Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:25Asunto
00:30At sa Albuera Leyte, isang kotse ang pinagbabaril.
00:33Patay ang dalawa sa mga sakay nito at sugatan ang tatlong iba pa.
00:37Agad tumakas ang mga salarin.
00:39Patuloy na iniimbisigahan kung sino ang mga namaril at kung ano ang motibo.
00:48Mismong nanay isinadla kumano ang 6 na anak na minordedad
00:52sa pagawa ng video ng kalaswaan sa kaibibenta online.
00:56Ako sa sasyon nito sa isang babaeng inaresto ng NBI matapos itibre ng mga otoridad sa Amerika.
01:02Periport si John Consulta, Exclusive.
01:08Sa bahay na ito sa Kaloocan, nakatira ang 6 na minordedad na sinagip ng NBI Human Trafficking Division.
01:15Mula edad dalawa, lima, pito, sampu, labing dalawa at labing apat.
01:20Nasa loob din ang kanilang ina na kinumpronta ng NBI.
01:24Dahil nga nagbibenta kayo ng mga video na may ginagamit ko yung mga bata sa kalaswaan, ma'am.
01:31Wala pong ganyan, ma'am. Wala pong ganyan.
01:34Sigurado, ma'am? Wala pong ganyan, ma'am.
01:36Papakita ko, ma'am. Saan po?
01:39Uyahan na po din po, ma'am.
01:40Ma'am, nasa inyong kam...
01:41Asa yung cellphone mo?
01:41Cellphone niya, ma'am.
01:43Pagbukas ng mga otoridad sa cellphone ng ina, tumambad ang malalaswang video ng kanyang mga anak.
01:48Kahit tototanggi ang ina, agad siyang inaresto ng NBI sa visa ng cyberwarat.
01:53May karabatang kang manahimik.
01:55Ano mang sabihin mo ay maaaring gamitin sa iyo sa anong mga hukuman.
02:00Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa tip ng U.S. Department of Homeland Security.
02:06Nakuha kasi sa isang pedophile na naaresto sa Amerika ang ilang masaselang video na galing Pilipinas.
02:13Itong mga customer niya, na-meet niya ito sa isang dating app.
02:16So kapag naging regular customer niya na ito, lilipat na siya ng platform.
02:22At ang gusto, live na binabroadcast nito sa foreigner na ito.
02:26Traumatic ito dun sa bata at nakapagtaka na yung pagiging nanay nito,
02:32parang tinalikuran mo na proteksyonan mo yung mga anak ng minor na edad para lamang ipagpalit sa pera.
02:39Wala pang pahayag ang inarestong ina, naanap sa reklamong paglabag sa RA 11930
02:45na nagbabawal sa online sexual abuse and exploitation of children at child sexual abuse or exploitation materials.
02:52Pinakamabigat na parusa rito ang habang buhay na kulong at multang hanggang 2 milyong piso.
02:58Kung may di bababa sa tatlong tao o sindikatong sangkot sa krimen,
03:02bukod sa kulong habang buhay, magmumulta rin ang sentensyado ng 5 hanggang 20 milyong piso.
03:09Nai-turnover na sa DSWD ang mga sinagip na minority edad.
03:13John Consulta, GMA News.
03:17May special session sa Merkules ang naka-adjourn ngayong kongreso.
03:21Ipinatawag yan ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:25Parang mapabilis ang aksyon sa mga panukalang batas
03:29na magpapakibay sa social protection,
03:31magpapalawak ng akses sa edukasyon at healthcare,
03:35at magpapatuloy ang suporta sa mga kababayan nating mas nangangailangan.
03:41Nais din ang Pangulo na mapabilis ang pagbalakas ng anti-political dynasty law.
03:48Bukod sa pag-aproba sa mga nakabingbing batas,
03:52posible rin ang paglukluk ng bagong Senate President na maaari lang mangyari tuwing nakasesyon.
03:57Na unang iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang Senate President.
04:02Pero ang tinaguriang new majority, sinabing pinabakante na nila ang pwesto.
04:08Kinikayit ni Sen. Wynn Gatchalian ang mga kapwa-senador na dumalo sa special session.
04:13Umukan naman ang atensyon ng pahayag ni Sen. Joel Villanueva na dadalo siya rito.
04:18Inantabayanan kung lilipad siya ng paksyon.
04:20Ayon naman sa mga kabayan block ng kamera,
04:24alam ng lahat na ang special session ay tungkol sa pagpapalit ng liderato ng Senado.
04:29Kaya dapat daw bantayang maigin ang publiko ang mga magaganap sa Mierkulis.
04:35Naglaan ng 278 million pesos na tulong ang Office of the President para sa mga nilindol.
04:41Kanina, kinumusta niya ang mga pasyente sa labas ng napinsalang Sarangani Provincial Hospital.
04:47Tinangunahan din niya ang turnover ng dalawang patient transport vehicles mula sa PCSO.
04:53At bumisita sa nasirang Malapata National High School.
04:57Sa General Santos City, nagdaos ang situation briefing kung saan in-update ang Pangulo ng mga opisyal ng bawat LGU
05:04sa mga nilindol na lugar.
05:06Kung kinakailangan, gagamit daw ng helicopter o idaraan sa dagat ang mga tulong para mahatid sa mga isolated na lugar.
05:14Samantala, itinigil na ang search and retrieval operations sa Tiboli, South Cotabato.
05:21Ayon sa PDRMO, lubhang delikado na ang pag-ukay dahil sa paglambot ng lupa at banta ng panibagong pagbuho.
05:31Ipinagmamalaking anak ng Talacogon, Agusan del Sur, si René Baterbonia.
05:36Pero ngayon, balungkot na sasalubungin ang bayan si Bobet para ipagluksa.
05:41Sa gitna naman ang sigaw ng hostisya sa pagkalunod ni Naba Terbonia at kapwa-Ateneo basketball player na si Divine
05:47Adili,
05:48nag-resign ang head coach at manager ng kuponan.
05:51May report si JP Soriano.
06:02Isang huling pagpupugal para sa batang sports hero.
06:06Maraming nag-abang sa funeral convoy kaninang umaga para iuwi sa kanyang hometown sa Talacogon, Agusan del Sur, si René
06:14Baterbonia.
06:17Bukas alauna ng hapon, bubuksan sa publiko ang burol ni René sa Talacogon Evacuation Center and Gymnasium.
06:24Para sa mga kaanak ni René, malungkot at mabigat sa damdamin ang makapiling siyang muli na wala ng buhay.
06:32Ang pingbubit, pre-always, andito lang kami para sa'yo, sa mga pangarap mo.
06:44Mamimiss ka namin, hindi ka man lang nakapunta sa bahay, sa pag-alis mo.
06:54Kasi matagal ka pang makauwi, yun pala. Uuwi nga pero wala na.
06:59Sa basket muli, ako ang manager, coach. Alam ko saan papuntang abilidad niya. Alam ko talaga na talaga sisikat yun.
07:08Kaya nanghinayang talaga ako, sayang talaga.
07:12Mahaba-haba pa sana ang karera ni Nabaterbonia at Divine Adili sa Ateneo Blue Eagles kung hindi sila nalunod sa
07:19training sa Dipakulaw Aurora noong June 8.
07:21Sa investigasyon sa kanilang pagkamatay, sinisilip kung homicide o hazing ang kanilang kaso.
07:27Kaninong utak talaga.
07:28Right now, all directions pinpoints doon sa head coach. And we're not totally exonerating. The investigation is ongoing.
07:39I'm sorry.
07:39Si Coach Tab Baldwin, na nauna ng nag-sorry, isa sa mga pinaharap ng PNPC IDG ngayong araw, hindi siya
07:47sumipon.
07:48Head ng Ateneo Athletics Department at mga abugado ang humara.
07:51Kabilang sa Inusisa, bakit ang team building sa beach na ayon sa LGU ay hindi pala pinaliliguan?
07:58At bakit lumayo ang training mula sa tapat ng resort?
08:01Ayon sa CIDG, muling ipapatawag ang mga opisyal ng Ateneo Basketball Team na hindi sumipon.
08:08Kung di pa rin magpakita, sasampahan sila ng indirect contempt o obstruction of justice.
08:14Ipasusupin na rin ng CIDG ang opisyal ng Smart Communications Foundation na nagpapatakbo umano sa Ateneo Basketball Team.
08:21Ang nila sa smart nakarehistro ang sinakyan ni Coach Tab papuntang Aurora.
08:26Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng Smart Communications.
08:30Si Ateneo de Manila University President Father Bobby Ya, inanunsyong nag-resign na si Baldwin at team manager na si
08:38Epo Kimpo.
08:39Emosyonal din siyang humingi ng tawad sa mga naulila ni Nabatar Bonia at Adili.
09:07Nag-sorry rin siya kung bakit matagal silang nanahimik at hindi agad humarap sa publiko ang mga sangko.
09:14The persons who can shed light on the events of June 8 are also now subject of investigations.
09:21They have their constitutional rights as well and we intend on respecting those rights.
09:28Bumuuna raw ang Ateneo Board of Trustees ng fact-finding body para magsagawa ng independent investigation.
09:34We don't want to compromise the findings of that. Even we, the whole university, will be answerable to that fact
09:42-finding group.
09:42J.P. Soriano, GMA News.
09:50Ang buzzword sa panahon ngayon, AI, Artificial Intelligence.
09:55Malaking tulang daw ito para mapadali, mapaganda at may sa gawa ang ilang trabaho at mga personal na likha.
10:02Pero mapaparitan nga ba nito ang sining mula sa angking talino ng tao?
10:06Ang salobi ng ilang artist sa paglipanan ng mga gawang AI alamin sa unang bahagi ng aming special report, Artificial
10:14Obra.
10:19Sa panahon ng Artificial Intelligence o AI, lahat pwedeng maging instant.
10:23Kapag gusto ng imahe o litrato, hindi na kailangang gumuhi.
10:27At masasabi mo ba alin ang likha ng artist at alin ang AI?
10:31I think ako AI siya.
10:33Noong una kong tigit, as art student, hindi siya AI.
10:37AI po.
10:41Yung brush strokes niya kasi, parang...
10:44Human-made.
10:45I think it's human-made.
10:47Alos wala na rin pagkakaiba.
10:49Kayang-kaya na kasi gawin ng AI lahat eh.
10:51Pwedeng AI.
10:55Pero ang imahe, hindi likha ng AI, kundi obra ng full-time live portrait artist na si Albert Racqueno.
11:04Gamit ang highlighter at paintbrush, bigyan mo lang siya ng 2 hanggang 3 minuto, maguguhit na niya ang portrait mo.
11:11Bilang artist, naninindigan pa rin naman ako na hindi siya mapapalitan.
11:16Ang AI kasi, efficient ito, mabilis ito, may results agad, output-based.
11:21Pero dito sa live portraits na ginagawa ko, gusto kong mapahalagahan natin yung proseso, yung interaction, yung human connection,
11:28para mas madagdagan ng value yung output natin o yung ibibigay ko sa kanila.
11:31At kahit may mga bagay na kayang gawin ng AI, para kay Albert, hindi pa rin dapat talikuran ang sinik
11:37talikhang kamay.
11:38Naniniwala naman ako na mananalig pa rin yung humanity or yung value nito.
11:44Hahanap-hanapin pa rin natin yung sense of being human ng isang work.
11:49Yung dina-drawing ka mismo ni Albert sa kung paano kanya nakikita,
11:55yung even yung conversation na sineshare nyo habang ongoing yung process,
12:00hindi mo yun makukuha sa AI eh.
12:03Yung scening naramdaman siya, na experience siya.
12:10Para sa comic creator na si AJ Bakar, may mga bagay pa rin hindi kayang gawin ng AI.
12:15Yung humor ng Pinoy kasi, hindi siya kayo ng AI eh.
12:18Kahit mag-search ka sa GPT or Germini, mag-hink ka dyan ng mga humor na story,
12:23magbibigay yan pero parang it's not as funny kapag tao talaga yung nag-isip.
12:27Kung sa AI, prompt lang ang kailangan sa paglika si AJ,
12:31apat hanggang walong oras ang ginugugol sa bawat comic page.
12:35Magsisimula ka sa conceptualization.
12:38Kapag na-conceptualize mo na, so storyboard mo na, ipapensil mo na.
12:41After mo yung pencil, papabasa mo muna sa peer.
12:45Funny ba?
12:46Pagpumasa, saka ilalign art.
12:49Ika-color, final details.
12:52Pagkatapos nun, papatsyak ko ulit, okay ba?
12:56Bago siya ma-upload, then I engage siya sa comment section.
13:02Karamihan sa AI-generated images,
13:04nabubuo sa pamamagitan ng pag-aaral sa malawak na database ng mga larawan sa internet.
13:09Kabilang na iyong likha ng mga artist,
13:11kaya issue sa kanila ang copyright.
13:13Ayon sa isang AI expert, may mga batas na para maprotektahan at matiyak
13:18ang pagkilala sa mga tunay na gumawa nito.
13:20Sa ngayon, hindi itinuturin na creator ang AI, kundi kasangkapan lamang.
13:25Right now, we are in a transition period where it doesn't look great.
13:31But the question becomes, in the future,
13:34can AI be one of the tools that is used to create art?
13:37AI does not, on its own, have agency or artistic vision.
13:42So, kailangan pa rin ng tao na mag-prompt ng AI para gumawa.
13:46So, minsan nga yung joke na lang,
13:47o pagalingan na lang ba ng prompt?
13:49But we shall see, depende sa output.
13:54Para sa mga artist, gaya ni Albert at AJ,
13:58I believe na people will still go and commission real artists
14:02for the reason of the art style.
14:06Through yung storytelling power ng isang artist,
14:09entry yung soul na kaya ipasok ng isang tao sa isang obra o likha.
14:15Sana in the future, matutunan din natin mas mapahalagahan
14:18at mas masuportahan yung mga totoong artists.
14:21Sana meron pa rin appreciation
14:23at tunay na suporta sa mga kapwa nating alagad ng sinig.
14:37Animang nasawi sa banggaan ng dalawang helikopter sa Brazil.
14:40Kita sa surveillance video kung paanong pila ba itong nahulog
14:44ang helikopter mula sa himpapawit.
14:46Umulusok ito sa parking ng isang electric car dealership
14:49sa Rio de Janeiro.
14:51Nagdulot ito ng sunog dahil sa mga baterya
14:54ng mga binagsakang electric car.
14:56Patay ang anim na sakay ng mga helikopter.
14:59Iniimbisigahan pa ang disgrasya.
Comments

Recommended