00:00Counts ng murder ang ilan lamang sa mga asuntong isasampa.
00:04Labang po sa 15 taong gulang na namaril sa kanilang paaralan.
00:08Pananagutin din ang 14 taong gulang niyang kasama,
00:11pero hindi po bilang kriminal,
00:13kundi sa paumagitan ng intervention na iniutos ng batas.
00:17Wala rin dito sa Tacloban City.
00:19Nakatutok live, si Rafi Tila.
00:25Rafi.
00:26Emil, sa kabilangan ng pagiging minor de edad ay patong na patong na kasong kriminal
00:31ang isinampan ng PNP laban sa 15 taong gulang na suspect sa pamamaril dito
00:35sa San Jose National High School noong lunes.
00:37Pero dahil minor de edad niya ay mananatili sa DSWD ang kustodya sa kanya
00:41matapos ma-inquest kagabi kasama ang 14 taong gulang niyang kapwa-akusado.
00:50Three counts of murder, three counts of frustrated murder
00:53at multiple counts of serious physical injury
00:55ang mga kasong isinampan ng Tacloban PNP
00:57laban kay Alias Rod,
00:59ang isa sa dalawang shooter sa San Jose National High School.
01:02Siya ang 15 taong gulang na suspect na gumamit ng kalibre 38 na baril.
01:06Paliwanag ng PNP na satisfy ang pamantayan para sabihin
01:10may discernment o alam ng suspect ang kanyang ginagawa
01:13bagamat wala pa siya sa hustong gulang.
01:15The very reason why yung 15 years old is nakakasuhan
01:19because it was established that he acted with discernment
01:24at nagaroon po ng certification yung CSWDO po natin.
01:30May tool sila in measuring the level of discernment ng mga involved po.
01:36Ang kasama niyang shooter na 14 taong gulang pa lang,
01:39gustuhin man daw nilang kasuhan ng kaparehong asunto,
01:42hindi na pwede ayon sa batas.
01:44Pagtitiyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian
01:47na dumalaw dito sa Tacloban,
01:49mayigpit ang pagubantay ng kanilang mga kawani sa dalawang minor na edad na suspect
01:52na nasa kanilang kustudiya.
01:54We will stay in one of our shelters na a facility,
01:58actually it's not even a shelter,
01:59it's a facility na talagang nakatoon para sa mga children in conflict with the law.
02:03Pakaisipin ang mga nanonood na halo-halo kasama ng mga na-biktima,
02:06yung mga na-abuso na mga bata, iba yan.
02:09Ayon sa DSWD, bukod sa tulong pinansyal sa mga namatayan
02:12at nasugatan sa karumaldumal na krimen,
02:15tututukan ng ahensya ang mental health ng lahat
02:17na naapektuhan ng krimen,
02:18mula sa mga estudyante, kawani ng eskwelahan at mga magulang.
02:22Matagal itong paghihilom na ito,
02:23kaya nga kami kasama namin yung mga policy experts natin,
02:27yung mga eksperto sa larangan na ito,
02:28para hindi aalis ang mga social workers namin
02:31sa mga apektado hanggang sa makaheal at makamove on.
02:35Si Teacher Evita, aminadong matindi pa rin ang trauma,
02:37lalo pa't estudyante niya ngayon ang dalawa sa tatlong na matay
02:40at maging ang labing-apat na taong gulang ng suspect sa krimen.
02:44Dahil dito, hindi pa rin niya kayang pumasok sa kanilang silid-aralan
02:47kung saan nakunan sa video ang mga pangyayari.
02:50Papalapit na dun sa room, nakakaramdam ako ng parang nagnanambi yung buong katawang ko.
02:57Nung papalapit na ako, hindi ko na kinaya,
03:00nag-breakdown, tapos nag-faint na ako.
03:04Bukas, sasailalim siya sa Psychological First Aid kasama ang iba pang guro.
03:09Nagsalita na rin sa kamera ang principal ang San Jose National High School.
03:12Matatanda ang hinimatay siya nang dumalaw dito kahapon si Deputy Secretary Sani Angara
03:16dahil sa pagod at trauma bunsod ng pangyayari.
03:19Labis ang pagpuri niya sa mga guro ng eskwelahan
03:22dahil sa maagap nilang pag-aksyon para protektahan ang mga estudyante.
03:25Kung hindi sila nag-lock, talagang mas marami pa yun.
03:32Para po sa estudyante, kakayanin.
03:34Pinupuri rin ng mga guru at kapwa estudyante ang kabayan niya ni RJ.
03:38Apat na beses siyang naglabas-pasok sa campus sa kasagsagan ng putukan para iligtas ang kanya mga kaklase.
03:43May kinukuha ko ng may mga sugat sa dibdib.
03:46Pinasakay namin sa motor.
03:49Pagkasakay sa motor, ano ginawa mo?
03:51Bumalik pa ulit.
03:52Tapos, sinong pangalawa mo?
03:53Opo.
03:54Pangalawa, yung tatlo, babae na.
03:57Mga babae na, kinuha ko dun.
03:59Tapos pinunta ko sa labas.
04:00Tapos yung last, hindi siya na nakakapaglakad.
04:03Binitbit ko na lang palabas.
04:05Kaklase niya ang dalawang namatay sa insidente
04:07at ang labing apat na taong gulang na suspect.
04:10Sa isang punto, nagkatinginan daw sila ng kaklaseng suspect
04:13habang iniligtas niya ang isang kaklase.
04:17Nagkatinginan kami sa mata.
04:18So ano nagkatinginan kayo sa mata?
04:19Anong sunod mo, ginawa mo?
04:21Wala, yun na yun.
04:22Kinuha ko yung lalaki na tamahan sa dibdin.
04:24Gusto pa raw sana niyang bumalik sa panglimang pagkakataon.
04:26Pero pinasakay na siya sa ambulansya
04:28matapos makitang punong-puno ng dugo ang kanyang suot na t-shirt.
04:31Hindi raw niya itinuturing ang sarili bilang bayani.
04:34Parang hindi naman.
04:37Kasi ginawa ko lang yung dapat kong gawin.
04:40Isang makeshift memorial naman ang itinayo ng mga opisya ng eskwelahan
04:42sa isang covered area ng campus
04:44kung saan pwede mag-ali ng bulaklak at panalangin
04:47para sa tatlong nasawi sa insidente.
04:49Kanina, pinayagan ni rin ang mga estudyanteng pumasok
04:52sa kanilang mga silid-aralan
04:53para kunin ang kanilang mga naiwang gamit.
05:00Kanina, Emil, narito din sa eskwelahan
05:02ng mga kawanin ng City Prosecutor's Office
05:03para kausapin yung ilang nakasaksi sa pamamaril nitong lunes
05:07bilang bahagi ng kanilang sinasagawang investigasyon.
05:11Ilang estudyante rin ang nagtungro rito at lumapit
05:13sa mga opisyal ng eskwelahan
05:15para iparating yung kanilang kagustuhang sumailalim
05:17sa mas malalim na psychosocial intervention
05:20dahil sa matinding trauma ng kanilang naranasan.
05:22Ilan sa kanila dito sa Simpleng Memorial Setup nagtungo
05:25para mag-alay ng panalangin
05:27dun sa tatlong estudyante
05:29yung nagbuis ng buhay sa karahasang ito.
05:31Yan ang latest mula pa rin dito sa San Jose National High School.
05:34Emil?
05:38Maraming salamat, Rafi Tima.
Comments