00:00Kaugnay niyaan, pinai-investigahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang reklamo kaugnay sa pagkamatay sa isang miyembro ng PhilHealth
00:11na hindi umano nakatanggap ng benepisyo.
00:14Alamin niyaan sa report ni Kenneth Paciente.
00:19Sa viral post na ito, ipinarating ng isang ginang ang kanyang pagkadismaya
00:24matapos hindi makakuha ng benepisyo ang kanyang asawa ng miyembro ng PhilHealth
00:27matapos ma-ospital at kalauna na ipumanaw.
00:30Isa rin sa hinaing niya ang hindi pagsagot ng PhilHealth sa bahagi ng kanilang hospital bills
00:35dahil mas mababa sa 24 na oras ang hospitalizasyon ng miyembro
00:39kaya hindi umano sakop ng PhilHealth ang mga gastusin.
00:43Ang insidente niyan, mahigpit na pinai-investigahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:48Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:53hindi katanggap-tanggap na mapagkaitan ng tamang benepisyo sa kalusugan ng mga Pilipino
00:57dahil sa mali o hindi maayos na implementasyon ng mga pulisiya.
01:02Hindi po nais ng Pangulo na dapat na mga kababayan natin ay nabibigyan po ng ayuda
01:07pagdating po sa kalusugan nila pero hindi na ibibigay dahil sa maling pag-i-implement.
01:12Hindi po yan, nais ng Pangulo.
01:15So sa ganitong pagkakataon po, talaga po dapat pa-imbestigahan.
01:18Hinimok din ang palasyo ang mga kawaninang PhilHealth at mga nakatalagang staff sa mga ospital
01:23na tiyaking na ibibigay ang tamang impormasyon sa mga pasyente
01:27upang maiwasan ang posibleng pinsala o abala sa mga nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.
01:32Tayo rin po ay nagsasabi na rin sa lahat ng mga taga PhilHealth
01:36kung sino man yung mga PhilHealth staff or assigned sa mga ospitals
01:40or sino man ang nagpa-process ng mga binipisyo ng mga kababayan natin.
01:46Sana po ay maging aware kayo sa lahat ng mga coverage
01:50para po maibigay niyo po yung tamang information sa ating mga kababayan.
01:55Dahil kung mali po ang maibigay niyong impormasyon,
01:58maaari po ito maka-apekto at makadanyo sa ating mga kababayan.
02:02Nilinaw naman ang palasyo na wala itong sinisisi kung saan nagmula ang pagkakamali.
02:06Ngunit tiniyak nito, nagugulong ang masusi at tamang investigasyon
02:10upang hindi na maulit ang insidente.
02:13Sa unang pahayag ng PhilHealth,
02:14sinabi nito na agad silang nakipag-ugnayan sa pamilya ng nasawing pasyente
02:18at nagkasundo sa mga susunod na hakbang para sa kinakailangang suporta.
02:22Nakipag-ugnayan na rin sila sa ospital para alamin ang ugat ng insidente
02:26kasabay ang pakikiramay sa naulilang pamilya.
02:29Sa pahayag naman ng Manila Doctors Hospital,
02:31kaugnay ng insidente,
02:33iginiit nito na agad nilang binigyan ng assessment,
02:36monitoring at angkop na gamutan ng pasyente alinsunod sa clinical protocols.
02:41Ipinaliwanag din umano sa pamilya ang mga panganib
02:43at benepisyo ng mga posibleng interbensyon
02:45at kalaunan ay pinili ng pamilya na huwag ituloy ang surgical procedure
02:49at magpatuloy sa supportive care.
02:52Binigyang din din ang ospital na naipaliwanag sa pamilya
02:55ang PhilHealth Benefits batay sa umiiral na guidelines
02:58kasama ang gabay ng kanilang staff at PhilHealth personnel sa ospital.
03:02Wala pang pahayag sa ngayon ukol dito
03:04ang pamilya ng nasawing individual.
03:06Kenneth,
03:06Pasyente para sa bayan.
Comments