00:00Naihatid na sa huling ngantungan ang yumaong student-athlet na si Rene Baterbonia kahapon.
00:06Kasabay nito, inaabang na din ang susunod na hakbang ng kanyang pamilya hanggang sa imbessikasyon
00:11ng pagkamatay ng student-athlete.
00:13Ang detali sa report ni Carlo Luis Candelaria.
00:19Inilibing na ang namayapang Ateneo de Manila University basketball player na si Rene Clair Bobet Baterbonia
00:25bago nito ay isang misa ang isinagawa sa gym kung saan nakaburol si Bobet.
00:29Napuno ang gym ng mga taga-suporta, kaanak at pamilya ni Rene na karamihan ay nakasuot ng puting damit na
00:35may mukha nito
00:36at may katagang Just a Kid with a Big Dream na naging tanyag na linya ni Rene sa isang interview
00:41ng PTV Agusan.
00:43Dumalo sa funeral mass ang mga teammate ni Rene at buong team ng Ateneo de Davao University.
00:48Dumalo rin si Sen. Robin Padilla kasama ang kapatid niyang si Bibi Gandanghari
00:52at ang tumatayong legal counsel ng pamilya na si Atty. Israelito Torion.
00:56Nang matapos ang misa, nagbigay ng maikling mensahe ang ina ni Rene na si Rubelline
01:01kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng mga tumulong at nakiramay sa kanila.
01:05Humingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi niya naharap at nakausap ng personal sa burol ni Rene.
01:10Nang isinagawa na ang blessing ay hindi na napigilan ni Ginang Rubelline
01:13ang kanyang emosyon na napayakap pa sa ataol ng kanyang anak.
01:17Matapos ang picture taking ay inilabas na ang labi ni Rene at isinakay sa karo
01:21at umusad na ang convoy papuntang Talacogon Memorial Park.
01:24Habang bumibiyahe ang convoy, isang lalaki naman ang nakasunod sa karo na may dalang watawat ng Pilipinas.
01:30Sa gilid ng kalsada ay nakaabang din ang maraming residente upang makita ang pagdaan ng convoy.
01:35Sumama hanggang sa sementeryo ang mga tao mula sa gym na dumagdag sa mga nauna pang nag-aabang
01:40para masaksihan ang libing.
01:42At tila halos di matapos-tapos ang mga pagkilala kay Rene
01:44dahil sa mismong seremonya ng libing ay inihabol pa ng DepEd
01:48ang isang sertipikong kumikilala sa kagalingan nito sa nakaraang palarong pambansa
01:52at nagbigay rin ang sertipiko ng pagkilala ang Agusan del Sur Governor's Cup
01:56kung saan dating naglaro si Rene.
01:58At sa huling pagkakataon na masilayan ng anak,
02:01dito na bumuhos ang matinding emosyon ng naulilang pamilya
02:04lalong-lalo na si Ginang Rubelline na hinimatay na rin.
02:07Matapos na maihimlay si Rene, ay unti-unting nagsiuwian na ang mga tao
02:10pero nagpaiwan pa ang kanyang mga pamilya at kaanak at mga malalapit sa kanya.
02:15At ngayong nailibing na si Rene,
02:17inaabangan natin ang magiging hakbang ng pamilya
02:19laban sa pamunuan ng Ateneo de Manila University.
02:23Mula sa ulat ni Alexis Cabardo ng PTV Agusan del Sur,
02:26Carlo Luis Candelaria para sa Bayan.
Comments