00:00Nagpaabot naman ng tulong ang mga karating probinsya ng Albay na Sorsogon sa mga residenteng lubhang apektado ng heavy ashfall.
00:08Yan ang ulat ni Paul Happin ng Radyo Pilipinas.
00:14Bukod sa national government, agad ding nagpadala ng tulong ang pamahalaang panalawigan ng Sorsogon sa lalawigan ng Albay na apektado
00:22ng ashfall.
00:23Sa katunayan, sinimula na ngayong araw ang pamamahagi ng 5,000 food packs sa mga residente sa Ginubatan.
00:29Bunga yan ang pagtutulungan ng mga kawalin ng provincial government ng Sorsogon at Philippine National Police sa pagre-repack ng
00:36ayuda upang masiguro ang mabilis at maayos na distribusyon nito.
00:40Nagpadala rin ang Sorsogon Provincial DRRMO ng Watson o Water and Sanitation Machine sa Albay para makapagbigay ng inuming tubig
00:48sa mga apektadong individual.
00:50Personal ding nakipag-ugnayan si Governor Buboy Amor kay Albay Governor Noel Rosal upang mapabilis ang pagpapadala ng tulong mula
00:57sa Sorsogon patungo sa mga apektadong lugar.
01:00Sana po makatulong itong kaunting tulong na ipinadala po ng Pamahalaan Panalawigan para po sa mga tagigang Ginubatan.
01:07Hindi man natin mabigyan ng lahat but at least sa samasamang pagtutulungan ng iba't abang ahensya ng Pamahalaan kahit po
01:16pano ay makakabupo tayo ng mga resources para ibigay ng tulong sa ating mga kababayan.
01:21Nagpasalamat naman si Ginubatan Mayor Gemma Onhoco sa paunang tulong na ipinagkaloob ng Sorsogon para matugunan ang pangangailangan ng mga
01:29residente rito.
01:30Thankful po ako on behalf po ng LCU, pasalamat po kay Governor Buboy Amor sa ayunang pinadala niya.
01:41Malaking bagay po yun sa bayan namin and yung ganyan pong bayanihan spirit talagang napaka-importante po, lalong-lanog po
01:51sa ganitong kalamidad.
01:53Sa gitna ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon, naging mahalaga ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang
02:00agarang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
02:03Bula rito sa Albay, para sa Integrated State Media, Paul Happy ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments