00:00Ngayon pong tag-ulan, nagpaalala ang Department of Health sa publiko para maiwasang tamaan ng kinatawag ng mga wild diseases.
00:09Nakatutok si Katrina Son.
00:16Isang patay na daga ang tumambad sa tapat mismo ng bahay ng tricycle driver na si Leopoldo sa Rojas District,
00:23Quezon City.
00:24Paalala ito ng banta pa rin ng leptospirosis sa kanilang lugar.
00:28Dumating nga sa puntong tinamaan siya ng leptospirosis.
00:33Siyempre manghihina ka ganon, mabuti nalang agapan.
00:37Si Margie na nakatira sa tabing ilog, inaalala rin bukod sa leptospirosis ang dengue.
00:43Nag-i-spray po kami tapos naglilinis para walang lamok.
00:49Dahil tagulan na, paalala ng Department of Health sa publiko,
00:53mag-ingat sa wild o waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptospirosis at dengue.
01:01Kung tayo naman po ay nalusong, di natin naiwasan, ano naman ang dahilan at kahit anong baha po yan,
01:07tayo po ay kumonsulta sa ating pinakamalapit na health center.
01:10Meron naman po tayong mga libring gamot.
01:12Para iwas dengue, dapat ding tandaan ang four teas, taob, tak-tak, tuyo at takip.
01:19Pagbandang hapon na, mula 4 hanggang 6 p.m. aktibo yung lamok.
01:23Sa umaga, mula 6 hanggang 8 a.m.
01:27Malaking bagay rin anya ang pagbaba ng kaso ng dengue ngayong taon.
01:32Mula January 4 hanggang May 23 ng kasalukuyang taon,
01:36ang naitala lamang nationwide ay 50,727 na kaso ng dengue,
01:42kumpara sa 114,308 noong nakaraang taon.
01:46Paalala ng DOH, malaking tulong na updated sa lagay ng panahon.
01:51Dapat din gumamit ng rain gear tulad ng payong kapote o bota.
01:55Siguraduhin din na malinis ang inuming tubig.
01:58Kapag may nararamdaman, agad magpakonsulta sa doktor.
02:03Katrina Son, nakatuto!
02:0624 Horas
Comments