00:00Brigada Eskwela sa mga paaralan sa Baguio City, umarangkada na rin mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong sektor,
00:07kabilang sa mga nakiisa para matiyak ang ligtas at maayos na pag-ubalik eskwela.
00:13Si Jezreel Kate Labizar sa Sentro ng Balita.
00:18Nagsimula kahapon ang Brigada Eskwela sa iba't ibang paaralan sa lungsod ng Baguio
00:23bilang paghahanda sa nalalapit na pag-uumpisa ng pasukan.
00:27Nakiisa ang mga guro, magulang, estudyante at volunteers sa Joaquin Smith National High School
00:34sa paglilinis at pagkukumpuni sa mga silid-aralan, pasilidad at gamit sa paaralanan.
00:41Napakahalaga po na makita po natin na mga classroom ng mga bata pagpasok nila,
00:47nakahanda na para sila ay mag-aaral.
00:49As compared ng mga bata kami, na kami yung imbis na mag-aaral kami,
00:53kami pa yung nag-aayos, kami yung nag-ilinis.
00:55So, ang concern na lang ng mga bata ay mag-aaral.
01:01Nakipagtulungan naman ang iba pang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor
01:05para matiyak ang kaligtasan ng mga pasilidad.
01:08Ang kooperatiba natin ay tumutulong, kaagapay sa Brigada Eskwela.
01:14And number one na tinitingnan po natin ay safe yung mga estudyante po napapasok
01:18in terms of yung electrical safety.
01:21Layon ng Brigada Eskwela na matiyak ang ligtas,
01:25malinis at matiwasay na learning environment para sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng bagong school year.
01:31Pinasasalamatan naman ng mga school official ang suporta ng komunidad at mga partner organization.
01:38It takes a village to teach a child.
01:41So, with that na tulong ng mga stakeholders,
01:44they would be able to help us naman na maipaready ang school.
01:48Ready na, walang magkakasakit dahil nasigurado natin na malinis ang kapaligiran.
01:54Patuloy nilang hinihikayat ang publiko na makiisa sa Brigada Eskwela
01:58para matulungan ang mga paaralang makapaghanda para sa pagbabalik ng mga estudyante.
02:04Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments