Skip to playerSkip to main content
  • 20 minutes ago
Bukod sa Senate Presidency, may kalituhan din ngayon kung sino nga ba ang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee na isa sa mga pinakamakapangyarihang komite sa Kongreso.

Sa gitna pa naman 'yan ng imbestigasyon tungkol sa mga umano'y maanomalyang flood control projects ng gobyerno.

Ano nga ba ang papel ng Senate Blue Ribbon at bakit ito mahalaga?

Alamin sa report ni Ian Cruz.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kapag may aligasyon ng katiwalian, maling pamamahala o pangaabuso ng kapangyarihan na mga opisyal at ahensya ng gobyerno,
00:08pwede itong imbisigahan ng Senate Commission Accountability of Public Officers and Investigations o mas kilala bilang Blue Ribbon Committee.
00:18Sa akop ng komite, ang mga opisyal at empleyado sa lahat ng sangay at ahensya ng gobyerno,
00:25kabilang na ang mga opisinang may kaugnayan sa pamahalaan kasama ang mga government-owned and controlled corporations.
00:35Ano nga ba ang papel ng Senate Blue Ribbon Committee at bakit ito mahalaga?
00:41Ayon sa komite rules na nakabatay sa Section 21, Article 6 ng 1987 Constitution,
00:48may horisdiksyon ng Blue Ribbon Committee sa lahat ng legislative matters na may kaugnayan sa malfeasance
00:54o intentional na paggawa ng mali at iligal na gawain ng mga opisyal o empleyado ng pamahalaan,
01:01misfeasance o paggawa ng legal na gawain pero may kaakibat na pagpapabaya sa tungkulin,
01:08at non-feasance o kabigo ang tuparin ang nararapat na tungkulin.
01:13Ang komite ay pinamumunahan ng isang chairman na siyang magiging presiding officer sa lahat ng pulong at pagdinig.
01:21Pwede siyang magtalaga ng isa o higit pang vice chairman na susunod sa iaatas niyang tungkulin.
01:27Pusibling magsimula ang imbisigasyon ng Blue Ribbon Committee kung may referral mula sa Senado o mula sa Pangulo,
01:34pero pwede rin magsimula ng imbisigasyon kahit walang formal na reklamo.
01:39Yan ang tinatawag na motoproprio power.
01:43Halimbawang may referral para sa inquiry pero tumangi ang chairman.
01:47Pwede maghain ng petisyon ang limang miyembro ng komite para matuloy ang imbisigasyon.
01:52Ang anumang desisyon ng Blue Ribbon Committee ay dapat maireport sa Committee on Rules.
01:58Sakali namang may objeksyon o kumbestyon sa jurisdiction ng komite,
02:03kailangan muna itong iresolva ng Blue Ribbon Committee bago nila ituloy ang imbisigasyon.
02:08Kung may quorum at majority ng mga miyembro ang bumoto pavor sa inquiry,
02:14mapapawalang visa ang objeksyon at itutuloy ang pagdinig.
02:18Pero hindi gaya ng regular na korte ang Senado Blue Ribbon Committee
02:22dahil ang layunin ito ay hindi para magparusa,
02:25kundi maging in aid of legislation.
02:29May dalawang posibleng maging bunga ang pagdinig ng Senado Blue Ribbon.
02:34Una, rekomendasyon para baguhin o amyendahan ng mga kasalukuyang batas
02:39na may kinalaman sa imbisigasyon.
02:41At ikalawa, rekomendasyon sa Department of Justice
02:45o sa Office of the Ombudsman para imbisigahan o sampahan ng kaso
02:50ang mga lumabag sa batas.
02:52Kabilang sa malalaking kaso ang inimbisigahan ng Senado Blue Ribbon Committee
02:57itong mga nakalipas sa taon,
02:59ang Hello Garci Skandal noong 2005,
03:02kung saan inakusahan sino ay Pangulong Gloria Makapagal-Arroyo
03:06ng pagmamanipula sa resulta ng 2004 National Elections,
03:11bagay na itinanggi ni Arroyo.
03:13I am sorry.
03:16Ang NBN ZTE deal noong 2007,
03:20kung saan na-award ng umano'y maanumalyang $329 million contract
03:24sa Chinese firm na ZTE para sa National Broadband Network.
03:30Ang PDAF scam noong 2013,
03:33kung saan inakusahan ng ilang mambabatas
03:36ng paglalagak umano ng kanilang Priority Development Assistance Fund
03:40o pork barrel sa mga fake NGO,
03:43na negosyanteng si Janet Liv Napoles kapalit ng kickback.
03:47At ang denguevaxia controversy ng Department of Health,
03:51kung saan naturo ka ng dengue vaccine,
03:53ang mga pasyenteng hindi naman dapat tumatanggap nito.
03:57Kasalukuyang ding inimbisikahan ng Senate Blue Ribbon Committee
04:00ang umano'y maanumalyang flood control projects ng gobyerno.
04:05Mahalaga ang Senate Blue Ribbon Committee
04:07dahil nagsisilibitong bantay ng gobyerno kontra korupsyon.
04:11Kaya mahalaga din na ang mga nakaupo,
04:14walang kinikilingan at walang bahid ng katiwalian.
04:18Ako po si Ian Cruz para sa GMA News.
Comments

Recommended