Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi lang daw kaibigan, kundi kakampi, ang tingin ng Pilipinas sa Japan.
00:04Git po yan ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa harap ng Kongreso ng Japan.
00:09At sa pulong naman ng Pangulo kasama si Japanese Prime Minister Takeichi Sanay,
00:14inanunsyo ang ilang kasunduang pansiguridad.
00:17Saksi si Van Mayrina.
00:22Sa sabay na pagharap ni Pangulong Bongbong Marcos sa Japan, Prime Minister Takeichi Sanay,
00:26unang binanggit ng parehong lider ang pag-angat ng diplomatic relations sa Pilipinas at Japan
00:31sa mas pinalawak na comprehensive strategic partnership.
00:35Mga kasunduang pang siguridad ng kabilang sa mga inanunsyo,
00:39sisimula na raw ang formal na negosasyon para sa General Security of Military Information Agreement.
00:45Mamadali na rin ang paggawad sa Pilipinas ang Abukuma Class Destroyer mula sa Japan.
00:50Makaatulong daw ito sa defense cooperation at magpapanatili ng rules-based maritime order
00:55sa gitna ng tumataas atensyon sa regyon.
00:58These are very important steps to further strengthen our defense cooperation
01:02and to uphold a rules-based maritime order.
01:07They will enhance the mutual trust between our two countries.
01:11Sa kalakalan at paumuhunan, isang tax convention ang pinirmahan
01:15para maiwasan ang double taxation sa pagitan ng dalawang bansa.
01:19Makaatulong daw ito sa pagpapaganda ng business environment at cross-border investment
01:23sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
01:26Suportado rin ang Japan ng chairship ng Pilipinas sa Asia ngayong taon.
01:29Gayun din, ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council.
01:35May mga kasunduan din na mas maigting na kooperasyon sa agrikultura at fisheries,
01:40health services, human development, space development, at artificial intelligence o AI.
01:46Bago ang pulong ngayong gabi ay nagtalumpati sa Pangulong Bongbong Marcos
01:50sa joint session ng National Diet o yung Kongreso ng Japan.
01:54Ipinaalala ng Pangulo ang lumalim paugnayan ng Japan at Pilipinas
01:57mula na magbalik-normal ang diplomatic relations ng dalawang bansa,
02:0170 taon na ang nakararaan.
02:03Anya, hindi lang kaibigan kundi katuwang at kakampiang Japan
02:07na sumusuporto sa Pilipinas, kaugnay sa atensyon sa South China Sea.
02:11This partnership finds concrete expression in our deepening defense and security cooperation
02:16through frameworks such as the Reciprocal Access Agreement,
02:21the Acquisition and Cross-Servicing Agreement,
02:23and Japan's Official Security Assistance Program,
02:27which supports the Philippines in enhancing its maritime domain awareness and defense capabilities.
02:35Magkakasunod ang business meeting sa Pangulo ngayong araw,
02:38na ayon sa Malacanang, ay nagresulta ng 56.3 billion pesos sa pangakong investment
02:42sa electronics at shipbuilding sa Pilipinas.
02:46May gitsampung libo raw ang malilikhang trabaho dahil sa pamumuhunang ito.
02:50Hiwalay pa dyan ang naunang 3.4 billion US dollars sa pangakong investment
02:54na bunga ng mga pulong sa mga business leaders sa Japan.
02:57Japanese companies have long been part of the Philippines story.
03:02But today, I want to say this clearly.
03:06You are no longer just investors in our economy.
03:10You are the builders of our economy.
03:13Every time there's investments in the Philippines,
03:16it's not just the income that it provides to the Philippines,
03:19but it's also the jobs that it provides.
03:21Kaha po nasaksiyan din ang Pangulo
03:23ang paglagda ng mga kasunduan ng mga pribadong kumpanya
03:26para sa pagdevelop ng AI-powered smart cities sa Makati.
03:30Meron din para sa digital finance at digital marketing.
03:34May hiwalay pang kasunduan para palawakin ang operasyon
03:36ng sikat na e-wallet platform
03:38at ang pakinabang dyan ng mga mamamayan,
03:40ayon sa DTI,
03:41mas mabilis at mas maginhawan transaksyon
03:44para sa mga negosyante at consumer.
03:46Balik Pilipinas na ang Pangulo Bukas.
03:49Mula sa Japan, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
Comments

Recommended