00:00Miss Tulang Ghost Town, ang dinarayong beach destination na Liuliwa sa Zambales.
00:05Ang mga resort doon, sarado muna matapos lambunin ang dagat ang dalampasigan at napinsala pa sa pag-uulan nitong habaga.
00:12At mula sa San Felipe, Zambales, sa Katutok Live, si EJ Gomez.
00:17EJ.
00:20Ivan, malaking bahagi ng beachfront sa ilang parangay sa Liuliwa, Zambales,
00:25ang na-wash-out ng malakas na hampas ng alon dulot ng patuloy na pag-uulan.
00:30Ilang beach resort, ang ilang buwan nang hindi nakakapag-operate, o yan e dalawang buwan na yung karamihan sa kanila.
00:36Dahil yan, sa lablubha o laki ng pinsalang tinamun nila.
00:44Sa lakas ng hampas ng alon mula sa dagat, patumos sa beachfront sa Liuliwa sa San Felipe, Zambales,
00:51nasira ang ilang resorts at establishmento.
00:54May mga gumuhong istruktura matapos ma-wash-out ng dagat.
00:58Na-wash-out din ang malaking bahagi ng lupa sa ilang kalsada sa barangay Santo Niño,
01:04kung saan naroon ang hilera ng mga beach resort.
01:07Nasira rin ang bahagi ng lumang dike na ito.
01:10Pangaban ng mga residente, posibli itong magpalubog sa lugar kung tuluyang gumuho.
01:16Ang mismong village na ito ng mga resort, nagmistulang ghost town.
01:21Karamihan sa mga negosyo, dalawang buwan ng sarado dahil sa pinsala.
01:26Kami ma'am talagang masyado po kami nabahala kasi lalong-lalo na po eh medyo malapit na po sa amin
01:34yung dagat.
01:35Rain or shine, open naman kami ma'am.
01:37Pero ganito po yung sitwasyon ngayon, medyo nabawasan po yung mga customers po namin.
01:42Walang humpay ang malakas na ulan, kaya ilang lugar ang baha pa rin.
01:46Ang bakanting loting ito, nagmistulang ilog na dahil sa napondong ulan.
01:52Dito sa Old Liwliwa, ang mga kalsada lubog sa baha.
01:56Ito yung mga kalsada na kailangan lakari ng mga guests o kaya mga residente na empleyado sa iba't ibang establishmento
02:02o beach resort.
02:03Dito lang sa aking likuran, na kapag nilakad, eh doon na sa dulo yung beach front.
02:10Kahit palumusong sa baha, ang magkakaibigan ito ng first time daw sa Liwliwa, itinuloy pa rin ang bakasyon.
02:17Hindi na namin ma-postpone yung leave namin, nakapayal na siya matagal na.
02:20So tinuloy na namin. Celebrate sana namin ngayon yung birthday ko.
02:24Malakas ang alon, so hindi kami nakapag-swimming na rin.
02:27Nasira rin ang ilang bahagi ng dike sa may Santo Tomas River, dulot ng habagat.
02:32Ayon sa LGU, tumaas ang level ng tubig sa ilog dahil sa ragasan ng tubig mula sa mga karatig bayan.
02:40Apektado rin sila ng pagragasan ng lahar sa barangay Santa Fe sa San Marcelino.
02:45Hindi lang yung rainfall. Pag bumababa itong tubig namin, may mga kasamang sediments ito, silt, lahar.
02:54Considering that, medyo mabigat ang agos ng tubig.
02:58At itong mga dikes namin na may mga damage sa baba.
03:02Katulad doon sa dulo, makita nyo may tinambak na kami doon ng mga ripable rock na tinatawag
03:08just to prevent yung ma-aggravate yung damage.
03:16Ivan, wala namang bahad dito sa aming kinaroroonan.
03:19Malapit yan doon sa munisipyo, dito lang sa aking likuran.
03:22At ang ulan, wala na din naman sa nakalipas na dalawang oras.
03:26At yung abon, e pabalik-balik lang.
03:28Yan ang latest mula rito sa San Felipe sa Zambales.
03:32Ivan?
03:33Maraming salamat, EJ Gomez.
03:41Lea Salonga makes history.
03:43May star na siya sa Hollywood Walk of Fame.
03:54Present ang Pinay singer and acclaimed Broadway actor sa pag-unveil ng kanyang bituin sa Los Angeles, California.
04:00Sa aksi rin sa seremonya ang ilang Asian-American actors kabilang ang may dugong Pinoy na si Darren Criss.
04:07Si Lea ang kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng star sa LA Walk of Fame.
04:12Iginagawad ito sa mga artistang nagpamalas ng professional achievement at longevity sa kanilang karera.
04:18Nakilala si Lea sa international stage para sa kanyang pagganap bilang Kim sa musical na Miss Saigon
04:24na nagbigay sa kanya ng Tony Award for Best Actress in a Musical noong 1991.
04:29Bumida rin siya sa iba pang musicals gaya ng Les Miserables at lumabas sa ilang American TV shows.
04:35Para siya rin ang nagsilbing singing voice ng ilang Disney princesses gaya ni Namulan at Princess Jasmine ng Aladdin.
04:45It's recognition of someone from the small Asian country that's been able to find some footing here on Broadway and
04:55in Hollywood.
04:57It also means what is possible. What's possible for someone that comes from a small Asian country.
05:03It means a whole lot and I think the impact has not quite hit me just yet.
05:11Kung dati, sapat na para sa pamilya ni Nena Revoltan ang sandibong piso para sa apat na araw.
05:18Ngayon, hindi na raw ito uubra dahil sa taas ng bilihin gaya ng isda at gulay.
05:24Nahirapan na po kami mag-budget.
05:26Kung ti na lang bibiliin, dapat dalawang kilo, isang kilo na lang.
05:29Sa Mega Q Mart sa Quezon City, nagmahal ang isda.
05:33Ang pampano na dating P380 pesos kada kilo, ngayon P450 pesos na.
05:39Wala naman P230 pesos.
05:42Mabibili na ngayon sa P250 pesos ang per kilo ng malaking bangus.
05:47Habang ang maliliit naman na bangus, nagtaas ng P30 pesos at ngayon P230 pesos per kilo na.
05:54Tumaas din ng P20 to P60 pesos ang presyo ng iba pang isda, gaya ng galunggok, dalagang bukid at sapsap.
06:01Ayon sa nagtitinda ng isda, mga isdang dagat lang umano ang medyo mababa ang presyo.
06:07Hindi pa naman gano'ng tumaas yung isdang dagat.
06:11Kasi ayawang ko lang sa sunod na araw kasi wala na rin mapakiyaw doon eh.
06:16Baka mga sunod na araw.
06:17Itinuturong dahilan ng mga nagtitinda sa pagmahal ay ang masamang panahon at ang mga pagbaha.
06:23Kung tumahas, kumunti ang kita kasi nahirapan din po yung consumer.
06:27Kwento naman ang mga pahinante yung nagde-deliver ng mga isda sa Mega Q Mart sa Quezon City.
06:32Pahirapan ngayon ang pag-deliver ng mga isda.
06:35Siguro sa baha, manlalang makatawid yung mga biyahero.
06:44Kaya kunti lang yung nakatawid.
06:47Nag-a-adjust na lang po sa mga bibilin para po mag-gasya.
06:52Tipid-tipid na lang tayo sa budget sa ulam.
06:56Bukod sa isda, tumaas din ang presyo ng ilang gulay.
06:59Gaya ng repolyo, patatas, sayote at pechay bagyo.
07:04Bunsod ng mga pag-ulan.
07:05Sa sobrang ulan po, nasira po yung mga pananim nila.
07:10Mas marami po yung nasira kaysa yung naibibiyahe nila.
07:13Kaya mataas po ang gulay.
07:15Napending pa po sa mga biyahe.
07:17Katrina Son, Nakatutok, 24 Oras.
Comments