Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala pa rin kuryente sa malaking bahagi ng General Santos City, kasunod na magnitude 7.8 na lindol.
00:07Saksi live si Maki Pulido.
00:10Maki!
00:13Nasa likod ko sa ngayon, Marisa, ang isa sa mga gumuhong gusali dito sa General Santos City matapos ang malakas
00:21na lindol.
00:22Ito yung gusali kung nasaan na yung isa sa mga branch ng Jollibee maging ang isa sa mga himpilan ng
00:31radio station.
00:32So generally, tahimik ngayon sa paligid ng gusali, may mga nakabantay na ilang polis maging mga security guard.
00:41Pero meron din mga nakapalibot na yellow tape dito sa gumuhong gusali.
00:45Ang pagkakapaliwanag sa atin kanina, ito ay para mapigilang makalapit yung mga tao dito sa gumuhong gusali.
00:53Walang recovery operation, ang sabi ng nakausap nating polis, ay dahil kumpirmado naman daw na nakalabas lahat ng tao ng
01:00gusali bago ito gumuho.
01:03Nadaanan din natin yung isang gumuhong gusali sa Maya Laurel Avenue.
01:07At tulad dito, ay tahimik din naman sa lugar na palibutan din lang ng yellow tape.
01:12Sa ngayon, katulad nga nang nabanggit mo Maris, ay walang kuryente sa malaking bahagi ng General Santos City.
01:20Ang may mga establishments na may kuryente, pero ito ay dahil meron silang sariling generator sets.
01:26So sila lamang yung may ilaw.
01:28So so far, ay tahimik ang mga kalsada.
01:30Wala pa naman kaming nadaraanan, simula nang kami dumating dito sa General Santos City,
01:35ay wala pa kaming nadaraanan na mga natutulog sa may kalsada dahil sa takot sa aftershocks.
01:42So base sa pinakahuling datos, as of 8pm ng Office of Civil Defense,
01:47ay naitala ang sumusunod na bilang ng fatality.
01:51Sa Region 11, ay apat ang nasawi.
01:53Dito sa Region 12, ay tatlumput isa.
01:56Dalawa sa probinsya ng South Cotabato.
01:59Labing pito sa probinsya ng Sarangani.
02:01At dito sa General Santos, ay labing dalawa na ang naitalang fatality.
02:07So mula dito sa General Santos City, ako si Mackie Pulido, ang inyong saksi.
Comments

Recommended