Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Oh, my God!
00:16Lagpas 13 hours na mula ng yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Mindanao.
00:23Lindol na naminsala sa lupa at nagdulot pa ng babala ng tsunami hanggang Indonesia at Japan.
00:30Umakyat na po sa 35 ang nasawi ayon sa Office of Civil Defense.
00:3431 sa Soksarjen, 4 naman sa Davao Region.
00:38Kaliwat-kanan ang mga wasak na estruktura at nagambala pa nito ang unang araw ng pasukan.
00:44Ang mga tagpo ng pagyanig sa report ni Maki Pulido.
00:51Kasagsagan ng rush hour, kanina ang pasado alas 7.30 ng umaga,
00:55umuga ang lupa at namayani ang takot sa General Santos City.
01:05Bumagsak ang gusaling ito kung saan may branch ng Jollibee.
01:12Tinamaan ang maraming kawal.
01:16Matapos ang pagguho,
01:21Pumasok ang rescuers para alamin kung may natrap.
01:27Wasak ang mga pader at kisame,
01:30sira-sira rin ang mga gamit.
01:34Ayon sa Jollibee,
01:35Ligtas at all accounted for ang mga tauhan nila sa mga branch nila sa Jensan.
01:40At wala pa silang natatanggap ng ulat na may mga nasaktang tauhan sa iba pa nilang store na apektado ng
01:46pagyanig.
01:49Nadali rin ng lindol ang SM Jensan.
01:55Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid sa pagbagsak ng mga pader.
02:02Sa parking area, natabunan ng malalaking pipak ang ilang motosiklo at eight drive.
02:12Tila nabalatan naman ang KCC Mall of Jensan.
02:20Hindi rin nakaligtas ang gusaling ito ng Notre Dame of the Djangas University.
02:26At isang branch ng McDonald's.
02:29Nawasak ang ilang motosiklong nabagsakan ng tipak-tipak ng kongkretong pader at kisame.
02:42Kanya-kanyang tago sa mga mesa at upuan ng mga nasa 8th floor ng isang gusali sa lungsod.
02:53Kasama sa mga napinsala, ang dalawang palapag sa supermarket na ito sa barangay Kalumpang.
02:59Bandang alauna-bente, dalawang labi ang narecover ng Philippine Red Cross.
03:04Dalawa pa ang nire-rescue sa guho.
03:07May mga pitak din sa gusali ng sangguniang pang lungsod.
03:11Marami pang nasirang establishmento at mga sasakyan.
03:16Maging ang palipara ng Jensan na pinsala.
03:19Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP,
03:22limitado muna sa mga biyaheng pang gobyerno, militar at humanitarian efforts ang flights doon
03:27hanggang Huwebes.
03:29Sa ngayon, nasa state of calamity na ang Jensan.
03:33Sarado sa trapiko ngayon ang tulay na nagdurugtong sa Jensan at Clan Sarangani
03:38dahil sa pinsala ng Lindol.
03:40Sa bayan ng Malapatan, may mga gusali at bahay rin nasira.
03:45Sa kabisera na Alabel, gumuho ang ilang cottage sa Ladol Beach.
03:51Unang araw pa man din ang pasokhan ng lumindol.
03:54May mga estudyanteng kinimatay sa isang paaralan sa Cotabato.
04:05Gayun din sa Little Baguio Elementary School sa Surala, South Cotabato.
04:13Napahinto naman ang mga motorista sa Pulumulok, South Cotabato na inabutan ang lindol sa kalsada.
04:18May garage door.
04:19Tama na.
04:20Nagkalat din sa gilid ang mga nagbagsakang bote ng soft drinks.
04:26Sa isang barangay sa Coronadal, bubong na lang ang kita sa bumigay na covered court.
04:31Naputol naman ang Lampari Bridge sa pagitan ng mga bayan ng Banga at Upi.
04:37Maging ang isang tulay sa bayan naman ng Tibuli.
04:42Abot hanggang Davao, ang Yanig.
04:45Animo'y niyuyug-yog ang mga nag-iiyakang mag-aaral at guro sa open field ng Mahayahay Elementary School sa
04:51Malita, Davao Occidental.
04:53Sa gitna ng pagpapatahan ng mga nakatatanda,
04:58may bumagsak na shed.
05:03Dahil sa dagat ang epicenter ng lindol, naglabas ng babala ng tsunami ang evokes.
05:10Sa tawi-tawi, tumaas ang tubig.
05:12Tila hinihila ang mga barko at bangka palayo ng dalampasigan.
05:19Sa Basilan, tatlong bahay ang nasira.
05:24Nirespondehan naman ang mga tauhan ng Coast Guard Station Zamboanga del Sur ang ilang coastal community.
05:30May mga nasira rin bahay sa tabing dagat.
05:33Bukod sa Pilipinas, umabot sa Indonesia ang pagyanig at tsunami.
05:38Iniulat din sa Japan na may mga tsunami hanggang 20 centimeters sa ilang lugar.
05:43Inalis na ang lahat ng mga babala ng tsunami.
05:48Makipulido, GMA News.
Comments

Recommended