Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, June 13, 2026:


- Mga magulang ni Divine Adili, 'di tanggap ang sorry ni Coach Tab Baldwin


- Rider patay sa pagsalpok ng motorsiklo sa concrete barrier sa Pasig


- Paraan ng pagbunot sa mga puno sa Roxas Blvd., pinuna ng isang netizen


- First Couple, dumalo sa misa para sa Our Lady of Guadalupe


- Bulkang Kanlaon, 2 beses nagbuga ng abo


- Paghingi ng tawad ni Coach Tab Baldwin, 'di tinanggap ng ina ni Rene Baterbonia


- Umano'y taga-NAPOLCOM na nagbanta at bumunot ng baril sa road rage, huli


- Alagang aso, tila umaalma nang patayan ng aircon


- 2nd arbitration case vs. China, pinag-aaralan—maritime expert


- Great white shark, nanorpresa ng mga diver sa Mediterranean Sea


- 55 arestado sa sinalakay na sabungan sa Parañaque


- Fashion+Film, ibinida ng Kapuso at Sparkle stars sa Mega Ball 2026


- Ilang bahagi ng Mindanao na lubog sa dagat, umangat dahil sa 7.8Mw na lindol


- Mga bata, 'di ligtas sa paligid ni Coach Tab Baldwin ayon sa kanyang misis


- Libo-libong users ng Meta apps, apektado ng malawakang outage



24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:08.
00:09.
00:30.
00:30.
00:32.
00:33.
00:33.
00:33.
00:34.
00:34.
00:35.
00:36.
00:36.
00:36.
00:36.
00:37.
00:37.
00:37.
00:37.
00:37.
00:38.
00:39.
00:39.
00:39.
00:39.
00:39.
00:40.
00:40.
00:40.
00:41.
00:41.
00:41.
00:43.
00:43.
00:43.
00:43.
00:43.
00:45.
00:47.
00:47.
00:47.
00:47.
00:48.
00:50.
00:50.
00:50.
00:50.
00:50.
00:50.
00:50.
00:50.
00:52.
00:52.
00:52.
00:53.
00:53.
00:54.
00:54.
00:55.
00:56.
00:57.
00:57.
00:57.
00:57.
00:58.
00:58.
01:00.
01:02.
01:02.
01:02.
01:02.
01:03.
01:03.
01:03.
01:03.
01:03.
01:03.
01:03.
01:04.
01:06.
01:07.
01:07.
01:07.
01:07.
01:08.
01:08.
01:08.
01:08.
01:10.
01:37Binabagabag pa rin daw sila ng mga tanong tungkol sa tunay na nangyari kay Divine.
01:52Para sa kanila, may kapabayaan sa trahedyang sinapit ng anak.
02:21Hindi pa rin daw nila nakakausap si Blue Eagles head coach Tab Baldwin.
02:25Sa social media post kagabi, humingi na ng paumanin si Baldwin sa mga naulila ni Adiri
02:31at nang nalunod ding Blue Eagle rookie na si Rene Baterbonya, apat na araw matapos ang trahedya.
02:36No matter the magnitude of our grief, there were two families that experienced a loss that was so much greater
02:47than ours.
02:47As a coach, I'm entrusted by you, the parents and the families, with first and foremost their well-being.
03:01And in this, I feel I've failed. I've failed as a leader. I felt I had failed as a coach.
03:07I certainly felt like I had failed as a friend to Divine and Rene.
03:14No amount of words. Sorry. What is sorry?
03:17Sorry is not enough because no amount of words that would make Divine to come back to this world again.
03:24No amount of apology. What has happened has happened.
03:28The damage has been done and it has turned my family into a very big problem.
03:34Do you accept this apology?
03:36No. No. That's nothing I can do.
03:39Ngayong araw, may candlelight service para kay Divine sa Immaculate Conception Chapel sa Ateneo.
03:44Hanggang alas 10 ng gabi bukas sa Ateneo community,
03:47ang viewing sa mga labi ng kinilalang Big Man ng Ateneo Blue Eagles.
03:51Naka-display ang jersey, mga litrato at iba pang mga memorabilya niya.
03:57Hinihintay pa ng mga magulang ni Divine ang resulta ng autopsy bago i-proseso ang pag-uwi sa kanya sa
04:02Nigeria.
04:03Let his body come first in a good condition. Let the body come first.
04:09We stand that as our main priority, the body, and in a good state.
04:14Beya Pinlac, nakatutok 24 oras.
04:18Trihead yung sinapit ng dalawang magkaibigan nang sumalpok ang sinasika nila motosiklo sa concrete barrier sa Pasig.
04:25Nasawi ang rider na ayon sa mga rumisponde ay nakainom.
04:29Nakatutok si Gabriel Gonzalez, exclusive.
04:37Kalunos-lunos ang sinapit ng rider na yan, matapos sumalpok sa mga concrete barrier sa kanto ng Ortigas at Miralco
04:44Avenue, Pasig City, bandang alas tres ng madaling araw kanina.
04:48Ganyan na po, yung nakahiga yung driver diya, tapos nandito yung angkas niya.
04:54Nagkabitak-bitak ang dalawang concrete barrier na nasalpok.
04:58Sinubukang i-revive ng mga responder ang rider, pero dahil unresponsive na ang lalaki, isinugod na siya sa ospital.
05:05Namatay rin ang rider.
05:07Ayon sa mga rescuer, lasing ang dalawa nang mangyari ang insidente.
05:12Medyo mabilis na po sila swerving, then from here po, tumamano po sila sa barrier.
05:18Di po nila nakita kasi medyo madilim din po talaga.
05:21Nakaligtas ang kanyang angkas na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
05:25Ayon sa kaibigang angkas ng rider, galing sila sa isang get-together sa Antipolo.
05:31Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.
05:34Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 oras.
05:38Nakuhanan ng isang netizen ang pagbunot sa mga puno sa Rojas Boulevard sa Maynila.
05:43Nag-ignate niyang hindi totoong earthballing at ginawa sa dis oras ng gabi.
05:48Nag-iimbestigahan na rito ang DNR at nakatutok si Bon Aquino.
05:56We're expecting that these trees will be earthballed.
06:00It's not earthballing.
06:01Magbubuhay pa ba yan, ma'am?
06:04Ma'am, magbubuhay pa ba yan?
06:06Yung isa doon nakahiga.
06:08It's not earthballing.
06:11It's questionable that we're doing this at night.
06:15Kinumprunta ng concerned citizen na si Tay Mesario ang navideyohan niyang pagbunot sa mga puno sa Rojas Boulevard, Maynila.
06:22Tinanong niya kung tagasaan ang mga nasa site pero wala raw sumagot.
06:26Well, una sir, it's questionable bakit gabi tayo nagpuputol ng ano?
06:30Hindi na ito earthballing, oh.
06:33That's not earthballing.
06:35Ma'am, tagasaan po tayo, ma'am?
06:37Bakit tayo nagpiface mas bigla?
06:42Tagasaan po tayo, ma'am?
06:44Taga-DNR tayo?
06:46Ay p*** yung taga-DNR kayo.
06:49Napansin din daw niyang may nakatumba ng puno at kaunti na lang ang natitirang ugat at sanga nito.
06:54Dito sa service road sa Rojas Boulevard, nakunan yung viral video kung saan binubunot yung mga puno.
06:59Dito yung isa at dito naman yung isa.
07:04Kung mapapansin natin, medyo fresh pa yung pinagbunutan nung puno dahil medyo ma-moist pa yung lupa.
07:11At kapansin-pansin na may naiwang pang mga malalaking ugat nung puno.
07:16Binatikos ng Grupong Kalikasan People's Network for the Environment ang nangyari.
07:21Parang magnanakaw kung kumilos.
07:23When you look at the video, makikita mo talaga na tinapyas na yung bahagi ng ugat ng puno.
07:30And when you do earthballing, the process is you carefully transfer.
07:34It means including the roots and some soil.
07:37Sa earthballing, ayon sa DNR, nilalagyan ang bubunuting puno ng hormone
07:41para mapangalagaan ng mga ugat nito bago hukayin kasama ang mga ugat at ilang lupa.
07:47Meron ding earthballing equipment na ginagamit para ligtas na mabunot at malipat ang puno.
07:52Gaya nitong ginamit sa isang park sa Puerto Princesa, Palawan.
07:57Iniimbestigahan na ng DNR ang navideohang earthballing sa Rojas Boulevard.
08:01Hindi binanggit kung para saan ito at sino ang kontraktor.
08:04May mga tauhan daw silang ipinadala para mag-inspeksyon.
08:08At kung mapatunayan nilang mali at walang pahintulot ang ginawang earthballing,
08:13gagawa raw ang DNR ng mga nararapat na hakbang.
08:16Von Aquino na Katutok, 24 Oras.
08:20Dinaluhan ni na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos
08:25ang misa at pagsalubo sa pagdating na imahen ng Our Lady of Guadalupe sa bansa.
08:30Ngayong araw dumating sa Manila Cathedral ang imahen at mananatili roon hanggang June 18.
08:35Pagkatapos nadalihin ang imahen sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati
08:40para sa Pilgrimage ngayong taon.
08:42Iikot ang imahen sa buong bansa hanggang Desyembre.
08:51Dalawang beses nagbuga ng abo ang vulkan kandaon ngayong araw.
08:55Ang emisyon kanina pasado alas 7 na umaga, tumagal na mayit isang oras.
08:59Lumikha ito ng ash plume na 600 metro ang taas.
09:03Nagbuga rin ito ng abo kanina mag-aalas 4 na madaling araw.
09:07Wala namang naitalang ash fall.
09:09Nananatili sa Alert Level 2, ang vulkan.
09:13Hindi po tinanggap ng ina ng nalunod na Ateneo Blue Eagles player na si Renema Terbonia
09:18ang paghinginang tawad ng head coach ng kupunan na si Tad Baldwin.
09:22Anya, grief is not accountability.
09:26Hindi Anya kayang tapatan ang sorry ang pagkamatay ng anak.
09:29At mula sa Davao City, nakatutok live si JP Sariani.
09:34JP.
09:37Ivan, mga kapuso, narito pa rin po tayo sa tapat ng Ateneo de Davao Senior High Building
09:42kung saan po pumapasok ang mga dumadalo sa public viewing ni Renema Terbonia.
09:47At gaya nga ng iyong nabanggit, kinumpirma ng abogado naman ni pamilya Terbonia
09:52na ang sinabi ng kanyang ina na hindi nila tinatanggap ang sorry ni coach Tad Baldwin.
10:01I feel I've failed.
10:06And
10:08I'm sorry.
10:13To the depth of my being, I'm sorry.
10:19I'm so deeply sorry.
10:22And I'm so deeply sorry to not just the families but everybody that feels let down, somehow betrayed.
10:33Ilang araw matapos ang pagkalunod sa training ng Ateneo basketball players na sina Renema Terbonia at Divine Adili,
10:40nag-sorry si Ateneo Blue Eagles head coach Tad Baldwin sa kanilang mga pamilya
10:44sa video na inupload ang Ateneo de Manila University.
10:48Sa isang podcast na ipinose kagabi, ipinaliwanag ni coach Tad kung bakit ngayon lang siya nagsalita kaugnay sa insidente.
10:55The university, obviously, when this tragedy happened, the university wanted to handle things from the institutional standpoint.
11:07It was more than a request.
11:09Their determination was that not just me but all of us involved should refrain from any public pronouncements.
11:23Ginawaan niya nila ang video para kahit paano ay makausap ang pamilya ni na Baterbonia at Adili.
11:29But I guess, you know, as the head coach of the team, it's kind of incumbent on me to, you
11:37know, stand before the families and speak to them.
11:42Pero ang paghingi ng tawad ni coach Tad, hindi tinanggap ng ina ni Baterbonia.
11:47Sa isang post, sinabi ni Rovelyn Baterbonia na hindi kayang tapatan ng sorry ang pagkamatay ng anak.
11:53Ang gusto raw niya, maipaliwana kung ano talaga ang nangyari.
11:57Ayon sa mga malalapit sa pamilya Baterbonia, hanggang ngayong araw ay hindi pa rin nakikipag-ugnayan si coach Baldwin sa
12:03mga magulang ni Rene.
12:04Ang sabi kasi ni ma'am, hindi enough yun. Dapat tinakita ko anong nangyari.
12:13Yung response daw ng Ateneo, napakakulang. Napakakulang.
12:18Yung wala ang nag-inform sa kanya, yung coach pa daw na nasa abroad, hapo na, tapos hindi kumpleto.
12:29Parang 10 seconds lang. Very sorry, nalunod si Rene.
12:33Nitong Webes iniulat ng Degaydon ang student publication ng Ateneo,
12:37ang panawagan ng mahigit sandaang faculty members ng Ateneo para sa transparency at accountability sa insidente mula sa pamuloan ng
12:46universidad.
12:47Kabilang sa kinwestiyon nila ay kung nasunod ba ang due process ng naturang aktibidad batay sa university regulations,
12:53kung naipaalam ba ang aktibidad sa mga magulang at guardian ng mga atleta,
12:57at kung may mga inihanda bang safety measures para sa team building.
13:01Sa naunang pahayag ng Ateneo, sinabi nitong inatasan na ang isang fact-finding inquiry para imbestigahan ang nangyari.
13:08Ire-repaso rin daw nila ang mga kumiiral na athletic protocols.
13:12Ang NBI na nag-iimbestiga rin, naibigay na raw ang risuta ng autopsy ni Baterboña sa kanyang pamilya.
13:18Yung autopsy po doon kay Irina, yung isang player po, tapos na po at may kopya na po yung pamilya.
13:24Bago po nag-holiday niya, dumating yung resort owner kasama ng kanilang abogado para magbigay po ng pahayag.
13:29At meron pa po kami mga ipinapatawag.
13:31Hindi pa po tapos, hindi pa po nabubuo yung investigasyon.
13:34Pero marami po kasing kailangang tanungin para makumpleto po yung investigasyon.
13:38Si Vice President Sara Duterte sinabing nakukulangan sa naging tugon ng Ateneo de Manila University.
13:44Pakiramdam ko, kulang na kulang yung response ng Ateneo sa nangyari.
13:52Hindi lang kay Rene, doon din sa isang foreigner na player din ng Ateneo na namatay.
14:02Kagabi, dumalawang bisis sa buro ni Baterboña sa Ateneo de Davao Senior High School.
14:07Pero ayon sa source ng GMN News, hindi pa nagkaroon ng pagkakataong makausap ni VP Sara ang mga magulang ni
14:13Rene.
14:13Hindi humupa ang mga nakiramay sa ikalawang araw ng public viewing ng mga labi na Baterboña sa kanyang alma mater.
14:21Nakadisplay din ang number 35 jerseys sana ni Rene sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.
14:26Ang ibang dumalaw na tagahanga at kaibigan ni Rene, gaya ni Gerald,
14:30ibinahagi sa GMN News ang pa-surprise birthday party para sa kanyang 18th birthday nitong May 18.
14:37Ito na pala ang luling birthday ni Rene.
14:40Galing siya sa dorm niya lang, tapos late na siya na nakaabot.
14:48Masaya po, smiling.
14:51Nakita niya kami, marami, may mga bisita.
14:53Hindi pa rin makapaniwala.
14:54Sayang talaga mabayit na bata.
15:00At balik lang tayo, Ivan, sa nangyaring briefing ni Atty. Torion, ang abogado ng pamilya Baterboña.
15:07Kinumpirma rin niya na natanggap na nila ang autopsy report mula sa NBI
15:10at mayroon ding isinasagawang independent forensic evaluation.
15:14Hiling ng pamilya na magtalaga ang Ateneo ng isang human face o isang tiyak na taong sasagot sa lahat ng
15:19kanilang tanong kaugnay ng nangyari.
15:22Hinihiling din nilang hayaan ang mga teammate ni Rene na malayang makapagsalita sa mga investigador at law enforcement offices.
15:29Gusto rin ng pamilya ng isang buo at kumpletong ulat sa nangyari at walang kundisyong suporta mula sa Ateneo.
15:35At yan muna ang latest mula rito sa Davao City. Balik muna sa'yo, Ivan.
15:40Maraming salamat, JP Soriano.
15:44Bumunot ng baril at nagbanta pa.
15:46Reklamo po ito na isang TNVS driver sa isang nagpakilalang empleyado ng Napolcom na kanyang nakasagian.
15:53Nakatutok si Jomer Apresto.
15:59Mangiyak-ngiyak ang TNVS driver na si Alias Rene habang nasa istasyon ng pulisya sa Mandaluyong City
16:05kaninang madaling araw.
16:06Ayon sa 42-anyos na biktima, binunutan siya ng baril at pinagbantaan pa ng isang lalaki
16:12na nagpakilalang empleyado ng National Police Commission no Napolcom.
16:16Ang ugat, simpleng sagian ng sasakya na nangyari sa northbound lane ng EDSA ADB exit.
16:21Sa kwento niya, lilipat sana siya ng linya pero hindi siya napangbigyan ng sospek.
16:26Ngayon, nung pagbangga po, nakita ko, nagsiselfon po siya.
16:29Nakapang nagdadrive.
16:30Agad naman dumating ang mga tauhan ng MMDA at pinagilid sila sa bahagi ng EDSA na sakop na ng Quezon
16:36City.
16:36Tapos ng pagbaba po ng sasakyan, biglang bumunot po ng baril.
16:41Ang sabi po sa'yo, ***, ito itong bakit ito dyan.
16:43Bakit daw may baril itong sospek?
16:46Eh, sabi niya, tiga na Applecombe daw po.
16:49Sabi ko, hindi naman po gara yung pinuntang mo, sir, nabanggalan po tayo.
16:53Nasyak po ko siya, tapos napatras po ako na natakot po talaga.
16:58Kasi first time ko po itong mangyari po sa'yo.
17:00May baril po talagang dala, positive po talaga.
17:03Napatakbo ang biktima hanggang sa nakahingi siya ng tulong sa mga nakabantay na polis sa lugar.
17:07Kung di mo ako tinutukan, binunutan mo lang ako.
17:10Kapal na muka.
17:11Ano yun ang permit to carry yan? Hindi ako papayag.
17:14May abang, masyado.
17:16Dinala sa Mandaluyong City Police Station ang 59-anyos na sospek.
17:20Nakukuha sa kanyang isang 9mm na baril at isang ID mula sa Napolcombe.
17:24Merong Napolcombe na nakasulat pero yung confirmation na antahin pa namin kung talagang empleyado siya.
17:31Under verification pa rin yung firearm ng ating sospek.
17:37Hinihintay din ang polisya ang resulta ng breathalyzer para malaman kung nakainom ng alakang sospek.
17:42Desidido ang biktima na sampahan ng reklamo ang sospek na tumangging magbigay ng pahayag.
17:47Kinundina ni Napolcombe Commissioner Rafael Vicente Calenisan ang nasangkot na tauhan ng Napolcombe.
17:52Pinayimbestigahan na niya ang insidente.
17:54Tutulong din ani ang Napolcombe sa mga isasagawang investigasyon at isasang pangreklamo ng motoridad.
18:00Humingi rin ang paumanhin si Calenisan sa biktimang TNVS driver.
18:03Iginit niyang hindi katanggap-tanggap ang inasal ng sospek at hindi rin sumasalamid sa values ng Napolcombe.
18:10Jomer Apresto Nakatutok, 24 oras.
18:16Kabilang ba kayo sa mga tumaas ang bill sa kuryente nitong tag-init?
18:20Ako, ang isang fur parent, biglang naghigpit na matanggap ang kanilang bill pero may umaal ba?
18:29Papatay na ang aircon, alas 4. Hindi pwede.
18:34Init daw.
18:35Yan ang fur baby na si Maki na tinahulan ang among si Ella nang sabihin patay na ang aircon para
18:42makatipid.
18:43Esaktong binibidyohan ang kapatid ni Ella si Maki nung mga oras sa iyon at hindi raw nila inakalang tila nagprotesta
18:50ang alaga.
18:51Pero si Maki, sala sa init, sala sa lamig.
18:55Pagkatapos kasi magpalamig sa aircon, ito naman siya tila nagde-defrost sa araw.
19:02Pinag-aaralan po ng gobyerno ang paghahain ng ikalawang arbitration case laban sa China ang isang maritime expert.
19:10Bunsod pa rin ito na agawan sa Bajo de Masinloc na ngayon ay may floating platform ng China na para
19:16raw sa pananaliksik.
19:18Nakatutok si Jonathan Nandaal.
19:24Isang dekada mula ng manalo ang Pilipinas sa arbitration case laban sa China, kaugnay sa Hidwaan sa West Philippine Sea,
19:31posibleng maulit ang paghabla ng Pilipinas.
19:34Ayon kay Dr. J. Batongbacal ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Seas,
19:39sila sa akadim ay nagbibigay ng mga pag-aaral at rekomendasyon sa pamahalaan ng mga hakbang sa pagtugon sa territorial
19:46dispute.
19:46Pinag-aaralan din po ng mga alam ko natin at mga ahensya kung ano pang ibang paraan para pwede silang
19:54madala sa isang tribunal.
19:57If you're going to pursue an international case, you better be sure that you will win, which is what we
20:04did with the first arbitration case.
20:07Sinabi ni Batongbacal matapos mabisto ng Pilipinas na kalahating buwan ng nasa Bajo de Masinloc ang isang floating platform ng
20:14China, kanilang boya at antena.
20:16As of yesterday, the movable floating platform remains to be inside the shoal and its current location, umakyat lang siya
20:27sa northernmost part ng shoal.
20:30The two Chinese research vessels remain to be in the vicinity of Bajo de Masinloc.
20:35119 nautical miles lang ang layo ng bahura sa Zambales, 500 nautical miles naman mula Hainan, China.
20:42Dati pang ginigit ng Chinese embassy na teritoryo nila ang Bajo de Masinloc na tinatawag nilang Huangian Dao.
20:49Sabi ng China, scientific research ang isa sa ginagawa nila roon.
20:52Pero ayon kay Batongbacal, ganyan din ang sabi ng China noon bago nila ginawang artificial islands at batse militar ang
20:59mga bahura sa West Philippine Sea.
21:01Yung nang nangyari sa Mischief Reef, panganriban reef, noong 1992 ay nakita rin nga natin na tinayuan nila ng struktura.
21:10Noong unang sabi nila ay civilian and fisherman shelter lang yun daw.
21:15Pero alam natin na after several decades, ngayon ay yun ang pinakamalaking base militar ng China sa ating West Philippine
21:24Sea.
21:25Within a year, matatakpan nila yung Scarborough Shoal at magiging isla na yun.
21:31Sabi ni Batongbacal, kung maritime research kasi ang ginagawa nila, kailangan ng permit mula sa Pilipinas.
21:37At nasa batas natin na pwedeng kumpis kahin ng Pilipinas ang istruktura roon ng China.
21:42Pero gagawin ba ito ng ating Coast Guard at Navy?
21:44I've made an alternative and I won't respond to that because those are operational details.
21:50Nagbabala ang Philippine Navy sa anilay creeping invasion ng China,
21:54na hindi lang sa karagatan ng Pilipinas kundi pati sa lupa, ekonomiya, politika at pang-ESPIA.
22:00Dahan-dahan, napakasimple na hindi mo mahalata.
22:04Bago tayo umabot sa physical invasion, may mga invasion ang ginawa sa atin through subtle means.
22:11Isa sa mga minomonitor ang impormasyong mabilis ang bentahan ng mga beach property sa Palawan na nakaharap sa West Philippine
22:18Sea.
22:19Noong una, ang concern natin ay yung sa Palawan.
22:22Parang may nahahala tayata tayo na mabilis ang bentahan, lalo sa coastal area dyan sa West Philippine Sea.
22:31Pero kumalat din ito sa mga ibang lugar, dito sa Luzon.
22:36Jonathan Andal, nakatutok 21.
22:43Nasurpresa ang mga divers sa Mediterranean Sea na makita nila sa kanilang pagsisid
22:47ang pinakamalaking predatory fish sa mundo, ang Great White Shark.
22:52Bakit kaya tinuturin nila itong pambihira?
22:55Kuya Kim, ano na?
23:00Sa underwater footage na ito, namataang palanguy-languy sa puso ng Mediterranean Sea
23:05ang grupo ng mga striped pilot fish, kasama ang isang mga predatory predator,
23:10isang Great White Shark.
23:12Ang naturo ang shark sighting, kinamanghan mga eksperto.
23:15Ito kasi marahil ang kauna-unang pagkakataon na may nabityo ang adult Great White Shark sa Mediterranean Sea.
23:21Ang napakapambihirang pagkakataon ito, nakuha na ng mga diver na namumutol noon ng mga abandoned fishing nets
23:27mula sa isang shipwreck sa pagitan ng Sicily at Tunisia.
23:31Ang mga Great White Shark ang pinakamalaking predatory fish sa planeta.
23:35Maari silang humaba ng hanggang 6 na metro.
23:38Sila rin ay warm-blooded.
23:39Ibig sabihin, kaya nilang paratilihin ang kanilang internal body temperature
23:43ditulad ng ibang cold-blooded na mga pating.
23:46Ang mga Great White Shark, makikita sa halos lahat ng katubigan sa ating planeta.
23:50Pero ayon sa isang pag-aaral ng mga U.S. scientists,
23:53napag-alaman na nanganganib ng mawala ang mga pating na ito sa Mediterranean Sea dahil sa illegal fishing.
23:59Lahat ng dagat meron siya, pero may preference kasi sila sa temperature
24:03so hindi sila pwede talaga dun sa malalamig na lugar.
24:07Kung worldwide yung distribution nila, kasama dun yung Mediterranean Sea,
24:12including na dito sa Philippines, isa siya sa confirmed species natin.
24:16Yung concentration ng population kasi ng Great White,
24:21depende dun sa areas kung saan nila ni-utilize yung habitat.
24:26Usually nagko-concentrate ito sa areas kung saan mayroon mga sea lion or seal populations
24:32kasi yun yung kinakain ng adult na Great White.
24:35Laging tandaan, kimportante ang mayalam.
24:38Ito po si Kuya Kim, at sagot ko kayo 24 oran.
24:41Sinalakay ng NBI ang isang sabungan sa Paranaque.
24:45Arestado mahigit limampung inabutang nagsasabong
24:47na kayon sa motoridad ay bawal sa batas tuwing araw ng kalayaan.
24:52Nakatotok si John Consulta, Exclusive.
24:57Nasa kalagitnaan ng pagtalpak ang mga sabongerong ito sa Paranaque City
25:01ng salakay ng mga ahente ng NBI.
25:09Huli sa akto ang mga nasa loob habang nasa gitna ng sabong.
25:17Sinubukan pa ng isang ito na tumakas, pero sa huli ay inaresto pa rin.
25:22Ayon sa NBI Special Task Group,
25:24mayigpit na pinibabawal ng batas ang sabong kada June 12 araw ng kalayaan.
25:29Na nakalagay pa doon mismo sa kanilang advertisement na 80 quality fights
25:33at nag-iimbita ng mga sasali at mga mamumusta doon sa pasabong.
25:38Meron pong Presidential Decree No. 449
25:41kung saan itinalaga yung mga araw kung kailan bawal po yung sabong.
25:45It is a brace and disregard of law.
25:47Limampot limang tao ang arestado na inabutan sa loob ng sabongan.
25:51Kumpiskado rin ang kanilang mga equipment na ginamit sa sabong.
25:54Yung mga nahuli po natin dito, yung general manager,
25:57yung mga nag-ooperate, mga cashier, at mga ilan po na mananaya.
26:01Ito ay mensahe natin sa ating mga kababayan na huwag tayong lumabag sa anumang batas
26:06at sapagkat kung anumang pong paglabag ay aming pong tutugusin.
26:09Wala pang pahayag ang mga inaresto na naarap sa patong-patong na reklamo.
26:14John Consulta, Nakatutok 24 Aras.
26:22Sabay sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan,
26:25rumampakagabi ang ilang kapuso stars and personalities sa Megaball 2026.
26:30Sentro ng pagdiriwang ang pagbubugay para sa larangan ng malikhaing industriya
26:35at pelikulang Pilipino.
26:36Narito ang aking sika.
26:41Elegant in white si Kapuso Global Fashion Icon
26:44at The People Have Spoken host, Hearty Banghilista,
26:47as she graced the red carpet ng Megaball 2026.
26:52Itlinex pa niya ang jewelry na mismo siya ang nag-design.
26:57It's super nice because especially when you have all these madams
27:01that appreciate your hard work,
27:03that acknowledge the detail and the quality of gems and jewels
27:06that I've been, you know, really like I'm very hands-on.
27:10Fresh from her vacation abroad naman si Shubi Etrata
27:13na mas lumalim daw ang pagkilala sa kanyang TDH
27:17na si Anthony Constantino.
27:19I've learned a lot of their culture, especially Anthony's.
27:23So happy ako.
27:24Busy man sa preps ng kanyang upcoming kapuso
27:27medical drama series na Code Grace si Alden Richards,
27:30hindi pa rin nawawala ang oras niya para sa cycling.
27:34It's really more about time management.
27:36Yung age ko ngayon na I think ito yung tamang moment
27:39na to seize the moment and take every opportunity
27:43that presents itself.
27:44Dumating din para makipagdiwang si na first Vice President
27:48for Sparkle GMA Artist Center, Joy Marcelo,
27:51at Sparkle Stars kay In Alcantara.
27:53Cassie Ligasti, Ashley Ortega, Dustin Yu,
27:58Bianca King, Michelle D, Dennis Trillo, and Jeneline Mercado,
28:04Glyza Di Castro at ang husband niyan si David Rainey,
28:08Jillian Wart, at the Master Cutter Leading Lady, Max Collins.
28:12Gusto ko po kasi ng timeless lang na peace, tailored lang, something simple na comfortable.
28:19I feel so privileged to be here and to celebrate Independence Day.
28:23I'm so excited to see what everyone's wearing.
28:25Kinilala naman ang magazine ang mga naging ambag ni na Barbie Forteza
28:29at Bianca Umali para sa industriya ng pelikula.
28:33Lubos na pasasalamat and gratitude from the bottom of my heart
28:38for recognizing my hard work all these years.
28:43I'm just honored to be acknowledged as one of this generation's women in movies.
28:49Nandito po ako dahil sa pagmamahal ko para sa sining ng pelikula.
28:56Matapos ang 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao noong lunes,
29:00naobserbahan sa ilang bahagi ng Sarangani at Davao Occidental
29:03ang pag-angat ng lupang dating nakalubog sa dagat.
29:07Ang paliwanag po ng VVOX sa pagtutok ni Katrina Son.
29:17Sunod-sunod pa rin ang mga aftershocks sa Mindanao
29:20gaya ng magnitude 5.3 na pagyanig kaninang umaga
29:26na nagdulot ulit ng tako sa ilang taga General Santos City.
29:32Nagalino guys.
29:34Gayun din sa Coronadal, South Cotabato.
29:40Ang aftershock sinundan pa ng malakas na ulan
29:43at baha sa ilang bahagi ng lungsod.
29:50Kulay putik na baha naman ang rumagasa
29:53nang umapaw ang isang sapa bunsod ng pag-ulan
29:56sa Tiburi, South Cotabato.
29:58Kasabay nito, puspusan ang paghahanap sa isang lalaking mag-uuling
30:02na pinaniniwala ang natabuna ng lupa kasunod ng lindol noong lunes.
30:0861 na ang kinitil ng lindol nitong lunes.
30:12Ayon sa Office of Civil Defense, 33 pa ang nawawala.
30:17Patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga nilindol na lugar.
30:21Nag-inspeksyon naman si DSWD Secretary Rex Gatchalian
30:25sa Malita, Davao Occidental
30:27kung saan nakaimbak at pinoproseso ang relief packs.
30:31Nakipagpulong din siya sa mga lokal na opisyal.
30:33Food-wise, they're okay.
30:35Bagamat merong mga isolated reports na hindi pa naabot
30:38but those na aabot na dahan-dahan
30:40kasi their roads are clearing up already.
30:43Pinamamadali na rin ang pagproseso ng mga listahan
30:46ng napinsala ang tahanan para umumpisahan na
30:49ang emergency cash transfer.
30:52Buhay rin ang bayanihan.
30:54Ang ilang college students sa Jensen
30:56dumayo sa barangay Kablalan sa Glansarangani
30:59para mamahagi ng pagkain.
31:01Inoobserbahan naman ang FIVOX
31:03ang mga natuklasan nilang co-seismic shift
31:06o pag-angat ng lupa matapos ang lindol noong lunes.
31:09Sa baybayin ng barangay Pangyan, Glansarangani
31:12ang dating lubog sa tubig na lalakaran nila.
31:16Kita ang dating coral reef.
31:18May ganyang ding nangyari sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.
31:22May posibilidad pa rin na baka may mga iba pang area
31:27kapag napunta na ng mga field personnel natin yung ibang area
31:31so pwedeng madagdagan pa yung area na nagkaroon ng coastal afflict.
31:38Katrina Son, Nakatutok 24 Oras
31:42Lumabas sa Facebook page ng New Zealand-based lawyer na si Tudor Klee
31:46ang pahayag ng asawa ni Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin na si Effie.
31:51Si Klee ang nagpakilala ang abogado ni Effie.
31:54Ang sabi ni Effie sa video,
31:56nagbabala siya sa Ateneo de Manila University
31:58na hindi anya ligtas sa mga bata sa paligid ng kanyang mister.
32:02Inimok daw niya ang universidad na alisin sa kanilang campus si Baldwin.
32:05Pero sabi ni Effie, sinubukan niya siyang patahimikin ng Ateneo.
32:10Legally married pa rin daw sila pero iniwan niya si Baldwin noong 2020.
32:15Nagsalita raw siya para tiyaking hindi may uugnay ang kanyang pamilya kay Baldwin.
32:22I repeatedly told the Ateneo University
32:25that children are not safe around him
32:29and it was their duty to remove him.
32:32I urged them to move him away from the campus,
32:36the university campus,
32:38and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing.
32:46Nakausap ng GMA News sa kabugadong si Klee mula sa New Zealand.
32:50Kinumpirma niyang kasal pa rin daw si na Baldwin at si Effie.
32:54Sa isa namang post sa ex,
32:56nagbigay ng saloobin ang pinakilalang stepdaughter ni Baldwin na si Giotta Kalogiru.
33:01Sa pakipag-usap ng GMA News kay Klee,
33:05kinumpirma niyang si Giotta ay sa sa apat na anak ni Effie
33:08mula sa nauna nitong asawa.
33:10Hindi ayan niya nagkaanak si na Coach Tab at si Effie.
33:13Si Tudor Klee ay nakumpirma ng GMA News sa barrister at solicitor sa New Zealand.
33:19Sinusubukan ko rin ng GMA News ang panig ni Coach Tab at ng Ateneo.
33:23Bukas po ang GMA News sa kanilang panig.
33:34Tila tumigil po ang mundo ng mga netizen na ang log-down kagabi
33:38ang meta-platforms gaya ng Facebook at Messenger.
33:42What you think, mga kapuso?
33:44Ikaw ba apektado?
33:46Nakatutok si Bea Pinla.
33:51O, kaba-dubente ka ba nang bigla kang na-logout sa Facebook, Messenger o Instagram
33:56pasado alas 9 kagabi?
33:58Si Famela, dalawang oras na stress.
34:01Di pa man din niya nahaalala ang password niya.
34:03Kaya pati love life daw niya, damay.
34:07Sobrang hassle po kasi sobrang tagal po na wala.
34:10Disappointed kasi di ko po makontak yung boyfriend ko.
34:13Si Yolanda, nahinto ang online maritesan.
34:18Siyempre, habang nakahiga, nagdututut.
34:24Para ma-oo, biglang nawala.
34:27Paano ako makapag-chat?
34:29Iwala ang mga pangalan niya.
34:32Inulit-ulit ko, pinipindot ko ulit.
34:34Balik na naman ako, back ko na naman.
34:37Ayon sa website na Down Detector,
34:39sa buong mundo, umabot sa lagpas isang daang libo
34:43ang mga ulat na may problema sa kanilang Facebook
34:45at nasa sampung libo naman sa Instagram.
34:48Na-restore matapos ang ilang oras ang services ng meta-apps.
34:52Pag bigla ito nangyari, tapos may mga tao nang momonetize nito,
34:55especially for their business, affected talaga sila.
34:58Especially pag tumagal pa ito ng 24 hours,
35:00sometimes that's the only way to connect to other people.
35:03May impact yan emotionally and psychologically sa ibang tao.
35:07Hindi lang mga personal account ang apektado sa aberyan ng meta-apps.
35:12Apektado, maging mga empleyadong ginagamit ang meta-apps
35:15sa trabaho at transaksyon.
35:17Delay sa mga clients.
35:20Kaya yung mga workload namin sa prod ngayon
35:24is tumataas ang tumataas.
35:26Kailangan namin mag-time in, time out sa GC namin.
35:29Tapos di po ako nakapag-time.
35:30Parang nakapag-time in sa GC namin
35:33kasi importante po sa amin.
35:35May economic loss din sa kanila yan.
35:37Sigurado.
35:40Kasi especially kung malaki yung damage sa network nila,
35:43malaki gastos nila for that.
35:45Wala pang pahayag ang meta sa dahilan ng panibagong outage.
35:48Kaya kung magkaaberya ulit ang mga app nito,
35:51ang mainam daw gawin.
35:53Chill lang muna, wag wag pa panik.
35:55May different social media pa naman.
35:58Marami pa pong options for that.
36:00Hindi, wala na.
36:02Mag-ano na lang ako dyan sa likod.
36:04Upo-upo na lang.
36:05Magtingin-tingin na lang.
36:06Money, money.
36:07Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
36:12At yan po ang mga balita ngayong Sabado.
36:14Ako po si Pia Arcangel.
36:15Ako po si Ivan Mayrina.
36:16At dahil hindi natutulog ang balita,
36:18nakatutok kami 24 oras.
36:21Ako po si Pia Arcangel.
Comments

Recommended