00:00Samantala, it's a wrap and another successful tour para sa Korean girl group na A-Pink.
00:05Para sa ibang detalye, narito ang Showbiz Report ni MJ Pereña.
00:20Ramdam na ramdam ang excitement ng Philo Panda sa buong UP Theater
00:24para sa kauna-unahang solo concert ng South Korean girl group na A-Pink.
00:30Dito ay pinerform ng grupo ang ilan sa kanilang hits at fan-favorite tracks tulad ng No No No,
00:38Boobie Boo,
00:43at Mr. Choo.
00:51From cute outfits, fun choreos, at powerful vocals,
00:55talaga namang pinatunayan ng A-Pink kung bakit isa sila sa mga pinaka-iconic K-pop girl groups sa industriya.
01:03Nagkaroon rin ang members ng special stages at parody performances.
01:08Isa na rito ang pagtransform nila bilang isang boy group na tinatawag na A-Green
01:12na naging isang comedic scene para sa kanilang fans.
01:16Hindi naman nagpahuli ang Philo Pandas dahil naghanda rin sila ng surpresa para sa grupo,
01:22tulad ng cake para sa celebration ng 15th anniversary ng A-Pink.
01:26Sa kanilang endingment, sinabi ng girl group na hindi nila malilimutan ng energy at passion ng Filipino fans
01:33at talagang nag-enjoy sila sa kanilang huling stop para sa concert tour.
01:38Matatandaang nag-debut ang A-Pink noong 2011
01:41at nag-release ng kanilang 11th mini-album titled Real Love nito lamang January 2026.
01:47MJ Pereña para sa Talkbiz.
Comments