00:00Taliwas sa iginigiit ni Senate President Alan Peter Cayetano,
00:04hindi kumbinsido si Pangulong Bongbong Marcos na inatake ang Senado.
00:09It was only the statement made by Sen. Alan Cayetano.
00:14So as far as we are concerned, as far as the government is concerned,
00:18Senate was never under attack.
00:21This is also the position of the President.
00:24Of course.
00:25Ayon sa Palacio, dismayado ang Pangulo na naglaho si Sen. Bato de la Rosa pagkatapos ng gulo.
00:32Hindi daw siya dapat hinayaang makaalis sa protective custody ng Senado.
00:36Iniutos din ang Pangulo na hintayin ang desisyon ng Korte Suprema
00:40sa petisyon ni de la Rosa bago siya arestuhin.
00:43Hamon ng Palacio kay de la Rosa, sumuko kung wala naman siyang kasalanan.
00:49Ang NBI volunteer driver namang hinuli dahil nagpapotok umano sa loob ng Senado,
00:55pinalaya na matapos makapagpiansa.
00:57Pero ayon sa PNP, positibo siya sa nitrate particles na karaniwang nasa pulbura.
01:03Kung pagbabasihan naman ang videong nakuha ng GMA News,
01:07makikita ang NBI driver na nakaputing polo
01:09habang naglalakad sa 5th floor ng GSIS building sa kasagsaganang putukan.
01:15Kita raw na jacket at radyo lang ang kanyang dala at walang hawak na baril.
Comments