Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento.


Naglalaba lamang nang gilitan at pagsasaksakin ng kaniyang kumpare ang isang lalaki sa Parañaque.


Naka-FB live pa siya noon kaya kitang-kita kung paano siya pinatay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naglalaba lamang ng gilitan at pagsasaksakin ng kanyang kumpare ang isang lalaki sa Paranaque.
00:05Naka-FB live pa siya noon, kaya kitang-kita kung paano siya pinatay.
00:10Babala po mga kapuso dahil sensitibo ang inyong mapapanood sa pagtutok ni Jomer Apresto.
00:20Nag-Facebook live pa ang lalaking yan habang naglalaba sa labas ng kanyang tinutuluyan sa Silverio Compound,
00:27Barangay San Isidro sa Paranaque City, hapon ng May 28.
00:30Makalipas ang ilang minuto, isang lalaki ang dumating at biglang ginilitan sa leeg ang biktima gamit ang isang patalim.
00:39Ilang ulit din siya nitong inundayan ng saksak sa tagiliran habang pilit na sinusubukang umilag ng biktima.
00:45May kita sa video na nalaglag ang patalim ng salarin.
00:48Pero may binunot pa siya na isa pang patalim sa tagiliran at muling pinagsasaksak ang biktima bago tumakas.
00:55Nakatayo at nakapaglakad pa ang biktima, ngunit bigla na lang din siyang humandusay.
01:04Ayon sa pinsan ng biktima, nakausap pa niya ito at nakapagpadala pa ng pera sa kanila ilang oras lang bago
01:10mangyari ang krimen.
01:11Hanggang sa napanood na lang nila ang Facebook live ng kanyang pinsan at isang doktor daw ang tumawag na sa
01:17kanila.
01:17Pag tingin namin sa live sir, doon talaga namin ang ito.
01:23Maraming sobrang sakin.
01:27Wala siyang ako na sinagsak yung pinsanin ko.
01:34Hindi talaga namin matanggap sir.
01:37Dok, buhayin mo. Dok, ang mabuhay siya.
01:41Yan lang po yung ano ko pero hindi ko alam sabi na kung pupunta kayo, hindi nang yung madatna na
01:47buhay.
01:49Nakaburol na ang biktima.
01:50Hinihintay pa ang opisyal na autopsy report pero ayon sa mga doktor na nakausap ng pamilya ng biktima,
01:56saksak daw sa tagiliran at tumagos sa puso ang ikinamatay niya.
02:00Sa ikinasang hot pursuit operation, natuntun ang Paranaque Police ang 34-anyos na sospek
02:05sa barangay Singkama sa Makati City kahapon ng hapon.
02:08Ayon sa pulisya, lumabas sa kanilang investigasyon na magkumpare ang sospek at ang biktima
02:14at dati nang may alitan ang dalawa.
02:17Bago mag-new year ng 2024, nagkapang-abot na ito.
02:22Magkapitbahay ito eh.
02:24So malamang nagkakaparinigan at may mga, yung insidente hindi pa rin naayos.
02:31May isang kutsilyo na na-recover doon sa scene at yun din ang nakita ng mga witness na gamit na
02:40pansaksak ito.
02:41Inaalam pa ng pulisya kung dati na bang may kaso ang sospek at kung gumagamit ba siya ng iligal na
02:46droga.
02:47Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang sospek.
02:50Pero ayon sa kaanak niya, blanco rin sila kung ano ang dahilan ng krimen.
02:54Humihingi sila ng patawad sa pamilyang naulilan ng biktima at sinabing handa silang makipagtulungan.
03:00Handa naman po kaming magbigay kung ano pong makakayanan namin.
03:04Nakikiramay po kami kasi kilala naman po namin yung tao.
03:07Kumontak siya sa akin para sabihin na susuko siya.
03:10Tapos nag-inquire ako sa kakilalang pulis kung ano yung tamang proseso.
03:16Tapos ayon, ginaid namin siya.
03:17Nasa kustodiyan na ng Paranaque City Police Station ang sospek na maharap sa reklamong murder.
03:23Jomer Apresto, Nakatutok, 24 oras.
03:30Tapos ayon, ginaid namin siya.

Recommended