- 4 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, July 5, 2026:
2 nagpanggap na buyer, tinangay ang cellphones at cash ng mga seller
SP Gatchalian: Ilang isyu gaya ng BIR box reresolbahin ng Impeachment Court
Alex Eala, tinalo sa Wimbledon Round of 32 si defending champion Iga Swiatek
Suspek sa pagpatay sa pulis at menor de edad na nagtago ng 15 taon, arestado
PBBM, naniniwalang mainam na humarap sa impeachment trial si VP Duterte
Serye ng mga kidlat sa Pangasinan, nakunan ng litrato
Pangakong condo ng NHA-11 sa mga naulila ni Rene Baterbonia, nai-turn over na
SP Gatchalian sa prosekusyon, depensa: iksian ang trial days, witnesses list
Taumbayan, nakaabang sa impeachment trial ni VP Duterte
SUV na nag-counterflow, nahulog sa creek sa Quezon City
Lalaki sa Cebu, patay matapos paghahampasin ng kapitbahay ng bato sa mukha
Super Typhoon “Bavi”, inaasahang papasok sa PAR sa Martes o Miyerkules
PCSO GM na pinaratangan ni Mike Defensor, pumalag
Allen Ansay, may inspirational message sa Sparkle Prime Workshop participants
Mga Pinoy kabilang si PBBM, ipinagbunyi ang tagumpay ni Alex Eala sa Wimbledon
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30May ang cellphone at libo-libong pisong pera na dala ng mga biktima.
00:34Nakatutok si EJ Gomez.
00:39Kita sa videong ito ang pakikipagkamay ng isang lalaki.
00:43Sa isang lalaking nakaputing t-shirt at may suot na helmet at angkas ng isang motorsiklo.
00:49Maya-maya, tila may binubunot ang lalaki sa kanyang bulsa.
00:53Ang eksena, meet up ng isang online seller ng cellphone sa mga nagpakilalang buyer na nauwi sa pangu-hold up.
01:03Ano yung sisek mo, tol?
01:05Ano na yung sisek mo, tol?
01:06Patayin ko kayong dalawa.
01:08Okay, hindi mo bibigay.
01:11Agad tumakas ang riding in tandem sa kanyang motorsiklo.
01:15Sisek mo, lahat.
01:18Nangyari yan sa barangay North Signal Taguig, July 1 ang gabi.
01:22Kwento ng 21 anyos na biktima, kasama niya ang kanyang kaibigan para kitain.
01:27Ang kausap nilang mga buyer na ibinibenta nilang mga cellphone.
01:30Kakain muna sana sila habang naghihintay sa mga katransaksyon.
01:34Nabigla nalang sumulpot sa gilid ng kalsada at nagdeklara ng hold up.
01:39Nakapture po yung insidente na yun dito po sa glasses ko na may camera.
01:44Tapos nung tinanong ko po kung ano po yung unahin nilang iche-check na unit is
01:49bigla na lang po nila kaming tinutukan ng, ayun nga po, baril.
01:55Tapos kinasa rin po sa harapan namin.
01:57Tapos tinanong po kung hindi namin ibibigay, papatayin daw kaming dalawa.
02:01Bigla pong naglabas ng baril, tapos inablot po sa akin yung bag.
02:05Nablanko po ako parang wala na rin po ako nagawa.
02:08Natakot na rin po.
02:09Laman ang bagang apat na cellphone na aabot sa 140,000 pesos ang halaga
02:14at cash na nasa 25,000 pesos.
02:17Ayon sa mga biktima, ikalawang meet-up location na nila ang nahulikam na insidente.
02:23Anila, umuwi na sila noon sa akalang pinagtitripan lang sila na mga kausap na buyer.
02:29Ilang oras ang lumipas nang mag-chat ulit ang mga sospek na nagbigay ng panibagong meet-up location.
02:35Medyo suspicious po sila nung mga oras na gusto nila kaming i-meet-up doon sa may madilim na lugar,
02:41nakasasakyan daw sila, tadaanan na lang daw nila yung unit.
02:45Tapos hindi po ako pumayag kasi nga po, sobrang dilim po.
02:48Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto kahapon ang isa sa mga sospek na nanutok ng baril.
02:54Nakuha po agad sa kanyang prosesyon, yung isang kalibre na baril na ngayon po ay pinaproseso kung paano niya nakuha
03:04at sino po ang restratum order.
03:06Nasa kustodiyan na ng Taguig City Police ang sospek. Wala pa siyang pahayag. Pinagahanap pa ang isang sospek.
03:14Naharap ang mga sospek sa reklamong robbery at illegal possession of firearms and ammunition.
03:20EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
03:30Magsisimula na po bukas ang makasaysayang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at bumuksan sa publiko ang paglilitis.
03:39Hindi patiak kung sisipot bukas si Vice President Duterte at hindi pa rin nare-resolve ang isyo sa kahon ng
03:45mga income tax return ng vice-presidente at ng kanyang asawa.
03:48Mula sa Pasay City, nakatutokla si Darlene Hai.
03:55Pia tahimik pa rito sa labas ng Senado pero asahan daw yung mahigpit na siguridad bukas unang araw ng impeachment
04:01trial ni Vice President Sara Duterte.
04:04Ngayon pa nga lang meron ng mga nakapuesto na mga barikada dito.
04:07Samantala, ang Senado na umuupo bilang impeachment court ay naghanda raw sa mga posibilidad na pwedeng mangyari bukas.
04:18Ngayong bisperas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, nakahanda ng mga barikada sa labas ng gate ng Senado.
04:26May nakapaskil na abiso ng mga isasarang kalsada.
04:29Mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi, sarado ang parehong north at southbound lanes ng Jocno Boulevard
04:35mula Seaside Boulevard hanggang Atang De La Rama Street.
04:38Handa na rin magsilbing impeachment court ang Senado para sa day one ng paglilitis sa Vice.
04:44Sabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, layo nilang maging simple at madaling maunawaan ng publiko ang paglilitis.
04:51Asahan niyang mareresol ba bukas ang mga isyong lumabas sa pre-trial conference at pagkatapos lumabas ang pre-trial order,
04:57kasama kung ano ang gagawin sa selyadong kahon ng Bureau of Internal Revenue o BIR na naglalaman ng tax returns
05:04ng visa at asawa nitong si Atty. Manasas Carpio.
05:08I-consolidate lahat ng mga desisyon na yan at I don't want to pre-empt lalo na Senate President tayo.
05:15So I'll leave that to the discussion. Nasa ating pa yung kahon ngayon, in custody ng Senado.
05:22Pero ebedensya kasi yan eh. At dapat yung mga ebedensya na sa custody yan ng prosecution or defense.
05:28Si Sen. Bam Aquino, pabor na isa publiko yan.
05:32Magpa-file po tayo ng motion to release all presented evidence to the public.
05:37Muling sinabi ni Sen. Ping Lakson na hindi sa klaw ng impeachment court ang pagpapasya sa estado ng selyadong kahon
05:43ng BIR.
05:44Sen. President ang otomatikong umuupo bilang presiding officer sa ilalim ng rules ng Senado.
05:49Pero pwede siyang palitan sa boto ng mayorya base sa inamiendahang rules noong June 3.
05:55Pinalutang ni Lakson ang pangalan ni Sen. Cheez Escudero na posibleng maging presiding officer.
05:59Kung masusundan natin yung mga dokumentong in-issue, tayo yung pumiperma as presiding officer.
06:05Yung pre-trial instructions, pre-trial order, pati yung summons na pinirmahan natin para iimbitahan si Vice President Sara Duterte.
06:19Meron nga rin doong proviso na ang majority ay depende kung anong sitwasyon, pwede rin silang pumili ng iba.
06:28Bukas, inaasahan ang opening statements ng prosecution at defense.
06:33Actual trial will be on Tuesday. So yun naman rin ay napag-usapan rin.
06:38So sa Tuesday, mag-uumpis sa magpatawag ng mga testigo, maririnig yung mga testigo.
06:43Doon rin natin makikita yung mga ebidensya ang ipipresenta.
06:46Sabi ni Gatchalian, inaasahan niyang walang boycott na magaganap kahit nasampu lang ang dumalo sa kokos na ginawa kaugnay sa
06:53impeachment.
06:53Importante may quorum. But ako nakikita ko mag-attend man ang lahat kasi nga parte toto ng ating trabaho.
07:05Hindi binanggit ni Gatchalian kung nag-abisong dadalo ang nagtatagong si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
07:10Binubuno naman ni Sen. Jingoy Estrada ang ipinataw sa kanyang preventive suspension dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft.
07:18Pinag-ahandaan ng Senado ang lahat ng posibilidad kabilang ang posibleng paglalabas ng arrest warrant laban kay Sen. Rodante Marcoleta
07:26na may kasong plunder sa Sandigan, Bayan.
07:29Ayoko ipre-empt yung mangyayari no, unclear naman kay Sen. Marcoleta dahil nga nasa korte to at mayroong pang ebidensya.
07:36Hanggang kanina, walang abiso ang bisay kung dadalo siya bukas.
07:39Bukas sa publiko ang impeachment trial. Sa session hall, 61 seats ang ilalaan para sa general public na personal na
07:47susubaybay sa paglilitis.
07:48Alas dos ang hapon kanina binuksan ng registration para dyan. Nakalatag na rin ang siguridad sa palibot ng Senado.
07:55May inaasahan din mga kilos protesta ng mga taga-suporta at kritiko ng BICE tulad ng tindig Pilipinas na isa
08:01sa mga nagsampa ng impeachment complaint sa BICE.
08:03Bilang isang opisyal na hinalal ng napakaraming milyon-milyong Pilipino, sana ipaliwanag niya sa wakas itong mga anomalya.
08:11Sana ikwento niya na maayos yung kanyang panig para magkaroon po tayo ng malinaw na hatol dito sa mga kaso
08:17niya.
08:22Pia para sa mga motorista, sa Makapagal Boulevard muna yung alternatibong daanan tuwing may impeachment trial kagaya bukas.
08:29Para naman, doon sa mga lalawak sa kilos protesta, bawal na pong mag-rally sa harap ng gate ng Senado.
08:35Papayagan na lang kayo sa southbound ng Jocno Boulevard kung saan ako nakatayo ngayon.
08:40Yan ang latest mula rito sa Pasay City. Balik sa iyo, Pia.
08:44Maraming salamat, Darlene Kai.
08:47Mula sa balita tungkol sa impeachment court, punta naman tayo sa balita sa tennis court.
08:52Nagtala po ng panibagong kasaysayan sa center court ng Wimbledon ang Pinay Tennis Ace si Alex Iala matapos talunin ang
09:01defending champion ng Wimbledon.
09:03Ang kanyang pagkapanalo, inalay niya para sa kanyang younger self at sa ibang tulad niya na nangangarap.
09:10Balikan ang kanyang herstory sa Wimbledon sa pagtutok ni Jonathan Andad.
09:17Sina Alex Iala at Iga Sivantec, kapwa produkto ng Academy ng Tennis Legend na si Rafael Nadal.
09:24Parehong nagharap sa 2025 Miami Open at Madrid Open.
09:28At kagabi, sa makasaysayang center court ng Wimbledon sa Britanya,
09:33nagtuos ang tennis sensation ng Pilipinas at ang defending champ ng torneo sa round of 32.
09:39Tumagal ng halos isa't kalahating oras ang set 1.
09:42Sa isang punto, nagtie sila kaya nagkaroon ng tie-break game.
09:46Si Iala halos sumisid sa grass court sa isang punto para maisalba ang bola.
09:51Si Iala nakakuha ng set 1 ng laro matapos ang kanyang 2-point lead laban sa Pride ng Poland.
09:56Sa set 2, ramdam na ang gigil ni Iala sa bawat serve at hampas sa bola.
10:01Hindi naman nagpatalo si Sivantec, na sumabay sa mga teknik ni Iala kaya nagkaroon ng ilang deuces sa gitna ng
10:09laro.
10:09Hanggang sa muling nakuha ni Iala ang control sa set 2 sa score na 6-2.
10:15Umukit ng kasaysayan si Iala, ang kampiyon noong isang taon kanyang tinalo.
10:19I went to the second week of a slum and it's amazing for me.
10:25Iga is a phenomenal player and a really nice person.
10:29So I'm really grateful to be able to share center court with her at Wimbledon.
10:34Halo-halo ang emosyon ni Iala na napathrowback sa pagsisimula ng kanyang karera mula pagkabata.
10:40Kung kailan maagang humawak ng tennis racket ang kaliwiting si Alexandra.
10:45Kasama ang kanyang kuya sa bawat tennis practice.
10:48Hanggang sa nakauwi siya ng samutsaring trophies at medals sa kanyang mga naging tennis games.
10:55This achievement may seem small but for someone who grew up in the Philippines
11:01and I want to train with my brother and my grandfather every day after school
11:06with my ruffled socks and my light-topped shoes and chubby cheeks.
11:12So to her, this is everything.
11:15Pinahanga ni Iala ang ilang alamat ng tennis gaya ni Maria Sharapova at ni Billie Jean King
11:21na tinawag sa Iala na Inspirasyon.
11:24Bago ang kanyang laban kagabin, nagkaroon ng royal encounter si Alex kasama si Catherine Princess of Wales.
11:31Naging very iconic din ang horizontal forehand na ito ni Iala.
11:35So many emotions and such an intense battle so I'm really proud of how I fought and I held my
11:41own out there.
11:43I hold Wimbledon very close to my heart and being able to play here on center court the second year
11:53in a row,
11:55it's amazing for me to be able to do that and to have these intense moments and this level of
12:02competition,
12:03you know, in, well, essentially the best stage in the world for tennis.
12:07Abante na sa round of 16 ng Wimbledon 2026 si Alex, sunod niyang makakaharap si Jasmine Paulini ng Italy.
12:16Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
12:20Matapos ang labing limang taong pagtatago, naaresto sa Olongapo ang suspect sa pagpatay sa isang polis at isang minor de
12:27edad.
12:28Tinutukan niya ni Emil Sumangil, exclusive.
12:35Tinaguri ang most wanted ng DILG.
12:39Siya si Alias Joey, inaresto ng PNP Highway Patrol Group sa Olongapo City.
12:44Ang kanyang kaso, pagpatay sa isang polis ni Lieutenant Colonel at isang minor de edad sa Baguio City.
12:52Isang wanted na kunsaan ay 15 years na nagtago.
12:56Ang dahilan ng krimen, away sa lupa.
12:59Ang motibo sa pagkakautang, pumapasok siya ng kung ano-anong trabaho.
13:05Nahirapan ang mga polis sa pag-track sa kinaroonan ng suspect.
13:08Pero sa tulong ng mga impormante, natumbok ng mga otoridad ang lokasyon nito.
13:13No comment ang suspect.
13:14Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
13:19Kung si Pangulong Bongbong Marcos ang tatanungin, mainam na humarap sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte
13:25para sagutin punto por punto ang mga aligasyon sa kanya.
13:29Ipinanggin ang Pangulo ang parata na may selective justice sa kanyang kampanya kontra korupsyon
13:34mula nang isiwalat niya ang flood control skandal.
13:37Narito ang aking pagtuto.
13:42Magsisimula na bukas ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
13:46Binaharap ng impeachment court si VP Sara Duterte sa trial pero hindi pa malinaw kung anong desisyon ng kanyang kampo.
13:52Natanung ang Pangulo, bilang tumayong Senator Judge sa impeachment trial ni Nooy Supreme Court Chief Justice Renato Corona,
13:59makakatulong ba kung aharap sa pagliliti sa mismo akusado?
14:02Of course, it would be much easier to get to the bottom of everything if you can speak to the
14:09accused directly.
14:10That's not a legal opinion because I'm not a lawyer.
14:15But I'm just trying to put myself in that position.
14:20I would probably myself, if it was me being accused, I would almost insist over the advice of lawyers.
14:29If they advise me not to appear, I would insist on appearing.
14:32Mag-iisang taon na mula nang biggasin sa kanyang ika-apatasona ang mga katagang,
14:36Mahiya naman kayo, mga katagang nagpasimula sa flood control skandal.
14:41Ngayon nalalapit na ang kanyang ika-limang sona.
14:44Natanung ang Pangulo kung nasan na ang laban kontra korupsyon
14:47at kung sapat na bang nagkara ng administrasyon para mapanagot ang mga may sala.
14:51I cannot say that we have done enough because we are not done yet.
14:56Unfortunately, the more we look, the more we find.
15:01And it is going already back beyond my administration, beyond my term.
15:10Ang tinutukoy ng Pangulo, ang administrasyon ay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang direktang pinangalanan.
15:16And at the time, the president, President Duterte acknowledged that there were great problems
15:22in terms of the flood control projects, pero wala namang nangyari.
15:28Having acknowledged it, he did not find accountability in anybody.
15:32So I guess that was left up to me to do.
15:36And so we are still doing it. We are still working on it.
15:39Ang flood control skandal, isa sa mga pangunahing ibinabato ngayon sa administrasyon ng Pangulo.
15:43Isang madalas na sigaw sa mga kinus protesta laban sa administrasyon.
15:47Pero muli itong pinalaga ng Pangulo.
15:49Marihin din niya itinanggi ang aligasyong selective justice
15:52o pinipili lang ang mga hinahabol ng administrasyon.
15:56Sinusunod lang daw nila kung saan patungo ang ebidensya.
15:59So hindi ko sinabi yung sinabi ko sa SONA.
16:01Wala tayong pinag-uusapan na ganito.
16:03I'm the one who exposed all of this.
16:06And I'm the only one that has started to do anything about this.
16:11Bakit? Ang mga nakaramban na Pangulo, may nakita ba kayong ginawang ganon?
16:15Meron ba silang kinulong? Meron ba silang finished na account?
16:18Meron ba silang mga investigation na ginawa?
16:22Wala. Sa akin lang.
16:25Tapos sasabihin, ako daw ang may kagagawan.
16:29Eh kung talagang racket ko yun, ba't ko sisirain yung racket ko?
16:32That makes absolutely no sense.
16:39Sa pool sa camera, ang serya ng mga kidlat na naranasan sa kalangitan ng Pangasinan kagabi.
16:45Sa mga litrato ng residenteng si Janeline Agbuya,
16:48nagliwanag ang kalangitan ng San Carlos City
16:51dahil sa sunod-sunod na pagkidlat, pasado alas 8 kagabi.
16:55Namataan ang kidlat kasunod ng pagulan sa lugar.
16:57At sa pag-asa, localized thunderstorms ang nagpaulan sa ibang-ibang bahagi ng bansa,
17:03kabila na ang Pangasinan kahapon.
17:06Natanggap na ng pamilya ng nasawing Ateneo basketball player na si Rene Bobet Baterboña,
17:11ang condo unit na ipinangako sa kanila ng National Housing Authority o NHA.
17:16Sa turnover ceremony kahapon, inyabot ng NHA Region 11 sa pamilya Baterboña
17:21ang SUSI at Certificate of Award na ipinangako nilang condo unit sa Bangkal, Davao City.
17:26Ayon sa NHA Region 11, fully furnished at ready for occupancy na ang condo unit na isang grant.
17:34Ibig sabihin, walang kailangan bayaran ang pamilya Baterboña.
17:38Labis sa man ang pasasalamat ng pamilya Baterboña,
17:41plano raw nilang tumira sa bago nilang tahanan matapos sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Bobet.
17:54Handa na ang prosekusyon at senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bukas.
18:00Ano kaya ang sentimiento nila sa hiling ng Senate President na igsian ang mga araw ng panglilitis?
18:06Mula sa Pasay, nakatutok live si Jonathan Nanda.
18:10Jonathan.
18:12Ivan, bukas wala pang iaharap na testigo ang prosekusyon sa impeachment court.
18:18Mangyayari raw yan sa martes pa.
18:20Ang mangyayari daw bukas, sabi ni Attorney Lorna Kapunan, isa sa mga private prosecutors ng prosekusyon,
18:24ay magkakaroon ng opening and closing statements at re-resolvahin yung mga preliminary legal issues.
18:30Wala pa rin kumpirmasyon hanggang sa ngayon kung pupunta ba si Vice President Sara Bukas dito sa Senado.
18:40Sa bisperas ng kanyang impeachment trial, nagpost si Vice President Sara Duterte ng litrato niya na ayon sa caption ay
18:47kuha noong mga nakaraang linggo sa Archdiocesan Shrine of St. Vincent Ferrer sa Bugo City, Cebu.
18:53Ipinagdasal ng Bisi ang kapayapaan ng bansa, kaligtasan ng mga Pilipino, pagbangon ng Bugo City mula sa lindol at pag
19:00-uwi ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
19:03Walang binanggit ang Bisi tungkol sa pagliliti sa kanya bukas sa Senado. Ngayong araw, nasa simbahan din ang mga kongresista
19:10at abogadong uusig kay Duterte.
19:13Pinag-pray over sila at binasbasan sa isang special mass for the prosecution sa Archdiocesan Shrine of Jesus, The Way,
19:20The Truth, and The Life sa Pasay City.
19:23Reading-ready na, kulang na lang ng pagdasal nating lahat. Ilang rosaryo na po ang rinusaryo namin.
19:30The prosecution team is ready for the start of the impeachment trial tomorrow.
19:36Ang Senado, handa na rin. Pero may pakiusap muna sa prosecution at depensa si Sen. President Sherwin Gatchalian.
19:43Iksian sana ang kanilang trial days at listahan ng mga testigo.
19:47Sa tansya kasi nila, aabuti ng pito hanggang walong buwan ang impeachment trial.
19:52Ang prosecution may 57 witnesses at humingi ng 62 trial days.
19:57Ang depensa naman may 90 witnesses at humingi ng 30 trial days.
20:02Nananawagan kami sa kanila na kung pwedeng iksian nila yung kanilang trial days at mabawasan yung kanilang mga testigo kung
20:16kayang bawasan.
20:17Mas mabilis matapos, mas maganda yan para sa lahat.
20:21At marami gusto na rin magtrabaho.
20:23At marami gusto na rin maumpisan tong impeachment para matapos na nga natin.
20:28Ang pinakakomplikado dito, to be honest about it, Isa and me pa, ay yung mga ibang gagawin ng Senado ay
20:34maaantala talaga.
20:35We will try to abide by the request of the impeachment court pero hindi po namin masasabi pa at this
20:44point.
20:44Kasi syempre, nandyan na yung listahan, meron na kami mga intended witnesses.
20:49It's a matter of strategy. Hindi po importante yung number ng witnesses.
20:54Kasi importante na lumabas ang ebidensya through the witnesses and through the documents.
20:59Sinusubukan pa namin kunin ang posisyon dyan ng depensa.
21:02Sabi ni Gatchalian, hanggang kanina walang abiso sa kanila kung dadalo ba ang bise sa simula ng paglilitis bukas.
21:08Hindi naman obligadong pumunta ang bise.
21:11Gayunman, gusto ni House Prosecutor Leila Dilima na makita pa rin sa trial si VP Sara.
21:16Kasi kung iisnabin na naman niya, katulad nung ginawa niya dun sa house hearings,
21:20Ano bang ibig sabihin yan? Binabaliwal niya niya o minaliliit niya, she's beliting a very significant constitutional process.
21:35Ivan, sabi ni Atty. CJ Nervasa ng Defense Team, bukas sila sasagutin yung panawagan ni San President Gatchalian
21:42na iksian yung child days at yung listahan ng mga testigo.
21:45Samantala, dito po sa labas ng Senado, nag-iikot po ngayon, Canine Dogs, simula sa Southern Police District,
21:50nag-i-inspeksyon sila. Ang sabi po ng NCRPO, 6,000 polis ang ide-deploy nila sa Senado sa pagsisimula
21:56po ng impeachment trial.
21:58Yan muna ng latest muna rito sa Senado, balik sa'yo, Ivan.
22:01Maraming salamat, Jonathan Andal.
22:10Hindi lang prosecution team at defense team ang naghahanda sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte Bukas.
22:18Makapuso nakaabang din ang taong bayan.
22:21What you think? Ano kaya ang mga isyong nais ng ilang Pinoy na masagot sa pagdilitis?
22:27Yan ang tinutukat ni Bea Pinlock.
22:32Makasaysayan ng July 6, 2026.
22:35Dahil sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa,
22:39isang vice-presidente ang sasalang sa impeachment trial.
22:42Bukas na pala yun.
22:45Hindi ko kasi alam na bukas na pala.
22:48Pero curious nyo kayo.
22:49Oo naman.
22:50Isa rin ito sa mga malalaking pangyayari dito sa buong Pilipinas wherein we should be aware of.
22:59Si Rolando, nung isang taon pa nakatutok sa isyo ng pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.
23:05Gusto kong malaman din yung sino yung nagsasabi ng totoo.
23:10O yung kabila, o kabila.
23:12At para sa ilang nakausap namin, may isang tanong silang nais nilang masagot sa paglilitis.
23:17Sino nga ba si Mary Grace Piatos?
23:20Ano talaga yung ginawa niya sa government? Bakit nandun yung name niya?
23:25Sa Okta Research Survey noong Abril, lumalabas na 7 sa 10 Pilipino
23:30ang naniniwalang dapat humarap sa impeachment trial ang vice para sagutin ang mga aligasyon.
23:36Pero sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung dadalo si Duterte.
23:41Ayon kay Political Science Professor Jean Encinas Franco,
23:44mahalagang bantayan ng taong bayan ang bawat kabanata ng impeachment trial.
23:49Kaya nga may impeachment trial para malaman ng publiko,
23:54para maramdaman ng publiko na ang isang napaka-powerful na tao e kayang litisin.
24:01Pero nakatitiyak si Franco na hindi magiging madali ang pag-usad nito.
24:06Well, ang hamon unang-una, mayroong mga senador na nakatakdang arestuhin.
24:13So, magdudulot ito ng gulo na naman.
24:17Lahat ng hindi gustong ituloy yung trial, gagawin ng paraan para i-delay, para manggulo.
24:26Isa niya sa dapat abangan ay kung kakailanganin bang magmosyon para bawasan ang bilang ng boto para makonvict ang vice.
24:33Sa saligang batas kasi, nakasaad na kailangan ng two-thirds ng boto ng lahat ng miyembro ng Senado.
24:40Isa yun sa maaaring magdulot ng gulo din.
24:43Mahahati rin ng Senado, mahahati rin ng taong bayan dyan.
24:47Dapat ding abangan ang paglalatag ng prosekusyon at depensa ng kanika nilang mga saksi at ebidensya.
24:53Mahirap talaga ma-predict, pero hindi natin alam kung paano magsisway yung public opinion.
25:00So yun ang kailangan natin bantayan.
25:02Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
25:06Isang SUV ang nahulog sa creek sa barangay Manresa, Quezon City.
25:11Batay sa imbisigasyon, nag-counterflow ang SUV.
25:13Nang mapansin daw ng driver na mali ang kanyang tinatahak,
25:17sinubukan itong mag-U-turn pero napaangat sa gater hanggang mahulog na sa creek.
25:22Walang harang sa lugar na pinaghulugan ang SUV.
25:26Agad na ilabas sa motoridad ang driver na senior citizen at naialis din ang sasakyan.
25:31Nagpapagaling na siya sa ospital.
25:33Ayon sa pulisya, nahilo ang senior citizen habang nagbamanin.
25:38Patay ang isang lalaki sa Toledo City, Cebu.
25:40Matapos paghahampasin ang kanyang kapitbahay ng bato sa mukha.
25:44Sa imbisigasyon po ng pulisya, pauwi ng bahay galing sa inuman ang suspect
25:48nang makasalubong niya ang biktima kahapon ng madaling araw.
25:52Hinahanap umunod ng suspect ang kanyang ama nang makita niya ang biktimang may nakasuksuk sa shorts na tila armas.
25:59At nang akmang bubunot niyo ito, itinulak siya ng suspect at saka sila nagpambunok.
26:05Nakakuha ng bato ang suspect na ipinahampas sa mukha ng biktima.
26:10Dead on arrival sa ospital ang biktimang 25 anyos.
26:13Ayon sa pulisya, replika at hindi totoong baril ang dala ng biktima
26:18pero iniimbisigahan pa kung may alitan na noon pa ang dalawa.
26:23Sumuko ang suspect sa pulisya at humihinang tawad sa pamilya ng napatay
26:27pero desidido ang mga naulila na magsampa ng reklamo.
26:33Sa Martes ng gabi o Merkoles na madaling araw,
26:36inaasahan pa pasok sa Philippine Area of Responsibility,
26:39ang Super Typhoon Bobby.
26:41Oras na pumasok ito sa par, tatawagin itong Inday.
26:45Huling namataan ang pag-asang Superbagyo,
26:472,575 kilometers east ng southern zone.
26:51May lakas sa 205 kilometers per hour
26:54at bugsong aabot sa 250 kilometers per hour.
26:58Gumagalaw ito pa-northwest sa bilis sa 20 kilometers per hour.
27:02Mababa pa ang chance ng landfall
27:04pero maaaring lumapit sa batanes
27:05at posibleng magtaas ang wind signal
27:07sa northern at eastern section ng bansa.
27:09Kasabay nito ang paglakas ng habagat
27:12dahil sa bagyo.
27:13Sa ngayon, Easterlies
27:15ang nakaapekto sa eastern Luzon at sa Visayas.
27:18Posibleng magdulot ng mga pagulan
27:19sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora at Quezon.
27:23Localized thunderstorms naman ang maaaring
27:25magdulot ng pagulan sa Metro Manila
27:27at iba pang bahagi ng bansa.
27:29Batay sa dato sa Metro Weather,
27:30posibleng ulanin bukas,
27:31lalo na sa hapo ng ilang bahagi ng western Luzon,
27:34Cagayan, Cordillera, Calabarzon,
27:36Mimaropa at Bicol Region.
27:38May chance na malalakas sa ulan
27:40sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro.
27:42Bukas ng hapon,
27:43posibleng may hina hanggang malalakas
27:45sa pagulan sa halos buong western Visayas,
27:48pati sa ilang bahagi ng eastern Visayas
27:50at central Visayas.
27:52Halos bumindanaw naman ang posibleng ulanin
27:54simula tanghali.
27:56May chance na rin ulanin ang Metro Manila
27:57bukas ng hapo.
28:00Kagnay po na aligasyon
28:01ni dating Congressman Mike Defensor
28:03na may kapalitan niyang posisyon
28:05ang ilang campaign donations sa Pangulo,
28:07sabi ni PCSO General Manager
28:09Melquiades Robles.
28:10Walang basihan para ikumpara yan
28:12sa donasyon ni Defensor
28:13kay Sen. Rodante Marcoleta.
28:16Sa isa pong pahayag,
28:17sinabi ni Robles
28:18na nandakadeklara
28:19sa Statement of Contributions and Expenditures
28:21o SOSE ng Pangulo
28:23ang kanyang donasyon.
28:24At hindi nakadeklara
28:25ang donasyon ni Defensor
28:27kay Marcoleta.
28:27Ibig sabihin,
28:30may paliwanag-a niya
28:31kung paano at saan napunta
28:32ang kanyang donasyon.
28:34Wala raw dapat pagtakpan
28:36at wala rin daw ibinulsa.
28:38Dagdag ni Robles,
28:39ibinigay niya ang kanyang donasyon
28:40noong panahong
28:41hinipa public official
28:42ang Pangulo.
28:50Nag-share ng inspirational message
28:53at experience
28:53si Sparkle Artist
28:54Alan Ansay
28:55sa graduation ng halos
28:57isanda ang participants
28:58ng Sparkle Workshop.
29:00Ikinwento rin ni Alan
29:01ang kanyang first taping day
29:02sa bagong kapuso series
29:03na Code Grey.
29:05Narito ang aking chika.
29:09Ibang feeling para kay Alan Ansay
29:11ang first taping day niya
29:12sa upcoming medical drama series
29:14na Code Grey.
29:15Bukod sa kakaiba
29:17ang kanyang gagampan ng role,
29:18hindi pa rin siya makapaniwala
29:20na marami siyang eksena
29:21nakasama si Asia's
29:22multimedia star
29:23Alden Richards.
29:24As in magka-away talaga,
29:26nagsasagunan.
29:27Kaso na eksena na kayo ni Alden?
29:28Yes,
29:29lahat ng eksena ko
29:30ka-eksena ko si Kuya Alden.
29:31Noong una na stars ako,
29:32nahihiya talaga ako.
29:33Pero napakagaan na
29:35katrabaho ni Kuya Alden
29:36kasi talagang
29:37ano kanya,
29:38igaguide kanya.
29:40Talagang yung
29:41napaka-simpling tao talaga
29:43Sir Nelson.
29:43So,
29:44yung kaba mo mawawala.
29:45Naging bahaging si Allen
29:47sa graduation ng
29:48Sparkle Prime Workshop.
29:50Nagbigay ang kapuso star
29:51ng inspirational speech
29:53sa siyam na putsyam
29:54na graduates ng workshop.
29:56Sumailalim sila
29:57sa iba't ibang
29:58learning modules
29:59sa acting,
30:00personality development
30:01at public speaking.
30:03Nanguna sa graduation
30:05sina GMA Senior Vice President
30:07Atty.
30:07Annette Gosson-Valdez,
30:09Sparkle GMA Artist Center
30:10First Vice President
30:12Joy Marcelo
30:13at iba pang opisyal
30:14ng GMA Artist Center.
30:16Lagi kong sinasabi talaga
30:17sa mga naginging
30:18ng advice sa akin na
30:20gumawa ka na
30:21ng maraming mali
30:22sa workshop.
30:23Kasi sila,
30:24andyan sila
30:24para turuan ka.
30:26Para pagdating sa work,
30:27mas ma-improve mo na
30:28yung sarili mo.
30:28Alam mo na kung paano
30:29yung gagawin.
30:30Masaya ako na
30:31marami tayong graduates
30:32at nakikita ko na
30:33ang mga kabataan ngayon
30:35ay talaga nag-invest
30:37sa sarili nila
30:39sa personality development,
30:41sa pagho ng talents nila
30:42and I'm sure
30:44na magkakaroon sila
30:47ng mga career.
30:48Kung hindi man sa showbiz,
30:50magiging inspirasyon sila
30:51sa mga nakapaligid sa kanila.
30:55And that's my Chica this weekend.
30:57Ako po si Nelson Canlas.
30:59Pia,
30:59Ivan.
31:01Makapuso mula po
31:02kay Pangulong Marcos
31:03hanggang sa mga kapwa
31:04sports icon at celebrity.
31:06Samot sa aling paburi
31:07ang natanggap ni Alex Ayala
31:09kasi sila ng kanyang
31:10historic win
31:10sa Wimbledon.
31:11Kasi naman ang galing.
31:12Oo nga.
31:13Kasama na tayo doon
31:14sa nagbibigay ng paburi.
31:15Bravo.
31:16Kabila sa mga nagmunyi
31:17para sa kanyang tagumpay
31:18ang ilang Pilipinong
31:19na-inspire sa tennis journey
31:20ni Ayala.
31:22Nakatotok si Katrina Son.
31:27Sensation ngayon
31:28sa mundo ng tennis
31:29si Alex Ayala.
31:30Kaya labis ang tuwa
31:31ng Pinoy fans
31:32sa pag-abante niya
31:34sa round of 16
31:35ng Wimbledon
31:36matapos madaig
31:37ang defending champ
31:38na si Iga Swatek.
31:40Over the moon talaga.
31:42Nakaka-proud si Alex talaga.
31:44And mabuhay Alex.
31:45Laban.
31:46Lucky siya,
31:46diba po?
31:47So,
31:47lucky din ako.
31:48So,
31:48parang mas na-inspire na ko.
31:50Makapigil hini nga
31:51ang laban
31:51para sa mga nanood.
31:53Hindi kami makahinga.
31:54Talagang lahat kami
31:57nagtatayuan kami.
31:58Pumapalakot pa kami.
31:59At higit sa panalo,
32:01inspirasyon sa kanyang fans
32:03ang tennis journey
32:04ni Ayala.
32:05Nakaka-inspire po
32:06na may Filipino tayo
32:08na representative
32:09sa World Tennis Arena.
32:13Isa din po siya
32:14naging inspiration ko
32:15kung bakit nag-start.
32:16Social na rin din po
32:17nakikipaglaro po
32:19sa mga friends.
32:20Sabi ni Pangulong Marcos,
32:22proud ang buong bansa
32:23na siya kauna-unahang
32:25Pilipinong nakaabot
32:26sa fourth round
32:27ng Wimbledon.
32:28Nagpasalamat din
32:29ang Pangulo
32:30sa anyay
32:31pagpapakita ni Ayala
32:32sa mga kabataang
32:33Pilipino
32:34na pwede rin silang
32:35mangarap
32:36at marating
32:37ang pinakamalaking
32:38entablado
32:39sa mundo.
32:40Sabi naman
32:41ang Philippine Sports Commission,
32:42suportado
32:43ng buong sambayanan
32:44si Alex.
32:45Pagbati nila
32:46kay Alex,
32:48keep making us proud.
32:49Binigyang pugay rin
32:50si Ayala
32:50ng mga kapwa
32:51Filipino sports icons
32:53na si Napambansang
32:54Kamao Manny Pacquiao
32:55at Olympian
32:57Pole Volter
32:58na si EJ Obiena.
32:59May mga bumatiring
33:00mamba batas
33:01na nagsabing
33:02si Ayala
33:03ang nagsilbing
33:04detoxifier
33:05sa toxic atmosphere
33:07sa bansa.
33:08Proud at emotional
33:09din
33:10ang ilang
33:11celebrities
33:11sa win
33:12ni Ayala.
33:13Sa pagangat
33:14ng pangalan
33:15ni Alex Ayala,
33:16may mga
33:16naiengganyong
33:17maglaro ngayon
33:18ng tennis
33:19at mag-enroll
33:19sa mga sports clinic.
33:21Ang dami po
33:22ngayong mga bata.
33:23Kahit po yung
33:24mga matatanda,
33:25naglalaro na rin po
33:25and super dami po
33:27kasing benefits nito.
33:28Naging eye-opener siya
33:29para sa maraming
33:30Filipino
33:31and naging ano siya,
33:32mas naging known
33:33yung tennis
33:33sa community natin.
33:35Kaya nananawagan
33:37ang mga tennis player
33:38na madagdagan pa
33:39ang mga public
33:40tennis court
33:40at mas palakasin pa
33:42ang suporta
33:43sa sport.
33:44Sobrang konti po
33:45talaga ng court
33:46and dumadami po
33:47yung players.
33:48Mas marami pong
33:49mahinggan yung bata.
33:50Mas marami po tayong
33:50mga tuturuan.
33:52Mas marami po
33:52pwedeng ilaban.
33:54Sabi nga ni Ayala,
33:56ang kanyang panalo,
33:57inaalay niya.
33:58For the girls
33:59with ruffled socks,
34:01light-up shoes
34:02and chubby cheeks,
34:04Katrina Son
34:05nakatutok
34:0624 oras.
34:08Congratulations
34:09kay Alex.
34:10Keep going.
34:11Round,
34:11ano to?
34:12Round of 16.
34:15Sabi nga nila,
34:16malayo pa
34:17ang pupuntahan
34:19pero malayo na
34:19ang narating.
34:21Congratulations Alex.
34:22At mga kapuso,
34:24yan po ang mga balita
34:25ngayong weekend.
34:25Ako po si Tia Arkangel.
34:27Ako po si Ivan Mayrina.
34:28Ito ang GMA News.
34:29Walang kinikilingan.
34:30Walang pinoprotektahan.
34:32Noon at ngayon,
34:33servisyong totoo.
34:34At dahil hindi na
34:35tutulog ang balita.
34:36Nakatuto kami
34:3724 oras.
34:39Outro
34:40Outro
34:47Outro
Comments