00:00Samantala, Baguio City LGU pinag-aaralan ang mga hakbang para matugunan ang epekto ng taas presyo ng langis, presyo ng
00:08basic commodities kabilang sa mga binabantayan.
00:12Si Bridgette Marcasi Pangosfian ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:19Upang makatipid si Manong Julio ng gasolina, tinatsaga niyang antayin na matapos ang klase ng kanyang mga apo bago umuwi.
00:27Kung noon ay aabot lamang sa 500 piso ang kanyang budget para sa gasolina, ngayon ay posible umanong umabot ito
00:35sa 1,000 piso kasunod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa merkado.
00:40Sa turo buwarno ko, importante. Services ko yung lakas. Ibatas yung sublihan ko. Misal taakatura yun may DVD.
00:51Ang taxi driver naman na si Manong Wilson, nag-aalala na baka posibleng tumaas pa ang presyo ng petrolyo.
00:59Aniya, mapipilitan silang hilingin sa LTFRB na magtaas ng pamasahe sa sandaling umabot sa isang daan ang bawat litro ng
01:08krudo o gasolina.
01:23Kaugnay niya na nakatakdang magipagpulong si Mayor Benjamin Magalong sa Local Price Monitoring Council upang mapag-aralan ang mga hakbang
01:31na gagawin ng lokal na pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng langis.
01:36Sa pamamagitan nito, inaasahan ng alkalde na hindi agaran ang pagtaas ng presyo lalo na sa basic commodities ng lungsod.
01:44Ayon sa alkalde, maaaring maharap sa kaso at mawalan ng business permit ang mga mananamantala sa presyo ng langis lalo
01:52na sa hoarders na negosyante.
01:54Local government, papag-usapan ba namin if we have funds to subsidize yung funds, lalo-lalo na yung mga gasolina
02:02ng public transport.
02:03Sa subukan nila magtaas, puhuliin namin kaagad sila.
02:07Alinsunod pa rin sa pahayag ng Pangulo, nagpatupad ang Baguio LGU ng Hybrid Work Arrangement.
02:13Mahigpit ring ipinagbawal ang foreign trips sa mga kawanin ng pamahalaan at ipinagutos ang pagsasagawa na lamang ng online meetings.
02:23Nagpapatuloy din ang energy conservation efforts ng lungsod.
02:26Ayon sa alkalde, bawat tanggapan sa City Hall ay may submitter para sa mas madaling monitoring ng energy consumption.
02:35Samantala, ilang LGU at ahensya ng pamahalaan na rin sa Cordillera ang nagpatupad ng 4-day work week gaya ng
02:43Apayaw LGU, Benguet LGU, Mountain Province LGU, DILG Cordillera, PIA at iba pa.
02:51Bridgette Marcasi Pangosvian para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments