00:00Inilatag ng Malacanang ang mga target na maisa katuparan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Canada
00:07ngayong Julio.
00:08Alamin ang detalye sa reporting, Kenneth Preciente.
00:14Kasunod ng imbitasyon ni Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney,
00:18opisyal na bibisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vancouver, Canada mula July 1 hanggang 4.
00:24Magkakaroon ng bilateral meeting ang Pangulo at Prime Minister para itulak
00:28ang pagpapalalim ng ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga halagang sektor.
00:34Inaasahan din na mapag-uusapan ng dalawang leader ang ugnayan nito sa usapin ng depensa,
00:39kasama na ang pagpapalakas ng kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan,
00:43pati na ang pagpapalawak ng kolaborasyon sa enerhiya, maging ang people-to-people ties.
00:48Tatalakayin din nila ang ASEAN chairship ng Pilipinas
00:51at isusulong ang mga prioridad sa rehyon,
00:54lalot ang Canada ay ASEAN Dialogue Partner mula pa noong 1977.
00:59Inaasahan ni Prime Minister Carney na mas mapagtitibay ang relasyon ng Canada at Pilipinas
01:04sa pagbisitang ito ni Pangulong Marcos Jr.
01:07Pangunahan din ng Pangulo ang mga pakikipagpulong sa mga Canadian business leader
01:11at mamumuhunan upang hikayatin na mag-invest sa Pilipinas,
01:14lalo na sa information technology, artificial intelligence, business process management at infrastruktura.
01:21Bibisita rin ang Pangulo kasama si First Lady Lisa Marcos sa Filipino community roon
01:26para kilalanin ang kanilang kontribusyon, hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na sa Canada.
01:32Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments