00:00Pag-aaralan ng mga opisyal ng gobyerno ang pagpakansela ng passport at paghiling ng Interpol Red Notice
00:07para mapauwi si Batangas First District Representative Leandro Leviste
00:11kagay sa kanyang kasong paglabag sa Public Service Act.
00:15Sabi naman ang abogado ng kongresista, harassment,
00:19ang pagkakaso at paglabas ng arrest warrant laban kay Leviste.
00:25May unang balita si Darling Kai.
00:30May unitong taon, kinasuhan ang paglabag sa Public Service Act si Batangas First District Representative Leandro Leviste.
00:36Kaugnay ito ng hindi umanupagtupad ng solar para sa bayan corporation sa mga dapat nagawa nila
00:42sa ilalim ng 25 taong prangkisang ibinigay sa kanila noong 2019.
00:47Chairman, President at CEO nito si Leviste.
00:50Limang buwan matapos sampahan ang kaso si Leviste,
00:53naglabas ng arrest warrant ang Makati RTC Branch 235.
00:56So we are given a copy of the warrant.
00:59So of course, we're from the law enforcement.
01:01We are entitled to warrant PNP and the FBI.
01:04Sabi ng tagapagsalita ni Leviste, inasahan na raw nila ito.
01:07Wala namang crime na nakumita dun sa solar ng bayan na franchise.
01:12Kusta dito sinasabi na the crime committed is violation of the Public Service Act.
01:17In the first place, hindi public utility ang solar ng bayan franchise.
01:21Wala araw na labag na batas dahil hindi naman daw talaga na ipatupad ang prangkisa ng solar company
01:26dahil sa mga hindi naibigay ng DOE.
01:29Hindi kasalanan ng franchise kung bakit hindi niya na-implement
01:32because the DOE did not issue rules and regulations
01:35and identify the places.
01:37Pangharas lang siya at sasagutin namin yan sa korte.
01:39Sa isang Facebook post,
01:41nagbasalamat si Leviste sa mga sumusuporta sa kanya
01:44at sinabing maliit na bagay ito kumpara sa ibang nangyayari.
01:48Pwedeng magpiansa si Leviste ng 72,000 pesos.
01:52Sabi ng tagapagsalita ng kongresista,
01:54hindi nila napag-usapan kung uuwi siya para magpiansa.
01:58August 2 pa umalis sa bansa si Leviste
02:00kasama ang kanyang inang si Senadora Loren Legarda
02:02na sumasa ilalim sa medical treatment.
02:04Pinag-aaralan ng NBI ang posibleng pagpapakan sila sa passport ni Leviste.
02:08The last report was in France at Germany
02:11but of course we have to coordinate with the Bureau of Immigration
02:15and also siyempre DFA and the House of Representatives.
02:20Magpapatulong din sa International Police o Interpol
02:22ang Department of the Interior and Local Government.
02:25So apply na namin sa PT Transnational Crimes
02:31para makuha na red notice.
02:33Umuwi na sila, pays the charges, pays the accusations.
02:35Sabi ni Justice Secretary Frederic Vida,
02:38kailangan daw personal na magpakita sa korte
02:40si Congressman Leandro Leviste para makapagbiansa.
02:43Hindi niya raw ito maaaring gawin sa isang embahada
02:45na nasa labas ng bansa
02:46o kaya ay sa pamamagitan lamang ng kanyang abogado.
02:50Kaya nananawagan si Vida kay Leviste
02:52na sundin ang utos ng korte.
02:54Respect the jurisdiction of the courts.
02:56Kasi pag hindi tayo sumunod sa utos ng korte,
03:00ang binabastos natin yung sistema.
03:02Hinikayat naman ang malakanyang si Leviste
03:04na harapin ang kaso.
03:05Kung meron naman pong sapat na ebidensya,
03:08si Congressman Leviste,
03:11maaaring niya naman po itong labanan
03:13at ipagtanggol ang kanyang sarili.
03:15Dito niya mapapatunayan na
03:17isa siyang magiting na leader
03:21kapag hinalap na ito mismo.
03:23Dalawang kapo akusado naman ni Leviste
03:25na opisyal din ang solar para sa bayan
03:27ang nagpiyansa.
03:28Pansamantala silang pinalaya
03:29at itinakda na ang kanilang arraignment.
03:31Ito ang unang balita.
03:33Darlene Kai, GMA News.