00:00Mga kapuso, isa ng typhoon ang Bagyong Francisco.
00:03Tinatawid na po niyan ang Philippine Sea.
00:06Namataan niyan ng pag-asa 650 km silangan ng Tuguegarao, Cagayan, kaninang alas 8 ng umaga.
00:12Taglay po nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 km per hour.
00:17Bahagyang bumagal ang bagyo mula sa 30 ay naging 15 km per hour na lamang ang bilis nito,
00:22habang kumikilos pa west-northwest.
00:25Ngayong umaga, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes
00:30at sa northeastern portion ng Cagayan, kasama ang eastern portion ng Babuyan Islands.
00:35Tumutok po dito sa balitang hali para sa 11 a.m. bulitin ang pag-asa.
00:40Base sa latest forecast track, mapapanatili ng bagyo ang lakas nito bilang typhoon
00:45habang tinutumbok ang extreme northern Luzon.
00:50Pagdating po ng Merkoles, posibleng magbago ito ng direksyon.
00:54Lilihis ang bagyo palabas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes.
00:58Sa ngayon, nahahatak ng bagyo ang hanging habagat na nagpapaulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.
01:05Mas makaaasa sa maayos na panahon dito sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng Luzon,
01:10pero posibleng pa rin ang mga local thunderstorms, lalo na sa bandang hapon o gabi.
Comments