod na madaling aram pupunta ka doon tapos makikita mo yung pananim mo na
03:27ganun na lang mangyayari.
03:28Ang medyo mas malala po na talagang wala nang pakinabang or hindi na po makakinabangan is yung vegetables.
03:36Kasi yung vegetables po after one week malalanta na po yan lahat.
03:40So magsisimula ulit ang mga farmers natin para makabangon. Back to zero talaga yung mga farmers natin dito.
03:47Dalawandaang magsasaka ang apektado sa barangay Swa na hanggang walong kilometro ang layo sa vulkan.
03:52Posible silang maapektuhan kung palalawigin ang danger zone ng mayon. Oras na itaas ito sa alert level 4.
03:59Ngayon, I even spoke with the president last Sunday na sabi ko sa kanya kung mag-alert level 4 or
04:08extension of 7 kilometers.
04:11We are talking of an additional 10,000 to 13,000 residents na ilikas natin. So medyo malaki ito.
04:21Sa Daraga Albay, hindi rin bababa sa dalawandaang magsasaka ang apektado ng ashfall.
04:27Sa buong agriculture sector po, total losses po amount in pesos na sa 6,694,229.43 for rice and
04:40high value crops or sa ating mga gulayan.
04:43Wala pa po dito yung ibang commodities like coconut and corn.
04:46Isinailalim na sa state of calamity ang walong lugar sa Albay na apektado ng ashfall.
04:52Legaspi, Ligaw, Tabako, Santo Domingo, Malilipot, Daraga, Ginubatan at Kamalig.
05:05Igan, ayon sa Philippine Space Agency, kung ikukumpara, nasa kalahati ng laki ng Quezon City yung lawak ng bahagi ng
05:13Albay na apektado ng ashfall.
05:15Yan ang unang balita mula rito sa Albay. Balik sa iyo, Igan.
05:18Piniutos ang Energy Regulatory Commission na huwag munang putulan ng kuryente ang mga hindi makabayad ngayong Mayo hanggang Hulyo.
05:26Sakop niya ng lahat ng residential at non-residential area sa bansa.
05:30Pinayagan din ang ERC ang utay-utay ng pagbabayad o flexible payment ng mga kumukonsumo ng hanggang 200 kWh kada
05:37buwan.
05:38Hanggang tatlong buwan ang installment sa bayad.
05:40Pinutusan din ang ERC ang power generation at transmission companies na utay-utayin na hanggang tatlong buwan ang singil sa
05:48distribution utilities.
05:50Layunin ang utos ng ERC na maibsan ang epekto ng mataas na singil sa kuryente, bunso ng gyera sa Middle
05:56East.
05:58Hiling naman ang grupong kuryente.org sa ERC suspendi na rin ang pagsigil ng Feed-in Tariff Allowance o FIT
06:04-ALL at Green Energy Auction Allowance o G-ALL
06:08Ang sinisingil na FIT-ALL at G-ALL ay tulong daw sa mga mamumuhunan sa renewable energy sources.
06:16Pero ay sa grupo, hindi dapat mga consumer ang pumapasan nito lalo na nasa State of National Energy Emergency ang
06:23bansa.
06:25Wala mong paayang ERC kaugnay sa petisyon.
06:32Naguna ang Land Transportation Office sa pinaka-inereklamong government agency nitong Marso.
06:37Ayon sa Anti-Red Tape Authority at batay sa datos ng ARTA, 152 reklamo ang natanggap nila laban sa LTO.
06:45Dalawang po rito, aktibo pang kaso.
06:48Ayon naman sa LTO, siniseryoso nila ang report ng ARTA.
06:52Paliwanag nila, marami kasing dumadaan sa kanilang transaksyon.
06:55May mga ginagawa na raw sinahakbang para mapabuti pa ang kanilang serbisyo.
07:00Kasunod na LTO sa listahan ng Bureau of Internal Revenue na nakatanggap ng 80 siyam na reklamo.
07:06Pangatlo ang Food and Drug Administration, sinundan ang Land Registration Authority, tapos ang Philippine Statistics Authority.
07:13Nasa top 10 din ang Department of Education, National Telecommunications Commission,
07:18Department of Migrant Workers, Professional Regulation Commission,
07:21Department of Human Settlements, and Urban Development at Department of Science and Technology.
07:27Susubukan namin kunan ng pahayag ang mga nasabing tanggapan ng gobyerno.
07:32Hindi na raw anihin na ilang magsasaka ang kanilang mga tanim na repolyo sa Bogyas, Benguet.
07:38Sabi nila, mas mahal pa kasi ang magiging gastos nila sa pag-ani kaysa sa kikitain sa pagbebenta ng repolyo.
07:45Mababa raw kasi ang presyo ng repolyo sa Benguet Agri Pinoy Trading Center.
07:50Batay sa bentahan sa Benguet Agri Pinoy Trading Center, nasa 7 pesos hanggang 10 pesos per kilo ang repolyo.
07:58Kaya sabi ng mga magsasaka, hahayaan na lang nilang mabulok ang kanilang mga tanim.
08:03Si Sen. Amy Marcos, sinabing nahihirapan ng mga magsasaka na ibenta ang repolyo dahil sa sobrang supply raw nito.
08:09Pino na rin ang Senadora ang aniyay pag-aangkat ng DA ng repolyo.
08:14Itinanggi naman na ito ng DA ayon sa Malacanang.
08:21Nakausap po mismo natin si Sekretary Kiko Laurel Jr.
08:26Wala pong katotohanan ang sinasabi ni Sen. Amy Marcos.
08:33Hindi po daw nag-aangkat ang DA ng repolyo.
08:37Saan ba nang gagaling ang kanyang mga binabanggit na mga gaitong klaseng mga kwento na wala namang pinagagalingan?
Comments

Recommended