00:00Bukas naman po ililibing ang nasa wing Ateneo basketball player na si Rene Baterboña.
00:05Hanggang ngayong araw pwedeng bumisita sa kanyang burol.
00:08At live mula sa Talacogon, Agusan del Sur, may unang balita.
00:12James Paulo Yap ng GMA Regional TV.
00:15James.
00:18Yes, Ivan. Inaasahan nga na dadagsa ang mga taga-suporta ng student-athlete na si Rene Baterboña
00:25para sa huling araw ng kanyang burol dito sa Talacogon, Agusan del Sur.
00:31Maaga pa lang ay marami na mga tao sa labas ng Talacogon Evacuation Center
00:35kung saan nakaburol ang labi ng student-athlete na si Rene Baterboña
00:40o mas kilala bilang bobet sa kanyang mga kaanak at malalapit na kaibigan.
00:45Ang ilan sa nag-abang sa labas ay dumayo pa galing sa iba't ibang lugar sa Bindanao.
00:49Gusto daw nilang masilayan man lang sa huling pagkakataon ang hinirang na Mr. MVP ng Mindanao.
00:56Mula noong June 16, bukas ito para sa public viewing dito sa Talacogon bago siya ilibing bukas.
01:03At Ivan, bilang paghahanda sa dagsa ng mga tao, sinisuguro naman ng polisya
01:08na nasa ayos na ang security measures sa palibot ng gymnasium
01:12kung saan nga ginaganap ang burol ni Rene Baterboña.
01:16Ivan?
01:16Maraming salamat, James Paolo Yap ng GMA Regional TV.