00:00Sinubok ang teamwork at lakas ng mga batang lumahok sa isang baseball sports clinic.
00:06Mahigit isang daang kabataan ang personal pang tinuruan ng ilang Japanese professional baseball players.
00:12Panoorin po natin ito.
00:16Sportsmanship, discipline, and friendship.
00:19Yan ang ipinakita ng mahigit isang daang participants ng katatapos lamang na Smoky Mountain Baseball Project
00:26na ginanap sa Felino Marcelino Senior Baseball Stadium sa Lungsod ng Taguig.
00:31Ang baseball sports clinic na ito ay pinangungunahan ng JCI Manila sa tulong na rin ng JCI Tokyo.
00:38At sa paglipas ng taon, hindi lamang mula sa Smoky Mountain sa tundo ang mga batang natuturuan
00:44dahil lumaganap na rin sa iba pang lungsod ang proyektong ito.
00:48Napatunayan natin na through sports, kaya eh, pwede.
00:53Pwede magkaroon sila ng scholarship, maging national team sila, malayo sila sa mga masasamang misyo.
01:00Through this baseball project, nakita natin yun.
01:02And because of that, tuloy-tuloy na tayo for the past 40 years.
01:06Lumipad pa mula sa Japan ang mga Japanese delegates kasama ang ilang Japanese professional baseball players
01:13upang maturuan ng baseball ang mga Filipino youth athletes mula sa underprivileged communities.
01:18Dito ay tinuruan sila na i-enhance ang kanilang batting, pitching, fielding, at base running skills sa pamamagitan ng iba't
01:27-ibang drills.
01:31Ngayon po, ngayon nag-scrimmage tayo, nagtuturo yung mga Japanese delegates natin ng mga drills, exercises,
01:38mga strategies na rin, and syempre mga workouts para mas ma-enhance pa yung baseball skills ng ating mga bata.
01:47Bagamat isang araw lamang ang nasabing sports clinic, sa darating na ika-anim ng hunyo ay magkakaroon naman ng culminating
01:54activity.
01:55Ang focus kasi namin on the youth development program kasi are sports.
01:59So we have basketball, we have baseball, we have football, meron tayong swimming.
02:04And then yung mangyayari sa June 6, parang magkakaroon kami ng UAAP or NCAA type,
02:08na parang maramdaman ng mga batang atleta natin na, oh, ganito pala yung feeling na maging atleta.
02:13I wanna take it seriously, diba?
02:15And then at the same time, doon sa project na yun, we will be inviting scouts from different colleges and
02:20universities
02:20para makita or ma-showcase yung ginagawa nitong mga kabataan kasi napakatalentado talaga nila.
02:27Ang SMBP ay isang halimbawa sa kung paano naging daan ang sports upang maibahagi ang kultura ng dalawang bansa
02:34at makamitang layunin na i-empower ang mga kabataan at pagtibayin ang mga komunidad.
Comments