00:00Bilang tulong sa mga naapektuhan ng lindol, magbibigay ang Cebu Provincial Government ng 10 milyong piso na tulong pinansyal para
00:08sa LGU ng General Santos City.
00:10Ang detali sa report ni Jessie Atienza.
00:15Agad nagpadala ng liham si Cebu Governor Pamela Baricuatro sa Provincial Board Members ng Lalawigan ng Cebu.
00:22Ito'y para maipasa ang resolusyon na magbibigay pahintulot sa Cebu Provincial Government sa pagbigay ng 10 milyong pisong calamity
00:29assistance sa LGU ng General Santos City.
00:32Agad na mga inaprubahan ng mga miyembro ng Cebu Provincial Board ang nasabing resolusyon.
00:37Nag-abiso naman ang Cebu Provincial Government sa mga personel nito sa PDRRMO na maghanda sa posibilidad ng kanilang deployment
00:46papunta sa timog na bahagi ng Mindanao
00:48kung saan maaari silang makatulong sa augmentation.
00:52Samantala patuloy naman ang pamamahagi ng Cebu Provincial Government ng Calamity Assistance
00:57para sa mga kababayang na biktima rin ng 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa norteng bahagi ng Cebu
01:04noong September 2025.
01:06Nagdulot ito ng malawakang pinsala sa mga estruktura at kumitil ng maraming buhay.
01:11Bawat binipisyaryo ay nakatanggap ng tig-sampung libong piso mula sa Provincial Government at tig-sampung kilong digas.
01:19Kabilang sa mga nakatanggap na ng tulong pinansyal si Ricardo de la Serna na kamakailan lang nagkaroon ng stroke.
01:27Aniya, malaking tulong ang calamity assistance sa pagpapaayos ng kanilang bahay.
01:46Paliwanag ng gobernador, bahagyang naantala ang pamamahagi ng tulong pinansyal
01:50dahil sa kinailangan pang dumaan sa proseso at maapurbahan ng Provincial Board ang pondong ginamit.
02:05Mula sa PTV Cebu, Jesse Atienza para sa Bayan.
Comments