00:00Ministry of Social Services and Development o MSSD at mga kinatawa ng Internally Displaced Persons.
00:07Sa nangyaring Marawi Siege, nagsagawa ng diyanogo.
00:11Ito'y para mapaiting ang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
00:15Si Trisha Aragon sa Sentro ng Balita.
00:20Siyang na taon matapos ang Marawi Siege,
00:23patuloy pa rin hinaharap ng libu-libong Internally Displaced Person o IDPs
00:28ang mga hamon sa kanilang pagbangon.
00:30Upang mapalakas ang pagtugon sa kanilang pangangailangan,
00:33nagsagawa ng diyalogo ang Ministry of Social Services and Development o MSSD BAR
00:38kasama ang mga pinuno ng mga komunidad ng IDPs sa Marawi City.
00:43Ayon sa MSSD, magkakaroon ng joint monitoring at assessment sa kasalukuyang sitwasyon
00:49upang mas matukoy ang mga dapat tugunan na issue at mga pangangailangan.
00:54Binigyan diin din ng MSSD na ang mga programa ng pahamalaan
00:58ay nakabatay sa mga karapatan ng mamamayan.
01:01Ang basehan po natin ay kung ano ang karapatan na binibigay natin sa mga tao.
01:06Karapatang mamuhay ng desente,
01:08karapatang magkaroon ng edupasyon,
01:11karapatang magkaroon ng kalusugan,
01:13karapatan na magkaroon ng mga basic social services na binibigay ng ating gobyerno.
01:18Ayon kay Atty. Estrella,
01:20hiniling ng mga kinatawa ng IDPs ang mas pangmatagalan
01:23at napapanahong mga programa
01:25at hindi lamang ayuda kundi mga solusyon na magbibigay ng marangal na pamumuhay.
01:31Dagdag pa niya na iintindihan din ng mga IDPs
01:34ang limitadong budget ng pahamalaan
01:37kaya't hinihiling nilang maingat na maplano
01:39ang mga programang tutugon sa kanilang suliranin.
01:43Hindi nila sinasabi na bigyan nila lang kami ng bigyan ng tulo.
01:46So ang sinasabi nila ay kung ano man ang programa o servisyo na ibibigay,
01:50dapat matalino talaga ang pagpaplano
01:53para ma-address na po talaga kung ano yung mga long-term issues, problems and concerns nila.
01:59Patuloy naman nangangako ang MSST
02:02na makikipagtulungan ito sa mga kaugnay na ahensya
02:06para sa mas makatao, inklusibo at pangmatagalang mga programa
02:10para sa mga pamilyang apektado ng Marawi Siege.
02:14Mula dito sa PTV Cotabato Regional Center,
02:18Trisha Aragon para sa Bayan.
Comments