Skip to playerSkip to main content
Sinagot ng Japan ang alegasyon ng China na tila pang-World War ang mga binabalangkas ng militar nito kabilang ang pagtulong sa Pilipinas. Paalala ng Japanese ambassador, pagdepensa lang ang pinapayagan ng kanilang konstitusyon at hindi pang-gigiyera. Narito ang one-on-one interview sa kanya ng GMA News.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinagot ng Japan ang aligasyon ng China na tila pang World War ang mga binabalangkas ng militar nito,
00:06kabilang ang pagtulong sa Pilipinas.
00:08Paalala ng Japanese Ambassador, pagdepensa lang ang pinapayagan ng kanilang konstitusyon at hindi panggigira.
00:15Ang one-on-one interview sa kanya ng GMA News sa pagtuto ni JP Soriano.
00:23Sa apat na araw na state visit sa Japan ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:27na plan siya ang mga kasunduan ng Pilipinas at Japan para palakasin pa ang defense at maritime security ng Pilipinas.
00:36Pero pumapalag ang China na nababahala umano sa binansagan nitong Japanese Military Expansion
00:42na ang pagkakabalangkas umano ay pang World War II.
00:46Pero matagal ng patakaran ng Japan ang umiwas sa ganyan.
00:50Katunayan, sa post-war constitution nito noong 1947,
00:53ay partikular na inilagay sa Article 9 na tinatalikuran nito ang gyera bilang karapatan ng kanilang bansa
01:00sa pag-aayos ng mga international dispute.
01:04Pinaalala rin ito ni Japanese Ambassador to the Philippines, Ndo Kazuya,
01:08nang hingan ko ng reaksyon sa nabanggit ng China.
01:11Hanggang paghahanda sa depensa lang ang iya ang pinapayagan sa kanila.
01:15Japan has consistently followed the path of a peace-loving nation for more than 80 years.
01:23Japan's policies, defense-oriented, is allowed only in a strictly limited environment
01:31in accordance with our constitution.
01:34Sabi ng Japan, baka ibang bansa ang nagpapalawig ng kakayahang militar,
01:39bagaman hindi niya ito pinangalanan.
01:41There are countries that have continued to expand military capabilities in quite an opaque manner over many years
01:52and have been continuously strengthening their attempts to change the status quo.
01:59Ang ganyang mga pumapwersa ang umano'y tinututulan ng Japan.
02:03Kinumpirma rin naman ni Ambassador Ndo na nakabuo na ng kasunduan ng Japan at Pilipinas
02:09para maibigay na ng Japan sa Pilipinas ang abukama-class destroyer.
02:13Anya sa panahon ngayon, ay walang isang bansa ang kayang harapin ng mag-isa ang lahat ng hamon.
02:20We believe that by enhancing the defense capabilities of allies and like-minded partners,
02:29we can strengthen regional deterrence.
02:32The Philippines is Japan's maritime neighbor and a strategic partner that shares fundamental values and principles.
02:43Sa susunod na taon, ay maaari namang maibigay ng Japan sa Pilipinas
02:48ang karagdagang multi-engine training and light transport aircraft na TC-90
02:53mula sa Japan Maritime Self-Defense Force.
02:57JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended