00:00Update po tayo sa mga binahang area sa Hagonoy, Bulacan.
00:04May ulat on the spot si Maris Omali. Maris?
00:11Connie, pabogso-bogso ang buhos ng ulan dito sa Hagonoy, Bulacan.
00:16Pero sandali lang ito bubuhos at maya-maya ay aaraw na muli.
00:19Gaya sa mga sandaling ito na umaraw na,
00:23pero kung makikita ninyo, talagang hindi po humupa-hupa
00:27ang baha dito sa kanilang lugar.
00:29Kani-kanina lamang may dumaan nga rito at sinigaw niya,
00:32talagang kawawang-kawawa na raw ang Hagonoy.
00:35Kaya mga residente rito walang magawa, kundi talagang lumusong na sa baha.
00:39Gaya ng mga nakikita ninyo, kaya nilalagay na sa Planggana,
00:43kanya-kanyang diskarte na sila.
00:45Gaya ng mga inabutan namin dito sa Barangay San Agustin
00:48na kanya-kanyang bit-bit nga ng pinamalengke.
00:50Dito rin kasi sa bayan lang makakabili ng mga paninda
00:55at ng kanilang makakain, kaya kailangan nilang suungin ang baha.
00:58Ang iba nilalagay sa Salbabida ang pinamili para mas madali raw mabibit-bit.
01:03Sinanay naman sa Palanggana inilagay ang binibentang gulay.
01:07Ang inang nakita rin namin, inilagay ang anak sa pinagbaklasan ng refrigerator
01:11para madala sa paruroonan.
01:13Habang ang iba sa bangka sumasakay o di kaya sa mga upgraded na tricycle
01:17o kung tawagin ay tikling.
01:20Ayon sa Bulacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
01:24o yung Hagonoy MDRRMO, sa 26 na barangay dito sa Hagonoy,
01:30walo pa rin ang lubog sa baha, kabila ang kinururoonan kong Barangay San Agustin.
01:35Dito lubog din po yung simbahan dito sa aking gilid,
01:38pati na rin po itong Barangay Hall dito sa aking kabilang gilid.
01:41Na hanggang hita, pero sa bandang looban pa raw, hanggang dibdib o di kaya ay lagpas tao pa.
01:49Sa grandstand, may 32 families o 131 na individuals na lumikas.
01:53Sa buong Hagonoy Bulacan naman po, nasa 994 individuals o 334 families
01:58ang inilikas sa labing siyam na evacuation centers.
02:01Sa Mary the Queen subdivision sa Barangay San Sebastian naman,
02:04inabandon na na ang ilang mga bahay.
02:06Sa 380 na bahay roon, 30% na lang po ang may nakatira pa dahil sa hirap daw nadala ng
02:14baha.
02:15Ang masaklap, limang bahay pa raw doon ang ninakawan pa.
02:18Samantala, Connie, nakikiusap ang mga residente rito sa Bulacan, lalo na po dito sa Hagonoy,
02:24sa national government, na bigyan daw sana ng pansin yung kanilang problema.
02:30Pero higit sa pansin, sana raw ay bigyan din ng malinaw at efektibong solusyon ang kanilang problema.
02:36Connie?
02:36Marami salamat, Marise Omali.
Comments