00:00Inimbitahan ni Pangulong Bombo Marcos si South Korean President Lee Jim Myung na bumisita sa Pilipinas.
00:06Sa gitna po yan, mag-uusap ng dalawang leaders sa Apex Summit.
00:10At mula sa Busan, South Korea, saksila si Bernadette Reyes.
00:16Bernadette?
00:19Pia, mga traditional Korean food gaya ng bibimbap at braised short ribs,
00:24ang ilan sa mga pinagsaluhan ng mga world leaders at delegates sa gala dinner na hinost ni South Korean President Lee Jim Myung.
00:35Sa unang sasyon ng APEC Economic Leaders Meeting, isinulong ni Pangulong Bombo Marcos
00:41ang pagbabalik sa mekanismo ng World Trade Organization o WTO para resolbahin ng mga pagtatalo sa kalakalan ng mga bansa.
00:49Walang partikular na binanggit pero kung matatandaan, naka-apekto sa mga ekonomiya sa buong mundo
00:55ang pagtataas ng ipinapataw na taripa ng Amerika sa mga produktong inaangkat nito sa ibang bansa.
01:02May appellate body ang WTO para desisyonan ang mga katulad na pagtatalo sa kalakalan
01:07pero 2019 pa huling nakapagdinig dahil sa kakulangan ng quorum dahil sa mga hinarang na appointment.
01:14Pagkatapos niyan, nag-usap ang Pangulo at si South Korean President Lee Jim Myung
01:20na chairperson ng APEC Economic Leaders Meeting.
01:23Pagkatapos niyan, ang pagtatalo sa mga kossima.
01:27When we were in a national crisis, the Philippines sent its military to base us.
01:32And so the people of Korea will never forget the contributions and dedication and sacrifices made by the Philippines.
01:38And I see real opportunities for us to promote the rules-based order,
01:43and more secure and more prosperous region.
01:46Allow me to invite you to come and visit us in the Philippines.
01:49I fully agree and I will try to visit the APEC-CEO Summit.
01:55Dahil sa Pilipinas ang 2026 ASEAN Summit, inimbitahan din ni Pangulong Marcos ang mga negosyante mula sa ibang bansa na bumisita sa Pilipinas nang magtalumpati siya sa APEC-CEO Summit.
02:08The Philippines is open, ready, and eager to do business with you.
02:14The Philippines offers more than just a strategic location at the heart of the region.
02:19Samantala, nakasama naman ni First Lady Lisa Araneta Marcos ang mga spouses ng iba pang world and economic leaders sa Bulguk sa Temple.
02:29Niregaluhan sila ng traditional Korean pouch na may simbolo ng kasiyahan at swerte.
02:39Pia, ang menu ay dinisenyo ng sikat na American Korean chef na si Edward Lee.
02:44Samantala, nag-perform din sa naturang gala dinner, ang K-pop star na G-Dragon.
02:50Live mula dito sa Busan, South Korea, ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
02:56Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:58Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.