Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagtuligsa sa katiwalian at political dynasty ang ipinanawagan ng mga grupong nakiisa sa White Ribbon March kahapon sa Quezon City.
00:08May sinagawa rin ganyang aktividad sa Iloilo at Cebu. Sigaw nila, ikulong na ang mga kurakot.
00:15Yan ang unang balita ni Darlene Cai at Jonathan Andal.
00:22Nagsimula ang White Ribbon March sa Misa, sa Edsa Shrine.
00:26Napuno ng kulay puti ang Misa na pinangunahan ng dalawang ubispo at maraming pare.
00:31Ang sermon ni Kitapawan Bishop Colin Bagaforo, umikod sa self-centeredness o pagiging makasarili na dahilan anya ng korupsyon.
00:39Ang taong tunay na nagmamahal ay hindi magnanakaw sa kapwa.
00:49Ang tanong, sino ba talaga ang iniuna mo?
00:56Ang sarili mo o ang Diyos at ang tapwa?
01:00Mahalaga pa rin na nakikita ng mga kinauukulan na meron pa rin tumututol sa mga kawalangyaan nila.
01:09Katahimikan natin, lalong lumalala ang kawalangyaan ng mga walangyang yan.
01:16Lahat ng sangkot!
01:19Lahat ng sangkot!
01:24Matapos ang Misa, umusag na sa Edsa ang mga kasali sa marcha.
01:27Bitbit nila ang mga karatula ng kanilang panawagan at mga maskara ng katiwalian.
01:33Nagmamarcha sila mula doon sa Edsa Shine, papunta ng People Power Monument.
01:37Ang nasasahop nila ngayon, isang linya ng Edsa.
01:39Kaya ang makikita po ninyo, isang linya nalilang nadadaanan, nakabarikada naman po yung mga polis dyan.
01:44Ang sigaw ng mga nagrarally contra corruption.
01:47Yung iba sa kanila, kita nyo, may suot pang mga maskara ng buhaya, ng baboy.
01:52Ang sabi po ng organizer nitong White Ribbon March, sa tansya nila, nasa 3,000 sila ngayon na nagmamarcha dito
01:59sa Edsa.
02:00Bata, matanda, pare, kongresista, estudyante, doktor, pati na mga rider,
02:06sama-sama sa panawagan, sugpuin ang corruption, wakasan ang political dynasty, at magkaroon na ng electoral reform.
02:14Yung aming lugar ay patuloy pa rin binabaha, kaya danas yung hirap dahil sa mga malawakang pangungurakot.
02:21Meron kaming binuon na doctors opposed to corruption. Halisin ang bat sa lahat ng mga gamot.
02:26Lagi ko kasing iniisip yung future ng next generation. This is my way of helping them achieve their dream.
02:35Sama-sama ako kasi gusto kong mapakinggan yung mga hinain nila.
02:39Sabi ni Bishop Bagaforo, ang kanilang programa ay bukas sa lahat ng kulay, kaya nga raw white ang kulay ng
02:44kanilang kampanya.
02:46Inibitahan din daw nila ang iba't ibang linyon.
02:48May signature campaign din para sa People's Initiative na versyon ng anti-political dynasty bill.
02:57Nasa White Plains Avenue sa Quezon City ang entaplado kung saan isinagawa ang programa para sa White Ribbon March.
03:03Ang prayer rally na ito ay inorganisa ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation
03:08na binubuo ng mga Katoliko, Evangelic, Protestante at mga Muslim, kasama ang ilang civil society organizations.
03:16Lumahok siya sa Trillion Peso March noong nakaraang taon at sa pagunita sa EDSA People Power Anniversary noong Pebrero.
03:22Pero hindi a nila sila kontento sa aksyon ng gobyerno para panagutin ang mga sangkot sa maanumalyang infrastructure projects.
03:30Mabagal ang pag-usad at parang dinidribo lamang, nandito na ang ating pakiusap.
03:36Nandito na yung taong bayan.
03:38At ang maganda nito, ang panawagan namin bilang mga Pilipino magkaisa tayo.
03:43Ang White Ribbon, ito ay simbolo ng malinis na konsensya.
03:51Simbolo ng katotohanan.
03:54Simbolo ng ating panunindigan.
03:56Base sa pag-aaral ng Social Watch, may katiwalian pa rin umano sa 2026 national budget dahil sa mga kwestyonabling
04:04items na nakita nila.
04:05Natukoy namin ang humigit kumulang 319 billion na kwestyonabling pwodo sa mga infra projects.
04:17Dahil nabuking ang paggamit sa tinatawag na unprogrammed appropriations.
04:24May wrong mga flood control project na tila pinalitan lamang ang pangalan at ginawang farm-to-market roads.
04:34Nasa rali ang mga dating kongresista mula sa mga progresibong grupo gaya ni Nalisa Masa, Franz Castro, Teddy Casino sa
04:41Turu, Campo.
04:42Nandito rin si nating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
04:46Pero bawal magsalita ang mga politiko at opisyal ng gobyerno sa entablado ayon kay Bishop Efraim Tendero.
04:52Kami po ay naririto naniningil sa mga opisyalis ng pamahalaan anuman ang kanilang posisyon o partido na managot sa kanilang
05:06mga kilos at gamitin ang kapangyarihan para sa kapakanan ng bayan.
05:12Ang isang grupo ng kabataan ito, bumiyahe raw ng walong oras para lang lumahok dito sa White Ribbon March.
05:19Pinili nilang magsuot ng itim sa halip na puti.
05:22Hindi po kami maka-Duterte, hindi po kami maka-BBM. Nandito po kami para po sa mamamayan.
05:27Nandito po kami para iparamdam po sa lahat dito na wala po kaming kinakampihan o wala po kaming iniidolize.
05:34Ito ang unang balita. Darlene Kai.
05:37Jonathan Andal, GMA News.
05:43Darlene Kai.
Comments

Recommended