Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:28PAYUTER
00:45Ang pangarap sanang makapagtrabaho sa Japan ng mga mag-aaral na ito sa isang Japanese Learning Center sa Mandawi City.
00:53Naging bangungot. Sinalakay ng Department of Migrant Workers ang Learning Center dahil sangkot umano sa illegal recruitment.
01:02Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Kakdak, nangangako ang Learning Center na magbibigay ng trabaho kapag natapos ng mga biktima
01:10ang mandatory training program bago umano sila i-refer sa isang partner agency.
01:17Hanggang sandaang libong piso umano ang hinihingi processing fee ng Learning Center.
01:24Installment man sir?
01:27More than 10K.
01:29You are all victims. You are all innocent as far as we are concerned so do not worry.
01:35However, we need to stop this illegal practice of the training center.
01:41Nangako ang DMW na tutulungan ng mga biktima. Babawiin daw ng Mandawi City LGU ang permit ng Learning Center.
01:50Maharap sa asunto ang may-ari at manager ng Learning Center.
01:54Sa Cebu City naman, ipinasara ng DMW ang isang visa consultancy agency na anilay walang lisensya para mag-recruit at
02:03mag-deploy abroad ng mga manggagawang Pinoy.
02:05Nag-aalok umano ang agency ng mga trabaho sa Amerika, Finland at Dubai na may malalaki umanong sweldo.
02:13Hanggang 300,000 piso ang processing fee na hinihingi nito sa mga kliyente.
02:18Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang katiwala ng consultancy service.
02:23Katrinason, GMA News.
02:26Nagwala at pilit na nanlaban ng isang Amerikanong inaresto sa Angeles, Pampanga.
02:41Toto tanggi at nakipagtalo pa sa mga polis ang dayuhan.
02:45Kinasuhan ang sospek ng Child Abuse at paglaba sa Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.
02:51Nadiscovery rin sa kanyang cellphone ang mga malalaswang litrato at video ng mga estudyante at mga senior citizen na nabiktima
02:58umano niya.
02:59Nakikipag-ugnay na ang polisya sa Bureau of Immigration para alamin ang kanyang estado sa Pilipinas.
03:05Tumanggi yung magbigay ng pahayag ang sospek.
03:09May pag-iingat ngayon sa Canada sa gitna ng ulat noon ng labing-pitong nasangkot sa modus na baggage tag
03:16switching o mga bagahing nagpapalit at nabibistong may droga.
03:21Ganyan daw ang nangyari sa isang Canadian citizen na noong isang taon ay nahuli sa Pilipinas pero pinalaya.
03:27Kung paano yan may iwasan na alamin sa report ni Bona Quino.
03:36Todo tanggi ang babaeng pasaherong ito na isa sa dalawang galing Canada na sa ulat ng GMA News noong July
03:422025 ay inaresto dahil sa milyong-milyong pisong umano'y syabong nakita sa mga maletang nakapangalan sa kanila.
03:50Nung lumabas sa conveyor belt may tag yung luggage. E yung tag na nakita ito was under her name. So
03:58the presumption is pangka-ari mo yan. Pero she denied that that was her luggage.
04:04Nadetain ng halos isang buwan ang babae at naharap sa reklamo pero dinismiss ng DOJ ang asunto.
04:10Based on the appreciation of facts by the Department of Justice hindi rin sa kanya.
04:15Kaya nadismiss ko yan.
04:16Pag-uwi ng babae sa Canada, naningil siya ng compensation sa sinakyan niyang airline na dapat daw ay responsable sa
04:24kanyang bagahe base sa ulat ng isang Canadian news program.
04:28Pero tumanggiraw ang kumpanya. Naungkat din sa Canadian report na isa ang babae sa di bababa sa labimpitong nasangkot sa
04:37tinawag nilang baggage tag switching sa nakalipas na taon.
04:40We already coordinated with our foreign counterparts. Binigyan naman natin yung information na ganito yung nangyari para maabisuan din ho
04:48sila and they could also make their own investigation.
04:52Payo ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines. Mainam na malitratuhan ang bagahe habang sinicheck in.
04:59Sabi mo, una this is my bag. Ito yung klase ng bag ko. Bakit ito black sa akin blue?
05:07So you have reasons na sabi mo, hindi akin yan. Because you have an evidence.
05:12Ganyan ang diskarte ng ilang nakausap naming pasahero bilang pag-iingat.
05:17Pinituran lang po. Tapos sinend po sa messenger ko at sa mga family ko po.
05:22Pipituran namin yung maleta namin. Para halimbawa mangyari sa amin na magkapalit, meron kaming pangahawakan.
05:30After your luggage leaves your hands and goes on the belt, you really have no control over it then. So
05:39basically, hope for the best.
05:41Payo rin ang CAAP. Kung kaya, maglagay ng tracking device sa bag na nakalink sa smartphone app para malocate ito.
05:49Ingatan din ang boarding pass na may bag identification tag.
05:52Dapat dala-dala mo ito kahit na naka-uwi ka na. Dahil you're protected. Dahil meron yung barcode. Matetrace yan.
05:59Ilang kilo ba yung bagahe mo?
06:01And beside may camera eh. You can prove na hindi akin yan.
06:05Sabi ng Bureau of Customs, sa mga nakalipas na buwan, wala silang natanggap na kaso ng baggage tag switching.
06:13Nakikipagugnayan daw sila sa mga otoridad parang matiyak ang kaligtasan at siguridad ng mga pasahero.
06:19Von Aquino, GMA News.
06:21Stumbling block ngayon sa Senado kung alin ng lehitimo sa grupo ni na Sen. Wynne Gatchalian at Alan Cayetano.
06:28Si Sen. Erwin Tulfo ng Gatchalian Block nagbantang ipapahuli ang mga magdaraos ng anyay peking hearing matapos ang Blue Ribbon
06:36Committee hearing ng Cayetano Block.
06:39May report si Sandra Aguinaldo.
06:41The Blue Ribbon Committee hearing is now called to order.
06:44Nang ituloy kahapon ang Blue Ribbon Committee ng grupo ni na Sen. Alan Peter Cayetano ang pagdinig
06:51sa flood control projects.
06:52Walang staff.
06:53Wala yan tayong mga staff namin sa Blue Ribbon Committee.
06:56Walang Senate Secretariat.
06:59Si Cayetano ang nagpanumpa sa mga resource person na labing walong dating tauhan umano ni dating Congressman Zaldico.
07:07Do you swear or affirm to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth in these proceedings?
07:17Wala rin nag-record sa kabuuan ng committee hearing.
07:20Nang matapos ang pagdinig, sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na may kasunod pa ito.
07:26Marami po tayong kukunin.
07:27Binanggit po ninyong mga adresses na kung saan dinala yung mga pera.
07:31May patatabag po tayong mga tao para ikonpin po na talagang na-delivery yun yung mga sasakyan na ginamit.
07:37Spend the hearing until pardon notice.
07:40Pero ang pagdinig, walang saisay ayon kay Sen. Erwin Tulfo, ang itililagang Blue Ribbon Committee Chairman sa ilalim ng grupo
07:49ni Sen. Sherwin Gachalian.
07:51Hindi na po papayag na mag-hearing-hearingan kayo dyan.
07:54At I will have you arrested. I promise.
07:57Kahit na senador ka, kahit na sinasabi mong matanda ka na ilang taong ka na sa Senado, try me.
08:05Magpahiring ka ng Blue Ribbon ulit. Magpahiring ka.
08:07I don't care kung dati kang Sen. President, dati kang Speaker of the House, I don't give up.
08:15Talagang papahuli kita.
08:17Kung hindi papahuli, kung ayaw na ko sa bibit-bitin kita, kukwilyuhang kita, palalayasin kita dyan sa floor na yan.
08:24Because I am the legitimate Blue Ribbon Chairman.
08:28Para sa Presidente na Integrated Bar of the Philippines,
08:32ang kawalan ng Sen. Secretary at stenographer, indikasyon ng irregularidad ng pagdinig.
08:38Kasi nga, walang authority. Kung baga, yung proceeding, it is as it. Did that happen or did that take place.
08:44Mahalaga pa naman ang records ng committee hearings dahil layo ng mga pagdinig na makatulong sa pagbabalangkas ng batas o
08:52in aid of legislation.
08:55Sa lunes ang hearing ng Blue Ribbon Committee ni Tulfo.
08:59Imbitado rin dito ang mga dumalo sa pagdinig ng grupo ni Cayetano.
09:03We are inviting them. Pag hindi po sila sumunod, papaliwanagin po namin sila and then mag-i-issue po kami
09:11ng site them for contempt.
09:14And then tonsis po, yung aming usaha, yung aming mga pulis, pwede po namin i-order na hulihin po sila,
09:21dalhin sila dito sa Senado.
09:24Hininga namin ang reaksyon si Attorney Levy Baligod, ang abogado ng labing balo pero wala pa siyang tugon.
09:32Ang kawalang katiyakan kung aling grupo sa Senado ang masusunod, idinilog na ng isang guro sa Korte Suprema.
09:39Inaas ko lang po yung Supreme Court kung balit ba yung quorum o hindi.
09:42Kasi nagkakagulo eh. Pati yung mga tao sa social media, pati iba't ibang mga legal expert, nagkakagulo sila.
09:49So at least nasa Supreme Court naman yung final say.
09:52Habang wala pang nakikita ng solusyon sa girihan sa liderato ng Senado,
09:56lumulutan ngayon ang pagkakaroon ng special session ng Kongreso para matapos ang ilang priority measures,
10:03pati na rin ang nabimbing trabaho ng Commission on Appointments.
10:07I'm willing to talk to anyone, including the 11, to find common ground.
10:11But ilalabang ko yung tama, pati yung Senate Presidency.
10:15We're not going to give up.
10:17I plan to extend my hand to all the Senators, whether majority, minority, but of course in this case, the
10:24new minority.
10:26Sandra Aguinaldo, GMA News.
10:29Kabi-kabilang pagbaha, bunsod ng walang tigil na ulan, ang na merwisyo sa Visayas at Mindanao.
10:35Sa Cebu City, abot bewang ang baha sa bahagi ng Haku Salem Street.
10:40Matagal namang humupa ang baha sa bahagi ng Osmenia Boulevard dahil sa baradong drainage.
10:45Ligtas namang nakatawid sa rumaragasang ilog ang isang tricycle sa General Santos City.
10:51Landslide ang nagpahirap sa mga motorista sa Kalamansig, Sultan Kudarat.
10:58Ayon sa pag-asa, habagat at localized thunderstorms ang nagudulot ng mga pagulan sa malaking bahagi ng bansa.
11:07Mga kapuso, asahan ng maulang weekend.
11:10Nasa Philippine Area of Responsibility pa ang Bagyong Esther.
11:13Sa 11 p.m. bulletin ng pag-asa, nakataas ang signal number 1 sa northern portion ng Batanes.
11:20Puling namataan ang bagyo, 300 kilometers hilaga ng Itbayat.
11:24Taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour, bugsong aabot sa 55 kilometers per hour, at galaw na
11:3115 kilometers per hour pahilagang silangan.
11:34Bukod sa bagyo, nagpapaulad pa rin ang habagat sa northern at central Luzon.
11:39Base sa datos ng Metro Weather, posibleng ulanin bukas ang buong Luzon, ilang lugar sa western Visayas at sa Mindanao.
11:46Asahan naman ang katamtaman hanggang malakas sa buos ng ulan sa linggo sa buong Luzon, lalo sa tanghali hanggang hapot.
11:54Patas din ang syansa ng pulupulong pagulan sa Visayas at Mindanao.
11:59Sa Metro Manila, asahan bukas na mag-uumpisa ang ulan sa tanghali na posibleng tumagal hanggang hapot.
12:06Posibleng namang tumagal hanggang gabi ang mga pagulan sa linggo.
12:10Pinag-aaralan ng Japan ang iba pang mga hakbang para mapadali ang visa application para sa mga Pinoy.
12:16Sabi ni Japanese Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya,
12:20malayo na ang narating ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
12:23At mahalagang bahagi nito ang people-to-people exchanges.
12:27Pula June 2024, ay niluwagan na ng Japan ang kondisyon para sa multiple entry visa ng mga Pilipinong merong substantial
12:35level of income.
12:36Mula naman October 2024, ay visa-exempt na ang mga Pinoy na may hawak ng diplomatic passport.
12:43Dahil sa pagdami ng visa application, nagbukos na rin ang Embahada ng Japan Visa Application Center
12:49at e-visa system para naman sa mga sasali sa package tours ng ilang travel agency.
12:55Sa tanong kung pwede na visa free entry para sa mga Pinoy,
12:59sinabi ni Endo na kailangan itong dumaan sa kanilang maingat na pag-aaral.
13:03Kabilang daw sa mga kondisiderasyon ay ang epekto nito sa lipunan at ekonomiya,
13:09public safety and security ng Japan.
13:13Actually, this issue is one of the most frequently asked questions against me.
13:21Our embassy has been making steady efforts to improve and streamline the application processes.
13:31We will continue to explore what better further measures may be possible going forward.
13:40As for the specific benchmark, that is not something I'm able to elaborate on
13:46as it touches upon the internal criteria of our screening process.
13:53Bago ngayong gabi ang magkahiwalay na aktividad sa Albay.
13:57Magalas 10 ngayong gabi yung manig ang magnitude 5.3 na lindol
14:00na ang epicenter ay sa dagat sa bayan ng Santo Domingo.
14:04Ayon sa FIVOX, tectonic ang pinagmula ng lindol at asahan ang mga aftershock.
14:10Ngayong gabi rin, nagbuka ng lava at uson o pyroclastic density currents
14:14ang Bulcang Mayon, simula pasado alasais kanina.
14:18Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulcang Mayon.
14:21Walang kaugnayan ng naitalang lindol sa pagbuga ng uson ng Mayon.
Comments

Recommended