00:00Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutulungan hanggang sa makabangon ang mga biktima ng magnitude 7.8 na
00:07lindol sa Mindanao.
00:09Yan ang detalye sa report ni Clayzel Pardilla.
00:14Tumagilid na gusali, nasirang mga daan, gumuhong mga lupa, at ang tubig dagat, umurong matapos ang malakas na pagyanig.
00:24Ito ang tumambad sa aerial inspeksyon na ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa probinsya ng Sarangani at General
00:32Santos City.
00:33Personal ding pinuntahan ng Pangulo at inalam ang estado ng mga biktima sa mga evacuation center.
00:40Nagtungo rin siya sa mga eskwelahan, ospital, tulay at iba pang lugar na lubhang naapektuhan ng lindol.
00:47Tiniyak ng Presidente ang patuloy na pagbibigay ng libreng pagkain, malinis na tubig at mga gamot sa mga biktima ng
00:55kalamidad.
00:56Kung ano pa yung nakita ninyo na pangangailangan, kung kaya natin ang dalin, dadalin namin.
01:02Yung mga isolated na lugar, pipilitin natin makapunta.
01:06Yung mga ibang barangay na talagang walang madaanan, magpapalipad na lang muna tayo ng helicopter.
01:12Yung iba, kung pwede, kung kaya sa dagat, gagawin din namin yun. But whatever it takes.
01:20Si MMR Pantorilla na nagiba ng lindol ang bahay at hindi pa makabalik sa kanyang hanap buhay.
01:27Todo pa salamat sa natanggap na tulong mula sa pamahalaan.
01:31Nung pumunta kami dito, marami silang mga servisyo na in-offer.
01:35Minsan may mga food packs, may morning, may lunch, may dinner.
01:41Tapos minsan may activities sila doon sa mga bata.
01:45Nagpapasalamat din po ako, ma'am, sa servisyo yung binibigay ng ating Pangulong BBM po.
01:50Kasi nga, pinuprovide lahat.
01:52Namahagi rin ang labintatlong ambulansya si Pangulong Marcos sa mga lalawigan na naapektuhan ng lindol.
01:58Target itong mapabilis ang pagresponde sa mga nangangailangan ng servisyong medikal.
02:04Nakatanggap din sila ng labinsyan na satellite internet connection upang magkaroon ng efektibong linya ng komunikasyon.
02:12Meron din manggaling sa office of the president na we have put aside 278 million for the local governments who
02:23have been hit hard by the earthquake.
02:28Maglalabas din ng 50 milyong piso mula sa local government support fund para sa pagpapasayos ng mga gusali ng gobyerno
02:37at hospital sa Alabel at Glans, Sarangani.
02:39We're still recovering mga missing. Then of course, we have to attend to the repair of the hospitals para maibalik
02:48natin yung pasyente, makapasok sila sa loob.
02:51And then of course, DPWH, we have to do the assessment.
02:55Sinimula na ng DSWD ang paghatid ng Assistance for Individuals in Crisis Situation.
03:02Uumpisahan na rin ang rollout ng emergency cash transfer.
03:06Nagkakahalaga ito ng 5 hanggang 25,000 piso tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad.
03:13Mag-aabot naman ng 30,000 piso ayuda ang bisud na magagamit sa pagkukumpuni ng kanilang mga nasirang bahay.
03:20Iba-ibang pamilya, iba-ibang pangangailangan. So kaya tayo nag-provide na ng cash for that, for the rehabilitation and
03:28as a cash assistance.
03:31Magpapadala rin ang 500 Modular Shelter Unit ang pamahalaan para magkaroon ng pansamantala at disenteng matitirahan ang mga biktima ng
03:41lindol sa Mindanao.
03:42Kalaizal Pardilia para sa Bayan
Comments