00:00Sa pag-unita sa kaarawan ng ating pambansang bayani,
00:03silipin natin ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa kanyang buhay
00:06na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino hanggang ngayon.
00:10Panuorin po natin ito.
00:17Ngayong ikalabingsyam ng Hunyo,
00:19ating ginugunita ang ikaisandaan at animaputlimang kapanganakan
00:24ng isang bayaning humubog sa kamalayan nating mga Pilipino.
00:28Ngunit bago siya maging pambansang bayani.
00:32Sino nga ba si Dr. Jose Rizal?
00:34Taong 1861, ikalabingsyam ng Hunyo,
00:38ipinanganak si Jose Protasio Rizal Mercado I. Alonso Rialonda sa Calamba, Laguna.
00:45Siya ay pangpito sa labing isang anak ni na Francisco Mercado at Teodora Alonso.
00:51Bata pa lamang ay nakitaan na ng kahusayan si Rizal
00:55dahil natutuhan niya ang alpabeto sa edad na tatlong taong gulang.
01:00Nag-aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila kung saan nakamit niya ang mataas na karangalan
01:06at nagpatuloy sa Universidad ng Santo Tomas bago siya nagtungo sa Europa
01:11upang ipagpatuloy ang mas mataas na pag-aaral sa medisina.
01:15Si Rizal ay hindi lamang isang manunulat kundi isang ilustradong nagmulat sa sambayan ng Pilipino
01:23sa pamamagitan ng kanyang akda gaya ng Noli Metangere at ng El Filibusterismo.
01:30Sa pamamagitan ng tinta at papel, inilahad niya ang mga sakit ng lipunan
01:35noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
01:39Sa edad na tatlumput lima, tuluyang pinatahimik si Rizal sa bagong bayan na kilala ngayon bilang Luneta.
01:48Dito ay sinagawa ang pagbitay sa kanya sa pamamagitan ng firing squad noong ikatatlumpunan Disyembre taong 1896.
01:58Sa paggunitan ng kanyang kaarawan, ating alalahanin hindi lamang ang kanyang buhay
02:04kundi ang kanyang mga sakripisyo sa ating bansa.
02:07Isang paalala na ang tunay na kabayanihan ay may kaakibat na tapanga
02:13na harapin ang kamatayan para sa bayan.
Comments