00:00Icapito ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kabataang kulang ang physical activity batay sa pag-aaral ng World Health
00:07Organization.
00:08Para hikayatin ng mga kabataan na maging physically active, ilang court at gym ang minuksan ng ilang lokal na pamahalaan.
00:15May unang balita si Jonathan Andal.
00:20May squat rack, bench press, bicep curls, leg press, spin bikes, cable machines at iba pa.
00:27Pero hindi ito commercial gym ha, kundi fitness gym na pinagawa mismo ng SK o sangguni ang kabataan ng Barangay
00:36Kalawaan sa Pasig City sa pondong 1.2 million pesos.
00:41Napansin namin na yung mga kabataan, lalo na po yung mga atleta natin dito sa Barangay Kalawaan, they had to
00:47go pa to different barangays para lang maka-access po ng ganitong facilities.
00:53Naisipan po namin na mag-establish na po ng isang hindi lamang simple gym, kundi isang athlete conditioning gym.
01:01Kabubukas lang ng gym noong Oktobre. Libre ito para sa mga atleta sa Barangay.
01:05Pero kung hindi atleta, may babayaran muna na 20 to 30 pesos pambayad sa staff ng gym.
01:10Sa ngayon lang daw ito dahil hindi pa na-aprobahan ang budget para sa honorarium ng staff.
01:15Malaking bagay ito para sa badminton player na si Jay na nagko-commute pa raw at nagbabayan ng 50 pesos
01:21para makapag-workout sa malayong commercial gyms.
01:23Super super saya ako rin po kasi malaki yung nasa-save po eh, malaki yung nasa-save and then at
01:28the same time, anlapit lang din niya sa bahay.
01:30Actually sir, natutuwa po kasi yung mga kabataan po na hindi ko naman usually naikita sa labas o dito sa
01:36barangay, sa vicinity, nakita ko po sila na dito at nag-access po ng gym.
01:40Batay sa pag-aaral na inilabas ng WHO o World Health Organization, pampito ang Pilipinas sa buong mundo na may
01:46pinakamaraming kabataang least active o kaunti lang ang physical activity.
01:50Apat sa sampung kabataang Pinoy nga na edad 11 hanggang 17 ang nagsabing wala sila ni isang active day sa
01:56isang linggo.
01:57Masasabing active day kung merong hindi bababa sa 60 minutong moderate to vigorous physical activity kada araw.
02:04Ayon sa WHO, ang hamon ay hindi lang ang pag-ikayat sa kabataan na kumilos kundi lumikha ng environment na
02:11maging bahagi ng pang-araw-araw ang pagiging aktibo.
02:14Kaya si Dana na taga-pasig dumayo pa sa Quezon Memorial Circle para samahan ang mga anak na maglaro at
02:21mag-skateboard.
02:22Kailangan sumama yung parent kasi if hindi kasama ang parent, I think hindi maiintindihan ng bata yung pinupush natin na
02:32physical activities.
02:35Ako po ay personally invite my friend sometimes.
02:38Pati na-try kong isama lagi yung mga pamangkin ko pag lalabas ako para pag nakikita kasi nila parang gusto
02:45din na itry.
02:45Libre ang skatepark sa Circle. Katabi nito ang pampublikong tennis court at ang bagong bukas lang noong biyernes na pickleball
02:54court na libre lang din kahit pa hindi taga Quezon City.
02:58Kaya nga si Chester na taga San Jose del Monte, Bulacan dumayo pa sa QC para lang mag-pickleball ng
03:03libre.
03:04Doon kasi sa mga private na nasa 400, kada per hour. Kaya yung iba, hindi discouraged kasi medyo pricey. At
03:15least dito matatry nila ng libre, walang bayad.
03:18Para makalaro rito, kailangan mag-email sa qmc at quezoncity.gov.ph at hintayin na makakuha ng slot. Isang oras
03:25kada slot lang ang binibigay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
03:29Kung pupunta na po kayo dito, kailangan nyo magdala ng sarili ninyong paddle, bola, and ng lagayan ng tubig, water
03:36tumbler kasi bawal po ang plastic bottle dito sa Quezon Memorial Circle.
03:40Ang rasyonale bakit po ginawan ng pickleball dito, unang-una, para sa active lifestyle ng mga QCitizen natin.
03:50Para yung health nila, yung fitness nila ay ma-improve at ma-encourage sila na magkaroon ng active lifestyle.
03:58Wala pong kontraktor to. City engineer po ang gumawa nito, kaya mas mababa po yung cost nito.
04:05Bukod sa binuksang dalawang pickleball courts, magtatayo pa ng limang pickleball courts sa loob ng circle sa susunod na taon
04:13na nasa ibabaw ng ginagawa ngayong MRT 7.
04:15Itong unang balita, Jonathan Andal, GMA News.