00:00Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang simpleng paghahanda sa pasokan.
00:03Para sa Department of Education, ito ay pagpapakita ng lakas ng pagbabayanihan ng mga Pilipino.
00:09Ang detalya sa report ni Elijah Canlas.
00:14Pinangunahan ng Department of Education ang nationwide kick-off ng Brigada Eskwela
00:19sa Agusan del Norte bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
00:24Pinalawig ni Education Secretary Sani Angara ang kampanya sa Kabadbaran City National High School
00:29kasabay ng paghatid ng pansamantalang kabuhayan sa mga pamilya.
00:33Nagkaisa ang mga volunteers sa nationwide cleaning, minor repairs at repainting
00:38ng mga pampublikong paaralan para sa school year 2026 to 2027.
00:43Paliwanag ni Secretary Angara pinag-isa ang Brigada Eskwela at Tupad
00:47upang makapagbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga pamilyang nangangailangan.
00:52Naglaan ang doli ng 2 bilyong piso para sa Cash for Work program
00:56na makikinabang ang mahigit 200,000 at 40,000 magulang at kaanak ng mga mag-aaral.
01:02Prioridad ang mga paaralan sa geographically isolated and disadvantaged areas
01:07at mga lugar na pininsala ng kalamidad.
01:10Nagsagawa rin ang DepEd at PhilHealth ng Yakap Caravan
01:13sa Kabadbaran City na naghatid ng libreng medical consultation, laboratory tests at gamot.
01:18Nag-lunsa din ang simultaneous regional kick-off sa mga schools division offices
01:23sa Nueva Ecija, Batangas City, Puerto Princesa, Talisay, Calbayog at Davao City.
01:30Nangako naman ang mga private sector partners ng karagdagang kagamitan,
01:34technical assistance at mga volunteer para sa pagsasayos na mga silid aralan.
01:39Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments