Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00I know it in my very soul, the state of the nation is sound.
00:27Tatlong araw na lang bago ang taonang pagtitipon ng matataas na opisyal sa batasang pambansa.
00:34I know that the state of the nation is sound and is improving. Dumating na po ang bagong Pilipinas.
00:43Doon ihahayag ng Pangulo ang kanyang ikaapat na SONA o State of the Nation Address.
00:48Lagi po natin mahalin ang Pilipinas. Lagi po natin mahalin ang Pilipino.
00:55Tinanong namin ang mga kapuso, ano ang gusto ninyong marinig sa ikaapat na SONA ni Pangulong Bongbong Marcos?
01:03Isa sa mga gusto nilang matalakay ang estado ng edukasyon sa bansa.
01:07Hiling ng isang netizen na huwag madagdagan ang mga silid-aralan at maparami ang mga guro sa puntong bawat isa sa kanila ay may dalawampung estudyante na lamang.
01:16Ang isa naman, gustong matanggal na ang K-12 program para mabawasan daw ang paghihirap ng mga magulang.
01:22Gusto rin daw ng ilang marinig na ligtas ang ating mga lansangan na walang takot na makakapaglakada ang mga mamamayan.
01:29Total ban sa online gambling naman ang gusto ng isa pa, katulad daw ng ginawa ng Pangulo sa Pogo.
01:35Hiling ng iba pang netizen, pagtaas ng sahod sa anmang sulok ng bansa at pagpapababa ng presyo ng bilihin.
01:42Mukahin ng isa, tanggalin ang provincial rate at ipareho na ang sahod sa mga rehyon para hindi na raw magsiksika ng mga tao sa Metro Manila.
01:50Sana ay bumaba ang mga presyo dahil sobrang tataas ang mga presyo ngayon ang mga bilihin, lalo ang mga karne, mga chike, mga ista, mamahal kaya niyan.
01:59Sana po matupad yung sabi nila na yung bigas, ibabalik yung presyo sa 20.
02:06Yung bigas, dapat ibaba kasi nagmamahal ang bigas eh.
02:12Dapat po maging maayos po ang bansang Pilipinas natin at hindi po magutom ang mga tao.
02:20Kapakanan ng mga magsasaka ang inalala ng ilan.
02:23Naway alalayan daw sila sa gitna ng mababang presyo ng pagbili sa palay at mahal na kagamitan sa pagsasaka.
02:28Gaya ng abono at mga pesticide.
02:31Nasa gitna pa rin ang kabi-kabila, buis-buhay at matagal na humupang pagbaha ang mga Pilipino.
02:36Kaya marahil ay inaasahan na ang mga hiling na matalakay ang flood control projects ng gobyerno.
02:41Sana magbago yung mga baha, magawa niya ng paraan.
02:46Isang linggo walang pasok eh.
02:49Kaya walang biyahe nga ay asawa ko kasi walang pasok, walang sasakay.
02:55Kaya yun, walang income kami.
02:57Yung mga greenage po, yung mga kanal na palagi bumaba sa Metro Manila eh.
03:06Kahapon lang ay binanggit ng Pangulo na hiningi niyang i-update ang flood control master plan ng DPWH.
03:12Tanong naman ang isang netizen, ano raw ang status sa pagapatupad ng right sizing sa gobyerno?
03:17Ito yung pag-aalis ng mga doble-doble at overlapping na mga trabaho sa mga ahensya at opisina para mas mapahusay ang pagbibigay servisyo.
03:26Kasama ito sa priority measures o gustong maisabatas ni Pangulong Marcos.
03:31Gusto namang marinig ng isa pang netizen na maitaas ang pondo para sa mga ospital, pati na sa kalusugan.
03:37Pangangalaga sa mga senior citizen ang hiling ng isa, kabilang ang pagpapaospital, libreng gamot at vitamins, at dagdag pensyon.
03:45Ilan lang ang mga ito sa mga gusto ng mga mamamayang tugunan ng gobyerno, hindi lang para sa sarili, kundi para sa kapwa Pilipino.
03:54Hiling nila, bago sila makinig sa Pangulo sa Lunes, naway sila ay marimig din.

Recommended