00:00In a Facebook Live video, Senator Alan Cayetano gave Acting SP Wynn Gatchelian an advice,
00:05huwag magpagamit sa Malacanang. This came days after the palace said it recognizes Sen Wynn's legitimacy.
00:11Ano po ang tugon nyo dito?
00:13Ang hiling lang po natin sana ay huwag kumilos ang nasabing opisyal na parang siya pa ang biktima.
00:23Marami pong na biktima ang kaguluhan sa Senado.
00:26Unang-una pong na biktima dito ay ang taong bayan na naniniwala sa integridad ng Senado.
00:34Ang kaguluhan pong ito ay naganap sa pamumuno ni dating Senate President Alan Cayetano.
00:43Ang mga biktima rito kasama na po rito ang umaasa ng mga EJK victims na mapapanagot ang dapat na mapanagot.
00:51Masasabi rin biktima rito ang dating Pangulong Duterte dahil ipinakita na matataas na opisyal pa ang nagkakanlong at nagpapalabas o
01:02nagpapatakas sa isang tinatawag na co-perpetrator ng crimes against humanity.
01:10Ang lahat ng kaguluhan nito ay hindi po dahil sa pakikialam na Malacanang.
01:15Ang putukang nangyari sa Senado noong May 13, ito po ay alam, may permiso, aprobado ni Sen. Alan Cayetano.
01:25Ang pag-lock and load order na isinagawa at inutos ni General Aplasca noon, ito po ay aprobado ni Sen.
01:36Alan Cayetano.
01:37Ang pagpapalabas o pagpapatakas kay Sen. Bato de la Rosa ay aprobado din po ni Sen. Alan Cayetano.
01:46Kung lahat pong ito ay sinasabing ni-intervention ang Malacanang, lahat ng yan ay hindi mangyayari.
01:54So, ang sinasabi ay mag-ingat sa Malacanang, mas mag-ingat po ang taong bayan sa mga taong nagkukunwari at
02:03nagpapanggap na banal.
02:08Yusek, are you referring to Sen. Alan Cayetano dun po sa sinabi niyo nagpapanggap na banal?
02:14Wala po tayong pinapatamaan sa lahat po ito. Kung tatamaan po siya, wala na po tayong magagawa ron.
02:19Ma'am, with no recognition from the House and the Executive, how does Malacanang see Sen. Cayetano's proposal for an
02:26interim arrangement?
02:27Under this arrangement daw po, since both Cayetano and Gatchalian maintain their legitimate leadership of the Senate,
02:34dual signatory and joint certification system for official transactions daw po and documents habang wala pang declared na official Senate
02:43President?
02:43Muli, ang kinikilala ng Ehekotibo ay si Sen. Sherwin Gatchalian.
02:52Walang maidudulot sa ngayon ng ganitong klaseng arrangement.
02:59Baka mangyari na naman ang nangyari dati sa House of Representatives kung saan meron na silang term sharing agreement na
03:11hindi tinupad agad ni Sen. Alan Cayetano.
03:16Again, uulitin natin, tanging si Sen. Sherwin Gatchalian ang kinikilala nating liderato ngayon sa Senado.
Comments