00:00Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo. Kung magkano, alamin natin sa report ni Elijah Canlas.
00:10Magandang balita para sa ating mga kababayan.
00:13Maglalaro na lamang sa 14 pesos and 33 centavos kada kilowatt hour ang kabuoang rate para sa isang pangkarniwang pamilya.
00:22Nabawasan ng isang sentimo kada kilowatt hour ang singil mula sa dating 14 pesos and 34 centavos noong nakaraang buwan.
00:31Nakatulong ang mga inisyatiba ng Energy Regulatory Commission o ERC para mapagaan ang epekto ng posibleng mataas na singil dulot
00:39pa rin ang tensyon sa gitnang silangan.
00:41Paliwanag ng Meralco, pinabilis nila ang pagpapatupad ng refund na nagkakahalaga ng 14.17 billion pesos.
00:49Dahil dito ay tumaas ang refund rate para sa mga residential customer ng 25 centavos kada kilowatt hour ngayong buwan.
00:58Ayon sa Meralco ay nakatulong din ang pagpapababa ng transmission charge na halos limang sentimo kada kilowatt hour.
01:06Malaki rin ang naging ambag ng interventions mula sa ERC sa pagpapababa ng singil.
01:12Yung pinakamalaking impact ngayon, yung pinayagan kami ng ERC na i-implement immediately yung isang mechanism sa mga ERC-approved
01:22power supply agreements ni Meralco.
01:24Ito yung pag-re-imburse ng line rental amount from the spot market.
01:30Kung hindi natin na-implement kaagad ngayon for this May, ang generation charge sana ay tumaas ng mahigit piso.
01:37Pero dahil sa pag-implement kaagad ng line rental adjustment na pinayagan ng ERC,
01:46nakasave ng 2 billion pesos ang Meralco consumers and that 2 billion pesos was absorbed by the generator suppliers of
01:55Meralco.
01:56Samantala, tumaas naman ang generation charge ng 40 sentimo kada kilowatt hour dahil sa pagmahal ng singil sa wholesale electricity
02:04spot market.
02:06Kaugnay nito ay makatitikim din ang bahagyang benepisyo ang mga customer sa value-added tax o VAT exemption para sa
02:13kuryente mula sa indigenous natural gas.
02:16Ayon sa Meralco, ang refund ay magiging isang hiwalay na line item sa bill na may label na Actual Weighted
02:24Average Tarif o Awat Refund.
02:26Hinimok naman ng ERC at ng Meralco ang publiko na patuloy na maging masinop sa paggamit ng kuryente, lalo na
02:33ngayong tag-init.
02:35Nananawagan din ang pamunuan ng Meralco na ifollow ang kanilang mga legitimate pages at makipag-ugnayan sa hotline para sa
02:43tamang gabay at impormasyon.
02:44Elijah Canlas para sa Pambansang TV, Sabagong, Pilipinas.
Comments